Prologue

13 2 5
                                        

I'm currently looking at the mirror. I can clearly see my reflection. I had long brown wavy hair that reach my waist, a pair of blue enticing eyes, long eyelashes, pointed nose, sinfully thin red lips and my skin is as white as milk. With my appearance, other people say that I look like a goddess. They often ask me too if I am an angel who fell from heaven.

If only nothing happened on the past, makukuha ko sanang maging masaya sa lahat ng papuring natatanggap ko. Sabi nga nila, nasa akin na ang lahat. But they are wrong. Noon, oo... pero ngayon, may kulang na. Wala akong pamilyang nandiyan lagi para sa'kin. Wala akong pamilyang nagmamahal sa'kin. Wala akong pamilyang nalalapitan 'pag may problema ako. Kung nabibili lang ng pera ang pagmamahal at pagpapatawad nila dahil sa kasalanang hindi ko naman talaga ginawa, I will gladly buy those. Kaso hindi nadadaan sa pera ang lahat. If you're wondering why I'm still rich kahit na mag-isa na lang ako, 'yon ay dahil I'm a model sa mga malalaking company pero hindi alam ng pamilya ko. Naging model ako no'ng 13 years old ako and I'm 20 now. Bukod pa do'n, may iba pa 'kong pinagkakakitaan na hindi ko maiisa-isa sa sobrang dami. Hindi ako magastos kaya lahat ng perang kinita ko within 7 years ay naipon. Pinagsasabay ko ang pag-aaral ko at ang trabaho.

I'm still looking at the mirror and I can't stop myself from reminiscing.

"Zeiannah, wake up! Nandito na si Mommy. Gumising ka, please!" umiiyak na saad ni Mommy.

"Mommy, si Ceiannah ang–"

Natigil sa pagsasalita si Ate Hellisheiana nang umimik si Mommy at bumaling sa'kin.

"Ceiannah, anong ginawa mo?" tanong nito sa'kin at pinukulan ako ng masamang tingin.

"Hindi ba't mahigpit kong bilin na 'wag kayong pupunta dito kasi delikado. At kung magbibiruan kayo, hindi niyo na kailangan pang magtulakan. Tingnan mo kung anong nangyari," galit na sigaw  pa nito.

"M-mommy, wala akong kasalanan. Hin–"

"Mommy, napalakas ang tulak niya kay Zeiannah kasi kilig na kilig siya kanina habang nagkukwento na may boyfriend na daw siya," putol ni Ate sa dapat na sasabihin ko. "Nawalan ng balanse si Zeia at tumama ang ulo niya sa malaking bato," dagdag pa nito.

Napatingin ako sa kan'ya. Nakangisi siya sa'kin. Pa'no niya nagagawang magsinungaling.

"Hon, bring Zeia's body," utos ni Mommy kay Daddy. "And you," baling ni Mommy sa'kin. "Ayaw ko ng makita ang pagmumukha mo. Kunin mo na ang lahat ng gamit mo sa bahay at lumayas ka na! Nagsisisi akong naging anak kita. Sana hindi ka na lang nabuhay!" galit na sambit nito.

Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay umalis na sila. Kasabay ng pagbuhos nang masagana kong luha ay ang pagbuhos ng malakas na ulan. Tila ba alam nito na nasasaktan ako ng sobra ngayon.

Napailing-iling ako. I laughed bitterly. Lagi na lang ganito. Everytime I'm alone, naaalala ko ang lahat ng nangyari noon and I would always end up crying my heart out. Ang sakit pa din kasi kahit isang taon na ang nakalipas. Hindi nababawasan 'yong sakit. I gently wipe my tears. Kung may makakita man sa'kin ngayon, iisipin nilang nababaliw ako dahil tumatawa ako habang umiiyak. I heaved a deep sigh.

Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin and I look like a mess. I turn on the faucet to wash my hand and my face. Nang makuntento na 'ko sa hitsura ko ay lumabas na ako sa restroom. I checked the time at alas-tres na ng hapon. Kalahating oras din pala akong nanatili do'n.

Habang naglalakad ay kinuha ko ang cellphone ko mula sa aking maliit na bag. Pagkaalis ko ng lock nito ay bigla na lamang may humablot sa cellphone ko at itinakbo ito. 'Pag minamalas ka nga naman, oh.

"Hoy, magnanakaw ibalik mo 'yan!" malakas kong sigaw habang hinahabol ito. Wala na 'kong pakialam kung pagtinginan man ako ng mga tao. Mahalaga sa'kin 'yon kaya nga kahit medyo luma na ay hindi ko pa magawang palitan. Iyon kasi ang huling regalong ibinigay sa'kin ng mga magulang ko.

Patuloy lamang ako sa pagtakbo hanggang sa makalabas na 'ko ng mall at sa kasamaang palad ay nawala na ang magnanakaw sa paningin ko. Nanlulumong napaupo ako sa tabi ng kalsada. Hindi alintana ang init ng araw na tumatama sa aking balat.

Pinipigilan ko ang sariling maiyak. Nakayuko lang ako habang nilalaro ang aking mga kamay nang may marinig akong boses sa aking likuran.

"Miss!"

Hindi ako lumingon dahil baka hindi ako ang kinakausap niya. I'm in a public place, madaming tao.

"Hey, Miss!"

Sino ba kasing tinatawag nito? Eh kung nilalapitan niya na lang kaya.

"Miss, magmumukmok ka na lang ba d'yan?" rinig kong tanong nito.

Wait! Ako ata ang kinakausap niya. Awtomatikong napalingon ako dito. Sumalubong sa'kin ang isang pares ng itim na sapatos. Dahan-dahan kong iniangat ang aking ulo at nakita ko ang isang matangkad na lalaki. Napatitig ako sa perpekto nitong mukha. Ang ganda ng kan'yang itim na mga mata at tila ba tumatagos ang kan'yang mga titig sa buo kong pagkatao. Matangos ang kan'yang ilong at makapal ang mga kilay na talaga namang bumagay sa kan'ya. Mapula ang manipis niyang labi at para bang naaakit akong halikan ito. Napailing-iling ako.

"Stop it, Ceia! Nagiging manyak ka na. Nakalimutan mo na agad ang nangyari kani-kanina lang dahil sa taong nasa harapan mo. Nakalimutan mo na rin atang hindi ka na interesado sa mga lalaki," mahinang pagkausap ko sa sarili ko.

"Miss, may sinasabi ka?" muling tanong nito.

"W-wala akong s-sinasabi," nauutal kong sagot. Gosh Ceia, nakakahiya ka.

"Before I forgot, here's your phone. Nabawi ko sa magnanakaw," saad nito at bahagyang iniunat ang kamay upang maiabot sa'kin. Napatingin ako sa kamay nitong hawak-hawak ang cellphone ko. Nagtataka man kung pa'no 'yon nangyari ay ipinagsawalang bahala ko na lang. Tumayo ako at pinagpagan ang pants na suot ko. Mabilis ko namang kinuha sa kamay niya ang cellphone ko at agad na itinago sa aking bag. Bahagya pang nagdampi ang aming mga balat.

"Uh, thank you nga pala!" saad ko dito at binigyan siya ng isang pilit na ngiti.

"Walang anuman! Maaari ko bang malaman ang 'yong pangalan?" nag-aalangang tanong niya. Marahil ay napapansin niyang hindi ako komportable.

"Uh, aalis na ako," pagpapaalam ko dito at agad na lumakad palayo sa kan'ya.

"Nice to meet you, Miss aalis na ako!" rinig ko pang sabi nito habang tumatawa. "Ingat ka, mamahalin pa kita!" pahabol pa nito na hindi ko na pinagtuunan pa ng pansin.

Sa kagustuhan kong makalayo agad mula sa lalaking 'yon at hindi ko na namalayang dinala ako ng aking mga paa dito sa isang park. Umupo ako sa bench na malapit sa'kin. Alas-kwatro na ng hapon at hindi na masyadong mainit. I look up in the sky.

"Zeiannah, miss na miss na kita! Hindi ko pa din nabibigyan ng katarungan ang pagkamatay mo. Hindi ko alam kung saan at paano ako magsisimula. Wala pa akong kahit na anong ebidensiyang maiipakita. Kung dumating lang sana ako agad no'n, baka natulungan kita. I'm sorry, Zeia! I'm sorry, my twin! Pangako, gagawin ko ang lahat para makulong ang taong pumatay sa'yo. Gagawin ko ang lahat para makulong si Ate Hellisheiana," mahabang sambit ko.

Pinunasan ko ang mga luha kong nagbabadya na namang pumatak. Tumayo na ako upang umuwi nang may maramdaman akong nakatingin sa'kin. Lumingon ako sa may bandang kaliwa ko dahil sa tingin ko'y nando'n ang kung sino mang nakatingin sa'kin pero wala akong ni isang taong nakita. Hinayaan ko na lamang at tuluyan ng umalis.

"Don't worry, Ceiannah, magiging ayos din ang lahat. Pangako, tutulungan kita. I'll do anything for you," bulong sa hangin ng isang lalaking nakatingin sa papalayong pigura ng dalaga.

When I Meet YouStories to obsess over. Discover now