Part 1

12 0 0
                                    

Year 2011

Yes! Finally! College na ko! Wala nang curfew curfew! Makakapili na rin ako ng gusto kong subjects. Nasa dream school ko pa ako! Ang saya!

Pumasok muna ako sa CR para mag-ayos, mamaya kasi may pogi akong makita tapos losyang losyang yung itsura ko! HAHAHA! Hindi pupwede no!

Pagkatapos ko mag-ayos, dumirecho kaagad ako sa una kong klase, nagulat ako dahil 9:00 am na, wala pa rin ang prof kahit na dapat 8:30 ang klase, nakikita kong isa isa umaalis yung mga kaklase ko. Naglakas loob akong kausapin and katabi ko.

"Excuse me, kuya?" Sabay tapik sa balikat niya. "Bakit sila umaalis?"

"Free cut na kasi." Sabi niya.

"Huh? Free cut?" Tanong ko.

"Pag 30 mins late na yung prof, pwede na umalis, free cut yung tawag dun." Sabi niya sakin sabay bitbit ng bag niya at umalis. Kaloka, alis agad di manlang nagpakilala. At dahil baguhan ako, nakisunod narin ako sa pag-alis ng mga kaklase ko.

Dalawang oras pa bago ang next class ko. Tumambay muna ako parking. Iniwan ko muna yung gamit ko sa kotse at inilabas ko yung yosi ko.

First day palang pero tinatamad na agad ako. Grabe. Bakit ganito? Gusto ko na kaagad grumaduate. Tapos trabaho, pero sabi nila once na nagtrabaho ka na, gugustuhin mong mag-aral nalang. Hay buhay.

Bilis nang oras, dalawang oras na pala ang nakakalipas. Umakyat ako sa fourth floor ng building namin para sa class ko na Arch 1. Shit. Eto na. First meeting sa mga blockmates ko. Pagkapasok ko sa room, nakita ko si Elaine. High school batchmate!

"Uy! Elaine!" Tawag ko sakanya, napalakas ata dahil lahat tumingin sakin.

"Paula, ikaw ba yan?" Sabi niya. Sabay punta sa harap ko at yakap. "Architecture din pala course mo?"

"Oo! Wow! Saya! Buti nalang at may kakilala kaagad ako." Sabi ko sakanya.

"Kamusta na? Tagal nating di nagkausap ah. Grade school pa tayo nung naging kaklase kita!" Sabi ni Elaine.

"Eto, medyo tinatamad agad. Haha!" Sabi ko at saka kami humanap ng puwesto dahil magsisimula na rin ang klase.

Makalipas ang ilang minuto, tumahimik ang buong klase, napatungo ako sa harap.

"Morning, class. Sorry I'm late. Traffic sa Katipunan." Sabi ng lalaki.

Holy shit.

Nanlaki yung mata ko. Prof ba namin to? Bakit parang bata pa. Late 20s palang siguro. Di ko maalis yung mata ko sakanya. Ang gwapo niya. Ibang klaseng kagwapuhan. Yung tipo ko kasing mga lalaki, laging mas matanda saakin. Di ako nagkakagusto sa kaedad ko, ang weird ko nga raw.

Kumuha siya ng white board marker sa bag niya tsaka niya isinulat ang pangalan niya sa board.

Marcus Reyes

Pangalan palang, pogi na.

"I'll be teaching you guys the fundamentals of Architecture, basics lang to. Uh, kakakuha ko lang ng Masters ko last year, so fresh grad din ako tulad niyo. It's my first year of teaching so bear with me if I make some mistakes." Sabi niya.

Yung boses niya, parang boses ng anghel. Shit. Lalo ako sisipagin nitong pumasok! Yes! Thank you, Lord!

"Paula? Paula? Huy! Paula?" Sigaw ni Elaine.

"Ha?" Sabi ko pagtapos kong mag daydream tungkol kay Sir Reyes.

"Okay ka lang?" Tanong niya.

"Oo naman. Bakit?" Sagot ko.

"Para kang baliw jan. Tulala lang ang peg?" Sabi niya.

"Eh ang gwapo, girl. Isang buong sem, sisipagin tayo nito!" Sabi ko.

"Ew. Ang tanda na kaya niyan." Sabi niya sakin.

"Close kayo teh? Alam edad?" Tanong ko.

"Mukha na siyang 30!!! 18 ka palang kaya!" Sabi niya.

"Girl, kalma, type ko si Sir, crush lang. Susunggaban ko ba agad? Eye candy lang. Besides, I've dated older men before." Depensa ko sa sarili ko.

"Totoo? Haha! Kwento!" Sabi niya.

"Mamaya na. Focus muna tayo kay Sir, este sa lesson." Sabay tawa, narining ata kami ni Sir dahil ang lakas ng tawa namin pareho.

"Ingay mo kasi eh." Sabi ko kay Elaine.

"Ay, taray! Ako talaga maingay? Hahaha! Sige na nga quiet na." Sabi niya.

Isa't kalahati oras yung presentation ni sir. Buti nalang at gwapo siya dahil sobrang boring niya magturo.

"Tara, lunch?" Tanong ko kay Elaine.

"G! Saan?" Sabi niya.

"Hanap tayo, di pa ko familiar sa mga kainan dito eh." Sabi ko.

"Sige, may kotse kang dala?" Tanong niya.

"Yup. It's parked out back." Sagot ko.

"Nice! Paubos na rin gas ko eh." Sabi ni Elaine.

"Ay puta, madaya to. Haha! Sige, sa susunod ikaw naman." Sabi ko.

Sabay kaming lumabas ng room. Tinignan ko si Sir Reyes bago lumabas, nagliligpit siya ng laptop, pawis siya. Wala lang, ang cute niyang tignan with his glasses. Mukhang nerd pero hot dahil sa beard niya. Hay lagot.

May gusto ako sa prof ko.

------

Ayos! Unang story ko in tagalog! Sarap magsulat pag tagalog. Haha! :) Sana tuloy tuloy ang pagbabasa niyo sa story ko!

Wag kalimutang mag-vote and comment!!!!

😊

Feels TripWhere stories live. Discover now