Chapter 21: The Plan (Part 2)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Anong walang alam? Hindi mo ba alam na si Alex ang susi ng lahat ng 'to? Kailangan ko siya kaya wala kang ng magagawa. Kung gusto mong mabuhay, mabuti pang umalis ka na kasama ng 'pet' mo," pasigaw niyang sabi sabay turo sa likod ni Mick.

"Pet? Grabe ka!!" pagpalag ni Joaquin version 1.

"Bakit may reklamo?" sagot ni Joaquin version 2 sabay tutok ng baril sa isa.

"Wala, he-he. Pasensya na boss."

Matalino 'tong ka-triplets ko, kung totoo man 'yun. Paniwalang paniwala kaagad si Mick at mababasa 'yun sa hitsura ng mukha niya. Importante nga naman si Alex sa equation ng misyon na 'to kaya wala siyang magagawa para bawiin pabalik ang maldita niyang pamangkin. Sana nga'y mapapayag ang Zanmiks na 'to na tumakbo na lang palayo at hayaan na kaming maglakbay kasama si Alex kung saan man kami tangayin ng misyong ito. Knowing Mick, mukhang malabo niyang iwanan ang pamangkin niya sa ganitong bingit ng kamatayan.

"Ano pang hinihintay niyong dalawa? Umalis na kayo baka magkamali ako sa paghawak ng baril na 'to at maputok ko 'to sa mga mukha niyong tarantado kayo!"

Hindi man lang gumalaw si Mick habang si Joaquin na nasa likuran niya'y kinakalabit na siya upang umalis ng lugar. He's torn about staying or leaving dahil hindi nga naman niya pwedeng iwan na lang ang pamangkin niya sa ganung sitwasyon.

"Sasama ako. Tutulungan ko kayong mahanap 'yung kayamanan. Payagan mo lang ako, wala akong gagawing masama," medyo walang emosyong pagkakasabi ni Mick.

Nagulat ako sa suhestiyon niyang 'yun. Instead na tumakbo palayo ay nagvolunteer na lamang siyang tumulong sa paghahanap ng kayamanan. I don't know if it's a good thing or bad pero that's a clever idea para mailigtas niya ang pamangkin niya. Kung ako ang nasa posisyon ni Mick e baka tumakas na lang ako sabay tawag ng pulis para mahuli ang kumidnap sa pamangkin ko at mailigtas sya. I never thought na maiisip niyang sumama sa kidnaper ng kanyang pamangkin para matunton ang pinag-aagawang kayamanan.

"Bakit Mick? Umalis na tayo, ano bang nasa isip mo?" pangungulit ni Joaquin version 1 na tila hindi pabor sa sinabi ng kaibigan.

"Kung gusto mong umalis, umalis ka na. Sasama ako sa kanila!" pagsigaw niya sa takot na takot na kaaway ni Alex.

Itinutok muli ni Joaquin version 2 ang baril sa noo ng noo'y walang emosyong si Mick. "Ano ako? Tanga? Baka mamaya niyan itakas mo na lang ang mga bihag ko ng hindi ko namamalayan."

"Pangako.... hanggat hindi natin nakukuha ang gusto mo, hindi ako aalis para tumulong."

"At paano ako nakakasiguro? Ba't mo naman gustong sumama aber?" tanong ni Joaquin version 2 na tila naghahanap ng kumpirmasyon.

"Para sa pamangkin ko, may iba pa ba?"

Ulirang Tiyuhin talaga itong si Zanmiks. Alam kong galit din siya sa pamangkin niya sa ginawa nitong kapalpakan nung mag-date kami pero handa pa rin niyang ibuwis ang kanyang buhay para dito. Parang tunay na kapatid na rin kase ang turing niya sa haliparot na si Alex.

How to Seduce a Hunk Again [Book 2] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon