Chapter 34 - Breathe. Aim. Fire!

Magsimula sa umpisa
                                    

Napahikab si Tamara saka sinabing, "sige po."

Antok na nilandas ni Tamara ang daan patungo sa kanyang silid ngunit bago niya marating ito aya napadaan siya sa mini library ni Evo. Bukas ang ilaw sa loob kaya naisip niyang nasa loob pa si Evo. Gusto niya sanang kumprontahin ang binata pero alam niyang wala siyang mapapala kung makikipag-away lang siya.

"Bukas, sisigurohin kong magtatanggumpay ako," saad ni Tamara saka nagpatuloy patungo sa kanyang silid.

____________________________

Mataas na ang sikat ng araw nang magising si Tamara. Agad siyang bumangon at tinignan ang orasan. Limang minuto bago mag-alas otso. Inis siyang tumayo saka tinungo ang kusina. Nakita niyang naghahanda na ang mga katulong sa dining area.

"Magandang umaga po, Miss Tamara," binati siya ng isa sa mga katulong.

"S-si Evo?" agad niyang tanong.

"Maaga pong umalis si Mr. McTavish," sagot ng katulong.

"Nag-agahan ba siya? Kinain ba niya ang hinanda ko kagabi?" muling nagtanong si Tamara.

Bahagyang nagkatinginan muna ang mga katulong saka sumagot ang isa sa kanila, "nagmamadali pong umalis si Mr. McTavish."

Bumagsak ang balikat ni Tamara at agad itong napansin ng katulong kaya nagsalita ulit ito, "Hayaan mo muna si Mr. McTavish, nag-aadjust pa 'yun dahil hindi siya sanay na may kasama dito sa mansyon. Huwag kang mag-alala, magbabago rin siya, lalong-lalo na kapag matapos na ang inyong honeymoon."

Napakagat ng labi si Tamara nang marinig ang saad ng katulong, "may honeymoon pa pala. Muntik ko nang makalimutan."

"Miss Tamara, kain na po kayo," saad ng katulong.

Tumango lamang si Tamara saka tinungo ang hapagkainan, "kung iniisip ni Evo na natalo na niya ako, nagkakamali siya. May isa pa akong alas," sa isip ni Tamara.

Agad na naghanda si Tamara pagkatapos niyang kumain. Una niyang hinanda ang mga sangkap na lulutuin para sa dadalhin niyang pananghalian para kay Evo. Pagkatapos matiyak na kompleto na ang sangkap, agad siyang tumungo sa kanyang silid upang ihanda ang damit na kanyang susuotin. Batid niyang mamaliitin na naman siya ng mga receptionist na nakatalaga sa palapag ng opisina ni Evo kaya naisip niyang mag-ayos ngayon.

Isang yellow ang black corporate dress ang kanyang napili at hinanda niya rin ang kanyang paboritong stiletto. Nakangiting tumungo si Tamara bilang pagpugay sa kanyang sarili saka kinuha ang kanyang cellphone.

"Tamara, napatawag ka?" rinig niya ang masayang pagsagot ni Ellena sa kanyang tawag.

"Pasensya na po kung nakaabala ako," tugon ni Tamara na agad namang sinagot ni Ellena nang, "naku, walang problema. Wala naman akong ginagawa. Bakit ka nga pala napatawag?"

Bumuntong hininga muna si Tamara saka nagpaliwanag kay Ellena, "ipinaghanda ko nang pananghalian si Evo dahil maaga siyang umalis kanina at hindi nakakain ng almusal."

"That's so sweet of you, Tamara," pagpupuri ni Ellena kay Tamara.

"Kaya lang, baka hindi na naman ako makapasok sa opisina ni Evo ngayon," nagkunwaring nalungkot si Tamara.

"Anong hindi na naman makapasok? Bakit nasabi mo 'yan?" tanong ni Ellena.

"Nagpunta kasi ako kahapon para ibigay kay Evo ang hinanda kong pananghalian. Kaso, hindi ako pinapasok ng mga receptionist. Kailangan ko muna daw magpa-appointment sa asawa ko," saad ni Tamara na parang isang batang nagsusumbong sa lola.

The CEO's Temporary BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon