CHAPTER 16

7.7K 151 0
                                    

Sydie

Sinag ng araw ang nagpagising sakin na nagmumula pa mismo sa bintana. Kinusot ko ang aking mga mata ng maramdamang nakabalot ang aking katawan sa isang makapal at malambot na puting kumot.

Liningon ko ang paligid para suriin ng mabuti. Sigurado akong hindi ganito ang higaan ko sa headquarter.

Halos mapabangon ako ng matanto ang pamilyar na black interior ng silid.

This is Dashiel's room if I'm not mistaken. Huwag mong sabihing dito ako natulog?

Agad akong napabangon at halos makalimutang kailangan ko pa palang ligpitin ang itinapon niyang pagkain kagabi.

Pero nang tignan ko ang bandang carpet kung saan natapon ay laking gulat ko ng madatnang malinis na ito at wala ng bahid ng pagkaing nakakalat.

Kung ganon, sinong naglipit nito?

At bakit hindi man lang ako nagising? Ganon ba 'ko kapagod?

My thoughts were interrupted when I heard the splashes of the shower inside the bathroom.

May tao doon?

Naliligo ba siya? Kaya niya ba mag-isa?

Ang sabi kasi sakin ng lolo niya ay kailangan ko siyang gabayan at baka kung anong gawin sa loob.

So meaning papasok ako doon mag-isa?

Kung gano'n ay makikita ko ang hubo't hubad niyang katawan gano'n ba?

Sydie ano ba, wala sa tamang pag-iisip ang lalakeng inaalagaan mo. Kaya okay lang yan.

Pampalubag loob ko sa sarili.

Nagdadalawang isip man ay napagpasiyahan ko pa ring pumasok sa loob ng malawak na bathroom at buksan ang glass door nito.

Pagpasok ay unang bumungad sakin ang banda ng bath tub na unoccupied kaya baka nga nasa shower area ang lalake.

Lumapit na ako papasok para puntahan ang shower room kung saan ito banda.

Nang makalapit ay isang transparent glass wall ang nakapalibot sa looban nito ang bumungad sakin, at kita mula sa aking banda ang hubad na likod ng lalakeng nasa loob at naliligo.

Muntik ko ng takpan ang aking mata, mabuti nalang at medyo may kalabuan ang glass wall dahil sa tubig na tumitilapon dito.

On his back, there I saw his thick round ass and witness how delectable it is from my sight.

Gosh! Sydie, anong delectable?

Kahit likod palang nito ay kakikitaan muna kung gaano kahubog ang katawan niya. Up to his broad shoulder, ripped biceps down to his triceps. His muscles were all exposed in the right places.

Kulang nalang ay tumulo ang laway ko at mapalunok sa aking nakikita.

Busy itong nagsasabon patalikod nang walang pasabi.

Bigla nalang itong humarap sa aking gawi dahilan para mahiwalay ang kaluluwa ko ng saglit na makita ang harapan ng hubad niyang katawan.

Holy in the freaking water, my sinful eyes.

Stranger of DesireWhere stories live. Discover now