Prologue

5 0 0
                                    

Calla's POV

Running in the middle of the forest at night is something that would never occur to my mind. I'm scared of the dark, insects, dirt... name it! Patuloy ko lang na tinatakbo ang kagubatan at 'di ko na naisip ang mga sugat na natatamo ko mula sa mga sanga na tumatama sa akin. I just wanna  leave this damn place.

Tuloy-tuloy ang pagbuhos ng mga luha sa aking mata tuwing naaalala ko ang sinapit ng mga kaibigan ko. Hindi ko alam kung paano ko maipapaliwanag sa mga magulang nila ang nangyari.

Sa pagtakbo ko, nararamdaman ko pa rin ang presensya ng taong sumusunod sakin. Hindi ko alam kung ano ang gusto n'ya. Akala ko nung una ay siya na ang makakatulong sa akin dahil tinulungan niya kami na mapatay ang mga umatake sa amin kanina. Ngunit huli na... hindi na kinaya ng mga kaibigan ko.

Akala ko ay tutulungan na niya ako, ngunit laking gulat ko nung bigla ako nitong sunggaban at nakita ko ang kanyang mata. Punong-puno ito ng kung anong emosyon na hindi ko matukoy ngunit sigurado ako na may kasama itong galit. Nagawa ko lamang makabangon muli nung ako'y akmang kakagatin nito.

Sinong tao ang nasa tamang pag-iisip ang bigla na lang mangangagat diba?!

Bigla akong nabalik sa wisyo nung may biglang tumalon mula sa likuran ko. Aray!

Sa totoo lamang, sobrang pagod na ako dahil kanina pa ako natakbo. Tahimik na lamang akong umiyak dahil walang saysay kung susubukin ko pang tumakas. Naramdaman ko ang katawan ng lalaki sa aking likuran. Hindi ko makita ang kaniyang itsura dahil madilim, nawawala ang aking salamin, at wala rin akong balak tignan s'ya! 

"Hmm" narinig kong aniya. Mayroon pa siyang ibinulong pero hindi ko na pinagtuunan dahil mas nangingibabaw ang takot ko at tila malabo na ang aking pag-iisip.

Ayan na... Mamamatay na ako... Biglang nagflashback sa utak ko ang buhay ko mula pagkabata. Hindi ko alam na hanggang dito lang pala ang buhay ko. Sana pala sinulit ko na!

Parang nabingi ang tainga ko at nablanko ang utak ko nung maramdaman ko ang dalawang matulis na bagay ang tumusok sa aking balikat. Sakit lamang ang nangibabaw sa akin at tila naubusan agad ako ng lakas kaya hindi ko na nagawa pang sumigaw. Hindi nagtagal ay naramdaman ko na ang pagdilim ng aking paningin kasabay ng pagbigat ng aking likuran.


-------------

xoxo

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 31, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lilies of the DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon