IKALABING LIMA

931 23 1
                                    

; RED FLAG

“UH, Sir... May itatanong ako.”

Nandito kami ngayon sa kusina, kinakain ang binili niyang mga pagkain. May Sinigang na baboy, Kare-kare, Caldereta, Adobong manok, at siyempre Kanin. Ang sabi niya ay wala raw siyang makitang restaurant dito kaya napagdesisyunan niyang bumili na lang sa carenderia. Wala namang kaso sa'kin yon basta galing sa kaniya.

“What is it?”

“Pinsan ka ni M-matt?” tanong ko, medyo kinakabahan.

Lulubusin ko na ang pagkakataong 'to. Gusto ko lang namang ma-confirm kung siya talaga si Kai.

At kung bakit pa siya bumalik dito.

Cavin laughed at me. “I'm right, you didn't recognize me..."

“H-ha? What do you mean? I-ikaw ba si Kai?” naguguluhang tanong ko.

Tumango siya “Yes, Mon Khione. Ako nga si Kai,”

Mon Khione

Ayan na talaga ang tawag niya sa akin, dati pa. Pero ni minsan hindi niya sinabi sa'kin kung ano ang kahulugan ng salitang iyon. Mai-search nga sa google.

“Bakit ka bumalik dito?” walang emosyong tanong ko.

“Because of-” naputol ang pag-sasalita niya nang marinig naming dalawa ang boses ni Zoe.

“Khione!” tawag sa'kin ni Zoe mula sa labas. Kahit kailan ang lakas talaga ng boses nito!

“Wait lang ha, papasukin ko lang si Zoe.” saad ko kay Cavin.

Pagbukas ko pa lang ng pinto ay niyakap ako nito. “Tangina mo ah, ang bagal mo buksan yung pintuan mo! Ano ba, may lalaki ka ba sa loob?!” mabilis ang pagsasalita niya. Future rapper nga pala ni Matteo, guys.

“Teka lang, ang blooming mo ngayon ah!” pang-aasar niya. “Parang may something na nangyari kagabi," dagdag pa niya habang pinapasadahan ako ng tingin.

“So mema! Pumasok nga muna tayo sa loob, at tsaka may duplicate ka naman ng susi ng bahay ko ah.” sabi ko sa kaniya para makita niya rin na nandito pa si Cavin at nang matigil siya sa panga-asar.

"Nakalimutan ko e," tumawa ang babae.

Nakita kong natigil siya sa pagtawa at napanganga siya nang matanaw niya si Cavin sa kusina, nagulat yata sa nakikita niya ngayon.

Pumunta na ako sa lamesa kung saan kami kumakain ni Cavin kanina, sumunod naman si Zoe sa'kin. Nginisian pa'ko ni gaga.

“Good afternoon, Mr. Riego.” nauna nang batiin ni Zoe si Cavin.

“Good afternoon,” bati pabalik ni Cavin. Para silang tangeks! Ang pormal-pormal parang mga hindi kami naglaro dati ng bahay-bahayan.

“Zoe, tara kain!” inaya ko si Zoe na kumain muna dahil baka kung ano-ano na naman ang isipin niya tungkol sa'min ni Cavin.

“Sige,” ngumiti na naman siya sa'kin nang makahulugan at umupo na sa tabi ko. Inilagay niya na rin ang gamot na pangtanggal ng hangover ko sa lamesa

Nararamdaman kong may plano na naman siya na asarin ako. Ngiti pa lang niya, may halong pang-asar na!

“So Cavin, inuwi mo pala itong kaibigan ko kagabi?” panimulang tanong ni Zoe kay Cavin, wala pa yatang plano kumain.

Ito na, magsisimula na 'tong mang-asar. Magiging imbestigador 'to ngayon for sure, patay talaga 'to mamaya sa'kin.

“Yes.” simpleng sagot ni Cavin, natigil ang pagkain niya.

From ONE NIGHT to FOREVER (TL #1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant