" Pabigat lang naman ang mga lower section kaya nakakapagtaka dahil nakasama sila. "

" Yeah, your definitely right. "

" Baka naman kase nasuhulan na ng mga rich kids eka nga sa kanila. "

Pagkarinig namin dun ay isang malakas na hampas sa lamesa ang nagpagulat saming magkaklase at pati na rin ang ibang mga estudyante sa loob ng canteen.

" Wala na ba kayong ibang machismis kaya section namin lagi ang bukambibig nyo? " may inis na tono sa boses ni Viz habang nakatingin sa mga ito.Halatang pati sila ay nagulat dahil sa mga reaksyon nila.

" Viz..umupo kana." awat nila Diem dito ng makita naming yumukom ang dalawang kamao nito.

Sumunod naman agad ito at pilit kinalma ang sarili nya.

" What the hell!! Are you blind!!? " biglang sigaw nung babaeng nagsabing nasuhulan daw ang school kaya nakasama kami.

Napatingin kami dun at ganon na lang ang gulat ng iba samen ng makita naming basang basa ang damit nung babaeng makapal ang make up..nasa harap nila si Ashie at Anhgel na seryosong nakatingin sa kanila.

" Sorry..akala ko kase nauuhaw ka na aso.Tahol ka kase ng tahol yan tuloy nabuhusan kita ng juice." mapang asar na sabi ni Ashie dito.

" What!! Are you crazy!!? " galit na tugon naman nito.

Inis na inis naman syang tiningnan nito at akmang kukuhanin ang isang basong puno din ng juice at ibubuhos sana sa kaharap nya ng mabilis itong sinipa ni Anhgel pataas saka hinila palayo si Ashie upang hindi ito matapunan.

Naghintay naman ang mga kaibigan nung babae na bumagsak ang baso ngunit agad din sinapo yun ni Anhgel bago pa malaglag mula sa ere..sumakto ang landing ng juice sa mga kasama nito kaya lalong namuo ang inis sa mga mukha nila.

" This is so kadiri, eww!! " reklamo nung isa habang diring diring tinitingnan ang sarili nya.

" I've warned you last time, right? So hindi mo deserve ng sorry ko besides kahit naman nung una pa lang kase sinabihan na kita..mabuti na lang at may natitira pang kabaitan sakin at hindi kita ginawang basurahan like what I told you last time here." sarkastikong sabi pa nya dito at hinawi ang buhok nya na tumama naman sa mukha nito.

" Sya may kasalanan kaya sa kanya kayo magalit." singit pa ni Anhgel bago lagpasan ang mga ito.

Yess..sila din yung grupo nung nakaraan na nakasagutan din ng mga kaklase ko.

" Balik na lang tayo sa room, guys. Amoy basura sa bandang tohh. "

Agad namang sumunod ang iba at nahuli kami ni Chiy dahil pinabigay ko sa kanya ang panyo sa babae para ipangpunas sa mga basang parts ng katawan nya.

" Ang astig ni Angge kanina!! " manghang mangha na saad ni Chiy habang hinahabol namin ang mga ito ng lakad.

Pabalik na kami sa room na parang wala lang nangyari.Hindi pa din nauubusan ng sasabihin ang iba naming kasama kaya tawanan pa din kami habang papaakyat ng hagdan.

" Hi, Nunew. "

" Kumain ka na ba, New? "

Kunwari ay abala ako sa pakikipag usap kay Nat at hindi sila napapansin para hindi na ako maharang at pagkaguluhan.Kapag kase pumayag akong magpapicture sa isa..dadami lang sila ng dadami.

Hindi naman sa nagmamayabang at nagdidimot ako..

Ayoko lang maging atensyon ng lahat and besides madami din akong iniisip na kailangan ko umahin.

"To Be With Them is Enough"Where stories live. Discover now