Ngunit hindi talaga ako maaaring umibig sa kaniya. Dahil pinangako ko sa sarili ko noon na magiging Madre ako, na maglilingkod ako sa Diyos at iaalay ang buong pagkatao ko.

Alam ko na umiibig na nga ako kay Colosas.

Tama lang ang ginawa mo, Raquel!

Isinama niya ako dito sa bakasyon para sana magsaya, ngunit ako pa itong sinaktan siya, sinaktan ko ang damdamin niya. Nahihiya ako.

Ilang minuto din ang pag-iyak ko, bago ako nagpunas ng mga luha ko. Madilim na pala sa labas na ngayon ko lang napansin. Inayos ko na ang pinamili ni Colosas. Nilagay ko sa refrigerator ang mga karne, habang sa kabinet naman ang mga sangkap at iba pa niyang binili.

Nagluto na din ako ng hapunan na'min nang matapos ako. Pinilit ko ang aking sarili kahit na mabigat ang katawan ko, dahil sa nangyari.

Hinanda ko na sa lamesa ang mga niluto ko, para kung pumasok dito sa loob si Colosas ay handa na ito. Pero mag-iisang oras na siguro akong nakaupo dito sa lamesa ay hindi pa din pumasok si Colosas dito sa loob.

Nasaan kaya si Colosas? Hindi ba siya papasok dito sa loob?

Siyempre, hindi! Sinaktan mo kaya ang puso ng lalaking iyon!

Lumakad ako sa pinto para silipin siya sa labas, pero hindi ko nakita ang bulto niya, wala siya sa labas. Bumalik ako sa lamesa para takpan ang medyo malamig nang mga pagkain, bago ako lumabas.

Hindi masyadong madilim dito sa labas, kase madaming mga poste ang mayroong ilaw, na nagsisilbing ilaw ko sa aking dinadaanan. Hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin, tinahak ko lang ang daan na nadaanan na'min kanina.

Baka naman umuwi na at iniwan ka dito ng mag-isa!

Hindi naman magagawa ni Colosas iyon. Kilala ko siya at kung sakali na iniwan man niya ako ay magtataka si Mr. Aragon, kung bakit ito umuwi.

"Miss, saan ang punta mo?" Napahinto ako at saka tumingin sa likod ko nang may magsalita doon.

Isang Ginoo na kaedad 'yata ni Colosas ang nakatayo sa likod ko. Nakasuot ito ng bulaklaking polo na bukas ang mga butones, na pinaresan ng katernong short at tsinelas din ang sapin sa paa. Mukhang dayo din ang Ginoo dito.

"May hinahanap po ako, Sir." Nakita ko ang paghagod nito sa kabuuan ko, bago napangiti sa akin.

"Babae?"

"Lalaki po, Sir." Nakita ko ang paglapad ng ngisi ng Ginoo.

"Boyfriend?" Tumaas ang kilay nito.

"K-kapatid ko, Sir."

"Oh!" Muli na naman humagod ang tingin nito sa aking kabuuan, na nagbigay ng kakaibang takot sa akin.

"Ah, sige po Sir at hahanapin ko pa ang Kuya ko. Magandang gabi po." Magalang kong pagpaalam bago siya tinalikuran, ngunit napahinto ako nang marinig ang sinabi nito.

"May alam akong lugar na baka doon mo makita ang Kuya mo!" Muli akong napaharap sa kaniya. Nakangisi pa din ang mukha nito. Habang ako naman ay nagkaroon ng pag-asa na makita si Colosas.

"Talaga po, Sir? Saan po banda?"

"Medyo malayo pa mula dito. Samahan na lang kita dahil doon naman ang punta ko!" Napansin ko na parang may kahulugan ang ngiti nito, pero hindi ko na pinansin.

Baka sa sinasabi nitong lugar ay doon ko makita si Colosas. Sana ay nandoon  siya kase sobrang nag-aalala ako, hindi ko din alam ang pasikot sa lugar na ito.

"Sige po, Sir." Pagpayag ko. Tumango siya at nauna ng maglakad sa akin, pero hinintay niya ako at sabay kaming lumakad. Paminsan-minsan ay nagkukuwento ito tungkol sa mga bagay na nangyari sa buhay nito, mga bagay na tungkol sa mga naging karelasyon daw nito. Nakikinig lang ako at ngumingiti sa kwento niya.

Medyo napahaba nga ang aming lakad, katamtaman ang mga ilaw na galing sa poste. Parang papunta na kami sa dalampasigan, dahil sa mga puting buhangin na aming nilalakaran, maririnig ko din ang hampas ng alon mula sa karagatan.

"M-malayo pa po ba, Sir?" Nilingon ko siya na agad naman bumaling sa akin, ngumisi ito sabay turo ng daliri nito sa may unahan.

"Ayon na oh! Nakikita mo ang mga kumikinang na iyon?" Napatingin ako sa tinuro niya, kita ko na may kumikinang na mga liwanag doon, malapit sa dalampasigan, may naririnig akong tugtog ng musika, at may mga naghihiyawan. "Night party 'yan, baka nandiyan ang Kuya mo!"

"S-sige po, tara na.." Pag-aya kong muli na kinangisi nito at tango.

"Bye the way, I'm Greg! And you are?" Tanong nito sa akin, habang nakalahad ang isang palad nito. Nagdadalawang-isip na tanggapin ko ang palad nito, pero kinuha ko din.

"Ako si sister Raquel." Saglit itong natigilan at nagtaka, pero ngumiti lang ito bago pinagdaop ang mga palad na'min.

"Nice to meet you, Raquel!" Kusa ko ng nabawi ang aking palad nang hindi pa niya ito binibitawan. "Oh, sorry!"

"Tara na po, Sir Greg?" Tumaas ang isang kilay nito at saka napailing.

Sana naman nandiyan ang lalaking iyon! Kinakabahan ako sa isang ito, Raquel! Mag-iingat ka!

Babala mula sa boses na nasa aking isipan. Kahit ako ay kinakabahan din sa Ginoong ito, pero ang mas mahalaga ngayon ay makita ko si Colosas. Baka kung napaano na iyon. Ito ay aking kargo de konsensya dahil ako din naman ang may kasalanan.

Agad kong natakpan ang magkabilang tenga ko, nang makalapit na kami ng tuluyan sa napakaingay na lugar. Kita ko mula sa aking kinatatayuan ang mga taong sumasayaw sa ilalim ng kumikinang na mga ilaw, at ang iba ay nag-iinuman sa gilid na may mga nakahilerang lamesa at bangko.

"Let's go!" Napakislot ako sa gulat nang biglang kunin ni Ginoong Greg ang isang kamay ko, at saka hinila ako sa gitna ng mga nagsasayawang tao.

Nilibot ko ang aking paningin upang hanapin si Colosas, nang mapatigil ako sa isang pamilyar na katawan na may kahalikang isang babae.

Ikaw na sobra ang pag-aalala, habang ang lalaking iyan, may kahalikang iba!

***
© 2022 MAYAMBAY

Hunstman Series #:7- The Mafia Bodyguardحيث تعيش القصص. اكتشف الآن