Ano ang Pananampalataya?

3 0 0
                                    

Katulad nang nabanggit noong Araw 1, ang pananampalataya ay ang paglalagay ng ating tiwala o kumpiyansa sa isang bagay o tao at pagkakaroon ng paniniwala na hindi nakasalalay sa isang katibayan.

Siya ay kumilos nang may mabuting intensyon.
Kumapit siya sa kanyang pananampalatayang mabubuhay ang kanyang asawa.
Tinanggap nila lahat nang aming sinabi nang may pananampalataya.

Ang isang makamundong pananampalataya ay iba sa pananampalatayang tinutukoy natin dito bilang mga tagasunod ni Jesus. Ang pinakamabuting lugar para sa atin upang matutunan nating ang ating pananampalataya ay sa kabuuan ng Biblia.

Halimbawa, isang napakalaking pananampalataya sa Diyos ang nagdala sa isang batang pastol na nagngangalang David upang talunin sa isang labanab ang isang 9-piyeng higante (1 Samuel 17). Dahil sa pananampalataya kung kaya't tayo'y naligtas sa pamamagitan ng biyaya ni Jesus (Mga Taga-Efeso 2:8). At kapag tayo'y may tiwala at pag-asa sa Diyos, sinasabi sa atin na ang ganitong pananampalataya ang nakalulugod sa Kanya (Mga Hebreo 11:1,6).

Lahat tayo ay may pananampalataya sa isang bagay, ngunit ang tanong ay, "Saan?" Inilalagay ba natin ang ating pananampalataya sa ating asawa? Pinagtitiwalaaan ba natin ang ating amo sa trabaho na siyang magbibigay para sa ating pangangailangan? Tayo ba ay umaasa sa ating mga sarili at sa ating mga kakayahan? Nararapat nating ilagay ang ating pananampalataya sa ating Diyos na nagmamahal sa atin, dahil darating ang araw na ang alinman o ang lahat ng mga makamundong mapagpipiliang ito ay bibiguin tayo.

Ang dahilan kung bakit ang pananampalataya ay napakahalaga para sa tagasunod ni Jesus ay dahil tumutulong ito sa atin upang lubos na malaman ang tungkol sa Diyos at sa Kanyang pagmamahal para sa atin. Habang lalo natin Siyang nakikilala at nararanasan ang Kanyang karakter, lalo natin Siyang pagkakatiwalaan habang ginagabayan Niya tayo. Dahil may mga araw na may mga pangyayaring hindi mauunawaan ng ating mga isipan at ang sakit ng isang sitwasyon ay hindi na natin makakayanan. Sa mga ganitong panahon na ang ating kaunawaan sa kung sino ang Diyos at kung gaano Niya tayo kamahal ang siyang makakatulong sa atin na magkaroon ng kapahingahan at ilagay ang ating pananampalataya sa Kanya.

Paano natin ito maipapamuhay?

Simulan mo lang. Maipapamuhay natin ang ating pananampalataya anumang oras na piliin nating magtiwala sa Diyos sa kabila ng ating mga takot, kapag ginagamit natin ang mga espiritwal na kaloob sa atin para sa kapakanan ng iba, at kapag minamahal natin ang iba kung kaya't inaakay natin sila sa ating mapagmahal na Tagapagligtas, ang ilan lamang sa mga pamamaraan. Sa paglaon, makikita nating madaragdagan nag ating pananampalataya.

Tulad ng paglago ng ating mga pisikal na pangangatawan, ang ating mga espiritwal na aspeto ay lumalago rin. Ito ay isang panghabambuhay na paghahangad kay Jesus at ang matutunang magtiwala sa Kanya. Batid ng Diyos ang ating mga puso at alam Niyang sa pagpapamuhay natin ng ating pananampalataya ay kaakibat ang kawalang-kapanatagan at ang takot. Kaya nga ang sumulat ng Mga Hebreo ay nagsulat na ang pananampalataya ang nagbibigay-kaluguran sa Diyos.

Anong gagawin ko kapag humihina ang aking pananampalataya?

Gawin natin ang alam nating magpapalakas muli ng ating pananampalataya. Punuin natin ang ating isip ng mga bagay na makapagpapalakas ng ating loob at piliing sabihin na, "O Diyos, hindi ko alam kung anong mangyayari dito, pero nagtitiwala ako sa Iyo." At magpapatuloy tayo, sa paisa-isang hakbang, kahit na ang paghakbang natin ay medyo mabuway. Bago pa natin mamalayan, ang ating pananampalataya ay lumalakas na muli.

(for we walk by faith, not by sight);

- 2 Corinthians 5:7 ASV

for by grace have ye been saved through faith; and that not of yourselves, it is the gift of God; not of works, that no man should glory.

- Ephesians 2:8‭-‬9 ASV

Now faith is assurance of things hoped for, a conviction of things not seen.

- Hebrews 11:1 ASV

and without faith it is impossible to be well-pleasing unto him; for he that cometh to God must believe that he is, and that he is a rewarder of them that seek after him.

- Hebrews 11:6 ASV



Pananampalataya, Pag-asa, Pag-ibigOnde as histórias ganham vida. Descobre agora