"Ang kwento ng isang tanyag na manunulat"

1 0 0
                                    

Ako'y isang mambabasa na hinahangad na maging isang manunulat.

Manunulat na gustong ipahayag ang nasa mga imahinasyon.

Imahinasyon na parang katotohanan.

Kung kaya't parang nangyari sa totoong buhay.

Kasalukuyan akong nagbabasa ng mga kwento sa facebook.

Nang biglang may nakaagaw ng aking atensyon.

Siya ay isang manunulat na kong saan binabahagi niya ang kanyang kwento sa kung paano siya nagsimula.

Nang mabasa ko iyon.

Sinabi ko sa aking sarili na, "wala palang masama kong magsisimula ka sa walang mambabasa dahil kalaunan ay may maiingganyo sa ginawa mong kwento at may magbabasa din".

Simula nung nabasa ko iyon.

Naglakas loob akong subukan magsulat upang maramdaman ko, kong anong mararamdaman ng isang tanyag na manunulat.

Sinubukan ko rin magsulat sa mga page at sa facebook ko na rin.

Sa aking pagsubok na magsulat ay tinuloy tuloy ko ito at naging ganap na akong manunulat.

Habang inaayos ko ang mga grammatical errors sa ginawa kong kwento ay nakaramdam ako ng pagkahilo.

Isinawalang bahala ko ang aking pagkahilo at sinabi ko sa aking sarili na "baka sa kakapuyat ko to kaya ito ang nararamdaman ko".

Nagpatuloy ako sa pag aayos ng grammatical errors sa ginawa kong kwento.

Kinabukasan, habang naglilinis ako tinawag ako ng aking ina.

"Lea, halika nga dito"; saad ng aking ina na nasa kusina.

Lumapit ako sa aking ina.

"Bakit po ma?"; saad ko.

"Parang namumutla ka ata? Diba sabi ko sayo matulog ka ng maaga?"; saad ni mama na medyo galit sa kanyang tono.

"Ah, ma maaga na po akong natutulog"; saad ko kay mama.

"At tsaka magpahinga ka rin, wag puro cellphone atupagin mo"; dagdag pa ni mama.

"Opo ma"; tanging sagot ko lang kay mama.

Bumalik na ako sa paglilinis nang makaramdam ulit ako ng pagkahilo.

Umupo muna ako upang magpahinga.

Inisip ko munang magpahinga muna sa pagsusulat at i-uupdate ko muna ang aking mga mambabasa o taga suporta na babalik lang ako pag naging maayos na ang karamdaman ko at para na rin makahinga muna ang aking sarili.

Inupdate ko na ang aking mga mambabasa at umayon naman sila sa aking desisyon na magpahinga muna.

Makalipas ang ilang mga araw panay pagkahilo, pamumutla, pagdudugo ng ilong at mabilis mapagod kahit na wala akong masyadong ginagawa.

Napagdesisyonan kong bumalik na sa pagsusulat kahit na may dinadala akong karamdaman.

Pinagpatuloy ko ang aking pangarap sa larangan ng manunulat.

Inimbitahan ako ng kapwa ko manunulat na ako ay mabibigyan ng award at may paparty ring magaganap.

Nagpaalam ako kay mama na aalis ako at umayon na man ito.

Sa bawat paghakbang ko sa paglalakad ramdam kong nahihilo ako ngunit patuloy pa rin ako sa paglalakad papuntang sakayan.

Nakasakay na ako patungo sa aking pupuntahan.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na ako sa kung saan gagawin ang party at awarding.

Bumaba na ako at pumasok.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 25, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"Ang kwento ng isang tanyag na manunulat"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon