Chapter 25

1.1K 39 0
                                    

Scarlet's POV


 

Nakaupo lang kame dito sa kotse ko habang hawak niya ang kamay ko. Hindi ko alam ang gagawin. Hindi ko alam ang mararamdaman pero umiiyak lang ako.

"Scarlet saan ka ba pupunta?"

Tiningnan ko siya pero hindi ako makasagot. Paano kung namatay siya kanina? Hindi ko alam ang gagawin ko.

"Umuwi na lang tayo. Ihahatid kita" sabe niya at pinaandar ang kotse ko pero hinawakan ko ang kamay niya.

"Sa Villa ako pupunta. Ipapahatid nalang kita kay William" sabe ko at hinanap ang phone ko pero hindi ko talaga siya makita. Nasaan na ba yun?!

Nagulat ako ng mag ring ang cellphone niya at sagutin niya yun.

"Hello?...Oo...Mabuti naman kase hindi kita masusundo..Oo...Hindi...Nasa bahay sila...Walang pasok si Nika..Oo...Sabihin mo na lang kay Shin..Oo..."

Hindi ko na sila pinakinggan at hinanap ko na ang cellphone ko. Ok na. Ok na siya. Marami pa akong gagawin. Ok na ang lahat. Ok na, wala nang dapat ikatakot.

"Uhm.. Pwede pahiram ng cell mo?" sabe ko nung wala na siyang kausap. Hindi ko talaga maalala kung nasaan ang phone ko eh.

Napatingin siya sa cell niya at umiling.

"Tatawagan ko lang si William para ipahatid na kita—"

"ARAY!" nagulat ako ng sumigaw siya at hawakan ang braso niya na may sugat. Nagpanic ako at nilapitan ko agad siya.

Raven's POV

 

Pag sigaw ko lumapit agad siya saken. Gusto ko tumawa ng malakas. Wala naman talagang masakit. Gusto ko lang na makasama siya. Susulitin ko na ang pagkakataon.

"Saan masakit?!"

Gumilid ako at pinakita ko ang braso ko na nagdudugo. Makirot siya pero hindi naman ganun kasakit.

"Oh my gosh!" lumabas agad siya sa kotse at binuksan ang pinto ng driver seat kung saan ako nakaupo "Dadalhin kita sa ospital!" sigaw niya at pilit akong inusod.

SHIT! Ospital? Tapos iiwan na niya ako dun? Ayoko! Paano na? Isip!

"Scar" kumunot ang noo niya "Takot ako sa ospital" pagpapalusot ko.

Nabato siya at hindi siya gumalaw. Anong nangyare?

Status: M.UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon