Chapter 20

1.1K 40 1
                                    

Raven's POV

 

"Raven tapos ka na ba?"

Napatingin ako kay Dad. Nakaayos na siya at ready na umalis. 16th birthday ngayon ni Scarlet. Hindi ko alam kung kaya ko ba siya harapin  ngayon para tapusin ang lahat sa amin. Ilang linggo na ang nakalipas simula nung nalaman namen ang kondisyon ni Nika. Naayos na ang lahat pati sa pamilya niya. Ako ang pinakilala niya na ama ng anak niya para hindi na puntahan ng Daddy niya ang pamilya ni Yui. Napagpasyahan din namen na ilihim na ito sa media para sa kapakanan ni Nika. Tinutulungan ng mga magulang  ko ang pamilya nila para wag mailabas sa publiko ang sitwasyon.  Pero hanggang kelan?

Hindi ko alam kung hanggang kelan ko kaya magpanggap kay Scarlet na ayos ang lahat. Paano kung isang araw malaman niya? Masasaktan siya at hindi ko alam kung mapapatawad niya ako. Ayoko na sa iba niya pa malaman. Ayoko din na malaman niya ang tunay na nangyayare dahil sigurado ako na gagawa ang pamilya niya ng paraan para maayos ito. Ayoko masali ang magandang pangalan nila sa mga bagay na wala naman silang kinalaman. Kilala sila sa buong mundo at hindi ko kaya sirain nalang ang iningatan nila at mapunta sa wala.

Lumakas ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung kakayanin kong makita siyang umiiyak.

Masakit para saken na makita siyang nagdurusa. Hindi ko nga alam na kaya ko palang masaktan ng ganun. Makirot masyado na parang doble ang nararamdaman ko kesa sa kanya.

"Mahal mo talaga siya. Hindi yan tanung kundi isang pahayag" sabe ni Dad.

Mahal? Hindi.

Hindi ko pa kaya magmahal.

"Gusto ko siya at hindi ko siya mahal"

Umiling si Dad "Kung pagkakagusto sa isang tao ang nararamdaman mo then call it that way. Kung pagkagusto pala ang tawag sa pagpapasaya sayo ng isang tao na may kasamang sakit siguro gusto ko lang ang Mommy mo" natawa siya bigla at nagpatuloy "Siguro natatakot ka aminin pero ngayon lang kita nakita na kinabahan sa isang desisyon na gagawin mo. Desisyon na may kinalaman sakanya"

Huminga ako ng malalim. Hindi lang ako kinakabahan. Natatakot ako na baka pagkatapos ng gabing ito hindi na niya ako kausapin. Baka pagkatapos ng gabing ito hindi ko na makita ang ngiti sa mukha niya na ako ang may gawa. Kaya ko ba?

Hinawakan ni Dad ang nanginginig kong balikat "Masaya ako na napalaki kitang may paninindigan. Nagawa mong magsakripisyo para sa iba. Hindi biro ang gagawin mo para kay Yui. Salamat anak. Ikaw at si Stacy ang pinakamagandang nangyare sa amin ng Mommy mo. Pagkatapos ng gabing to. Wag mo kakalimutan na nandito lang ako"

Niyakap ko si Dad "Pagkatapos ng gabing to Dad kakalimutan ko na siya. Pipilitin ko"

Tama. Pagkatapos ng gagawin ko, wala ng dahilan pa para balikan ko siya. Hindi ko deserve ang isang katulad niya.

Sana lang makalimutan ko siya, kagaya ng ibang babae na iniwan ko. Sana kayanin ko. Sana kayanin ko. Sana ... kayanin ko.

Scarlet's POV

Status: M.UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon