The Boy Next Door by ScribblerMia

1.6K 14 2
                                    

THE BOY NEXT DOOR

by ScibblerMia


Status: Completed/Published under Summit Media (Pop Fiction yata)

Genre: Romance (Main)/Humor/Action/Drama


Ito ay kwento ng dalawang magkababata named KJ and OA (you'll know kung bakit yan ang tawagan nila kapag nabasa niyo na ang istorya. hihi!). Medyo matagal ko na itong natapos, isa ito sa mga kwentong masugid kung inantay na ma-update at matapos. Available pa rin yata ito sa Wattpad pero may book version na ito published by Summit Media, dalawang libro siya dahil sa medyo mahaba.


Sa totoo lang, hindi ko namalayan na ang haba pala ng istoryang ito, hindi rin ganoon kaagad na nagkaaminan sila ng nararamdaman para sa isa't isa, sa totoo nga niyan, if I am not mistaken, nasa bandang 40th chapter and above pa nung nagkaaminan sila ng nararamdaman para sa isa't isa but that doesn't mean na boring ang mga nangyari before that. Trust me! Nakakakilig ang istoryang ito.


Maraming characters, pero Ate Mia see to it na hindi mo sila makakaligtaan, kapag magkakasama sa isang eksena ay mararamdaman mo ang presensya ng ibang characters. Powerful yung writing style dahil nadadama mo ang puso ng bida. It is a one-POV story. Lahat ay nasa POV ni OA, which is hard dahil lahat ng characters ay makikilala mo through how OA perceived the story at may justice niyang nagawa iyon kaya thumbs up talaga ako kay Ate Mia sa aspetong iyon ng istorya.


She knows what she is writing. She gave a real place as settings, action-packed at twists are superb. It's not your ordinary fraternity story na bugbugan lang bugbugan, it is a fraternity story with class. (naks!) Kaya kung gusto mong magbasa ng istoryang aksyon, this is the right fit.


PS. Pero I told you na POV ito ni OA, at hindi siya member ng kahit anong sorrority or anything, may mga parte lang talaga na nakita niya. Ayun lamang. Read this! Certified Watty Story!






Certified Watty StoriesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora