The Peculiars' Tale by AnakniRizal

1.9K 21 5
                                    

THE PECULIARS' TALE

by AnakniRIzal

Status: On-Going

Genre: Sci-Fi (Main)/Adventure/Romance/Mystery

Bakit mo dapat basahin ito?

Mahilig ka ba sa mga Sci-Fi na stories? Sci-Fi or Science Fiction stories ay ang mga istoryang may makabagong teknolohiya na nakalangkap sa kabuuan ng istorya, may elemento rin ito ng Fantasy dahil sa ang mga imbensyon o science works sa kwento ay fictional pa. Okay, sa istorya. Nahahabaan ka ba sa kwento? As of today, meron na itong 68 parts at 200+ pages, pero isa lang ang masasabi ko. Worth it siya ng oras mo, simula umpisa hanggang sa dulo ay magkaka-ugnay, may elemento rin siya ng Mystery dahil sa may mga parte sa istorya na may katanungang mabubuo sa mga istoryang ito.

[SPOILER ALERT]

Mahusay ang detailing ng kwento, mahusay ang plot. May mga parte na parang biglang naging off ang kwento, siguro dahil na rin sa kondisyon ng may-akda ng kwento pero sumatotal ay mahusay ang pagkakagawa. Mahusay ang story-telling. Halos sumikdo ang puso ko dahil sa "conspiracy" ng ibang mga karakter para lang matugis at makuha si Jill, nararamdaman ko na isa siyang tunay na Peculiar hindi dahil sa Culomus, kundi sa sarili niyang dugo. Sa palagay ko ay siya talaga ang "free will."

[SPOILER OFF]

Mahusay ang pagkakapaliwanag sa ugali at pagkatao ng mga karakter, binibigyan ko ang istoryang ito ng 9/10. Mahusay! Mahusay!

Certified Watty StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon