Paano naman kasi wala na silang pagkakataon na gawin iyon dahil tumatabi sa kanila sa higaan ang anak nila.

Tinampal niya ang kamay nito. "Ano ka ba baka makita tayo ng anak natin,"

Akmang magsasalita si Aries nang makarinig sila ng malakas na busina ng sasakyan.

Muntik na siyang mapatalon nang marinig iyon mula sa labas. Kung kaya't tumayo na siya. Alam nilang dumating na ang mommy ni Aries para sunduin si Arvana dahil dadalhin nila ito sa mansion at susunod na lang sila ni Aries mamayang alas-kwatro. Alas onse pa lang kasi ng umaga.


Magkakaroon kasi ng homecoming party si AL mula sa pagbabalik nito states at may malaki raw itong surpresa sa kanila.

Wala siyang clue kung anong klaseng surpresa iyon. Limang taon na rin kasi ang nakararaan simula noong magtungo siya sa Villa ni AL at simula noon hindi na nila nahagilap si Eloise.

As in no trace of her.

Nakakalungkot mang isipin dahil hindi na ito bumalik sa kanila.

Ilang mga detective na din ang naghanap dito pero wala pa rin nangyayari.

Ipinagpapasalamat na lang niya na naging maayos na din ang relasyon ng dalawang magkapatid.

"Nandiyan na si mom," sabi niya kay Aries and she heard him groaned.

Napahagikhik siya sa inasal nito. "Sige lang Mrs. Spinster pagtawanan mo lang ako ngayon but when I get the chance hindi talaga kita tatantanan. Mark my word."

Muli siyang tumawa sa sinabi nito. "Oo na sige na ihatid mo na si Arvana sa labas,"

Tinawag na niya ang anak at nakabihis na ito ng ternong short at t-shirt.

Nagpaalam na sa kanya ang anak at akmang lalabas na ang mga ito nang pumasok na ang mommy ni Aries.

"Iho, what happened to your face?" tanong nito sa nanlalaking mga mata.

"Uh..." si Aries.

"I got bored mamita, ang tagal mo kasing dumating kaya si dad muna ang pinagka-interesan ko." Arvana said in honesty.

Iyon ang nagustuhan nila sa anak nila hindi ito marunong magsinungaling at prangka pa ito kung magsalita.

"Okay, okay, let's go." sang-ayon na lang ng mommy ni Aries.

Alam kasi niya na pabor lahat sa ginang ang mga ginagawa ni Arvana kapalpakan man iyon o hindi. Talagang napaka-spoiled na apo si Arvana. Maging si lola Feliza pabor din ang apo nito.
Bago pa man tuluyang makaalis ang mga ito nang magsalitang muli ang mommy ni Aries.

"Haven iha, sabihin mo sa mama mo na ihatid na rin niya si Anya mamaya."

"Sure, mom."

Hinatid na ni Aries ang mga ito mula sa labas.

At siya naman ay muling nagtungo sa kusina upang ipagpatuloy ang paghihiwa ng mga gulay sa lulutuin niyang pinakbet.


Mamayang alas dos pa daw kasi ang uwi ng mama niya at ni Anya.

Naramdman na lang ni Haven ang ang mga braso ni Aries na pumulupot sa kanyang baywang at pinaghahalik nito ang batok niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 21, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Cruel Billionaire's Marriage Contract(COMPLETED)Where stories live. Discover now