CHAPTER 67: ELOISE WITNESSED THE TRUTH

Start from the beginning
                                    

"Nakakita ako ng maliit na—I don't know if some thing or animal na tumakbo malapit sayo." sabi nito habang iniilawan nito ang kaninang kinaroroonan niya.

"B-baka naman binibiro mo ulit ako!" tiningala niya ito na ngayon naka titig na sa kanya.


Gaya 'nung una napakayap ulit siya dito! Mabilis na lumayo siya dito at muling pinulot ang mga sanga ng kahoy na inipon niya.

"I'm sorry, but this time I'm telling the truth,"

Saglit siyang napatigil sa pamumulot, "Bumalik na tayo sa loob, pwede na siguro ito sa lutuin natin," sabi niya at hindi pinansin ang sinabi nito.

"You can't carry it. Its heavy." pinigilan siya ni Daniel na buhatin ang pinulot niya.

"Magaan lang naman ito,"

"I insist, tumulong ka lang mamulot pero ang buhatin 'yan it's a no to me."

"I'll help carry it," she said.

"Please, let me?"

She didn't see much point in all this talk about who was going to carry.

"O-okay," sang-ayon na lang niya. Pinagkumpol-kumpol nila ang mga kahoy at mahigpit na tinali nito ang mga iyon gamit ang maiksing baging.

Tahimik silang naglakad pabalik habang buhat-buhat ni Daniel ang mga kahoy sa balikat nito at siya naman ay hawak ang flashlights at iniilawan ang dinaanan nila dahil madilim na.

Muli silang naglakad sa malalaking bato at maputik na dinaanan nila kanina hindi niya alam pero parang mas naging madulas iyon.

Naka-tsinelas pa man din sila. Inilalayan siya ni Daniel sa isang kamay nito at hawak nito sa kabila ang kahoy. Pero kagyat na nagulat si Daniel nang bumigay ang tali niyon dahilan para mabitawan siya nito pero kaagad din siyang hinawakan nito at tuluyan nang nahulog ang mga kahoy at sanga sa balikat nito!

At dahil nawalan na siya ng balanse naitulak niya si Daniel. Napapikit siya nang tuluyang bumagsak ang katawan niya kay Daniel na bumagsak naman ito sa batuhan!

Napaigik siya nang maramdaman ang paa niya na naipit sa bato and she felt like it twisted!

"Okay ka lang ba!?" nag-aalalang tanong nito nang makabangon ito na dala ang bigat niya.

All of a sudden she was trembling all over, "I-Ikaw hindi ba napano ang ulo mo!?" she said hysterically while checking on his head with both hands! Her face was so close to him.

Hindi ito naka sagot at nakatitig lang sa kanya, "Daniel, answer me!" bulyaw niya.

"O-okay lang ako...ikaw may masakit ba sayo?" he said after stammered for a moment.

"I-I think my foot twisted," nahihirapang sabi niya nang galawin niyang muli ang paa niyang naipit sa bato.

Para ding nakukuryente ang paa niya.

Doon na natuhan ng tuluyan si Daniel, "God! I'm really sorry, this is all my fault!" bigkas nito at maingat siyang inilalayang makaupo sa malaking bato pero nandoon pa rin ang kaliwa niyang paa dahil naipit ang kanyang tsinelas sa loob.

The Cruel Billionaire's Marriage Contract(COMPLETED)Where stories live. Discover now