CHAPTER 60: THE FIRST ENCOUNTER

Start from the beginning
                                    

Ngunit ang batang lalaki tila hindi siya naririnig at nagpatuloy lamang ito sa pagsasalita ng harsh words.

"Hello! Do you hear me!" sigaw na wika niya dito kung kaya't nabaling na ang tingin nito sa kanya na galit na galit ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.

"My mom told me not to talk to strangers! And who told you to shout on me like that?” galit na sigaw na sabi nito sa kanya.

Pinakatitigan niya ito ng maigi bagamat walong taon palang si Emi pero masasabi niyang walang hindi maganda sa itsura ng batang lalaking kaharap niya.

Natakot tuloy si Emi sa sigaw nito at anumang oras ay iiyak siya.

"I-Im sorry..." halos bulong na wika na lang niya.

"You should! Gusto mong ikaw ang gawin kong bait dito sa ginagawa ko?" inis na sabi ulit nito at muling ibinaling ang mukha sa ginagawa nito.

"G-gusto ko lang naman magtanong," sabi ulit niya pero hindi man lang siya nito pinakinggan at abala pa rin ito sa ginagawa nito.

"Itatanong ko sana kung may nakita kang pusa? Kulay puti siya...at mataba siya." pero ang batang lalaki hindi siya pinapansin kaya minabuti niyang lumapit at tinignan ang ginagawa nito mula sa ibaba.

Nanlaki ang mga mata niya sa kanyang nakita.

"Kitty!" sigaw niya nang makita ang pusa niya na lumalangoy at basang basa na ang buong katawan nito na ginawa pang bait!

"That's my cat!" muling sigaw niya at inagaw dito ang fish rod!

"This isn't your cat!" sigaw nito sa kanya pero hindi siya nagpatinag at nakipag agawan siya dito.

"That's mine!" sigaw niya.
"Huwag kang makialam sa ginagawa ko!"

Ngunit si Emi hindi siya nakinig at nagpatuloy lamang siya sa pakikipag-agawan kaya ang ginawa niya kinagat niya ang kamay nito dahilan para mapaaray ito sa sakit at mabitawan nito ang fish rod.

Mabilis niyang iniangat ang tali at nang tuluyan na niyang makuha ang kawawa niyang pusa niyakap agad niya ito.

Nanginginig ito sa lamig! Minadali niyang tinanggal sa paa nito ang pagkakatali na gawa sa nylon.

"I'm a nice person, so I'll let it pass on what you did to me." malamig na sabi nito.

"Ang salbahe mo!" sigaw niya sa batang lalaki at hindi na niya napigilang umiyak while stroking her cat.

"Damn...you cry baby! You're crying over that cat?" hindi makapaniwalang sabi nito.

"Bakit mo ito ginawa hindi ka na naawa sa kanya!"

The Cruel Billionaire's Marriage Contract(COMPLETED)Where stories live. Discover now