Dumaan ang salarin sa bintana ng toilet at naiwang mag-isa si Martin.



Micah's POV



"Di mo talaga siya nakilala?" tanong ko kay Martin.



"Nakamaskara nga di'ba?"pambabara ni Martin sa tanong ko.



Biglang umingit ang pintuan tanda na may papasok kaya agad na nanlaki ang mata namin ni Martin.



"Oh My Siomai!"sigaw ni Yngrid, kaklase rin namin siya. Medyo kikay din yan at bipolar. Kasama niyang pumasok si Joanne at Abby.



"Andudumi ng isip nyo eh" mahinang sabi ko.



"Hoy lumabas muna tayo dito!" sabi ni Joanne.



"Baka may makikita sa'tin."dagdag pa ni Abby.



Sinilip muna ni Yngrid kung may tao sa labas. at buti na lang, walang tao kaya sinamantala namin ang pagkakataong makalabas .



Sa aming paglalakad ay nakasalubong namin ang grupo ni Ron at Em, sila ang lider ng grupo nila. Grupo ng basagulero.



"Aba, yung bagong nating classmate machixx!" kantyaw ni Ron.



Sinamaan namin sila ng tingin.



"Aba, boss. Inaagaw niya si Yngrid sa'yo oh!"bulong ni Joen kay Em.



"HAHAHA. Nakakatawa ka Joen, baliin ko kaya buto mo. Gusto mo?"sarkastikong tanong ni Yngrid kaya naman natameme si Joen.



Si Em naman ay tinitigan ng masama si Martin. Sinugod ni Ron si Martin at kinuwelyuhan. "Ikaw gago ka! Wag mo kaming kakalabanin ha?"sigaw ni Ron kay Martin.



"Hoy! Bitawan mo si Martin!" may sumigaw sa bahaging likuran namin. Nakita kong umatras si Ron at bumalik sa mga kasama.



Nilingon ko kung sino ang sumigaw. Si Paolo pala.



"Salamat!" saad ni Abby at Martin.



Samantalang ako titig na titig lang sa kanya. May kwagapuhan siyang taglay.



"Oy si Bestieee. Pumapag-ibig" bulong sa 'kin ni Joanne.



"Ha?"pagtataka ko. Napansin niya atang titig na titig ako kay Paolo.



Ngiting nakakaloko lang ang isinukli sa 'kin ni Joanne.



"Baliw" mahinang sabi ko at humagikgik siya nang bahagya.



"Hoy! Ano? Lalaban ka na Paolo?"asik ni Em.



Napansin kong iniyukom ni Paolo ang kanyang kamao. Akmang susuntukin na niya si Em nang pigilan siyang ni Yngrid at inilayo naman nina Joen at Ron si Em kay Paolo.



"Tara na nga"aya ni Joen.



"Mga duwag pala kayo eh"sigaw ni Martin at dumila-dila pa. Hay, parang kanina lang yung hitsura niya nung kinuwelyuhan siya ni Ron. Hahahahaha.




"Bumalik na tayo sa classroom. Baka ma-late tayo"walang ekspresyon na pahayag ni Paolo.



Bakit ganun? Lagi siyang walang ekspresyon. Hahahaha.



__________________________________________________________________



Thanks for reading.



VOTE and COMMENT :)

That Thing Called 'PATAYAN' (B1 AND B2)Where stories live. Discover now