"Weird"bulong ko kasi wala namang tao sa loob kaya paano ito mal-lock?
Naghugas ako ng kamay at naghilamos. Narinig kong umuuga ang cubicle.
"May tao ba diyan?"pasigaw kong tanong.
Nilalapitan ko ang cubicle na iyon.
"May tao ba riyan?"muli kong tanong ngunit ungol lang ang narinig ko. Buong pwersa kong itinulak ang pinto ng cubicle para magbukas.
Laking gulat ko nang makita ang laman ng cubicle, isang lalaki na nakagapos at nakatape ang bibig.
"Sino ka?"tanong ko at tinanggal ang tape sa bibig niya. Pamilyar ang mukha ng lalaking ito. "Kaklase ba kita?"tanong ko ulit.
"Oo, ako si Martin!" pakilala niya at halatang namumutla siya.
"Anong nangyari? Bakit ka nandito sa FEMALE TOILET!?"sigaw ko sa kanya at tinaasan ko siya ng kilay.
FLASHBACK...
Third person's POV
Naglalakad si Martin papunta sa male toilet.
Napansin niyang may sumusunod sa kanya kaya nilingon niya ito. "Sinong nandyan?" sigaw niya.
Wala naman siyang nakitang taong sumusunod sa kanya pero may naririnig siyang mga yabag .
Sa kanyang pagpapatuloy ay may nakabangga siyang estudyante na nakasuot ng maskarang puti.
Hinampas siyang nito ng matigas na bagay sa kanyang ulo dahilan kaya nawalan siya ng malay.
Paggising niya ay nasa female toilet na siya nakatali. Akmang sisigaw na sana si Martin nang biglang lagyan ng salarin ang kanyang bibig ng tape.
"HAHAHAHAAHA"
Sasaksakin niya na sana si Martin nang biglang umikot-ikot ang doorknob. Dali-daling nag-isip ng paraan ang salarin.
YOU ARE READING
That Thing Called 'PATAYAN' (B1 AND B2)
Mystery / ThrillerNasangkot sa isang krimen si Micah nung siya ay labing-apat na taon palang at kanyang mga kaibigan na sina Joanne, Frank, Yngrid, Mon at Abby. Inilihim nila ito sa iba. Paano kung may maghiganti sa krimeng ginawa nila? Ano ang kanilang gagawin? Ano...
CHAPTER 3: Blood
Start from the beginning
