18 : O

10.8K 494 112
                                    


Martee

Hating gabi na pero hindi ako makatulog. Ang sama ng pakiramdam ko. Nilalamig din ako ng sobra.

I was shivering when I felt manang Sita's palm on my neck and forehead.

" Jusko Martee, inaapoy ka ng lagnat" She muttered then went out of the maid's quarters.

Nang bumalik siya ay may dalang batya ng tubig.

Mabilis niya akong binanyosan ngunit wala paring pinagbago.

" Pakitawag si manong Henry, kailangan nating dalhin sa ospital si Martee" She said to one of the maids.

Hinawakan ko ang kamay ni Manang Sita.

" May gamot po ako sa drawer Manang. Naulanan kase ako kanina kaya po nilalagnagt ako. Huwag niyo na pong abalahing gisingin si Manong Henry" Untag ko sabay pikit ng mga mata ko. I'm so irresponsible.

" Jusko naman 'tong batang 'to." I saw concern on manang Sita's face.

Hindi nagtagal ay imbes na si Manong Henry ay si Sir Santi ang pumasok sa Maid's quarter namin. He's still drunk. Nagtaka ako dahil bakit hindi pa siya nakatulog.

" Sorry manang Sita, nakita ko po kase si Sir sa veranda na mag-isang umiinom. Tinanong niya po ako kung bakit ko hinahanap si Manong Henry kaya nasabi ko pong nilalagnag si Martee. Hindi ko po kase magising si Manong Henry" Hinging patawad ng isa naming kasama.

" Ikaw naman Angge, alam mo namang lasing ang sir Santi mo" Rinig kong wika ni manang Sita.

Naramdaman kong nilapitan ako ni Sir Santi sabay lagay ng palad niya sa pisngi at noo ko.

" Manang Sita, pakitawag po ang Doktor natin. Pakisabi na pakibilisan" Untag niya na agad namang ginawa ni Manang Sita.

Nakita ko ang pag-alala sa mga mata ni Sir Santi. Napapahawak din siya sa kaniyang sentido habang hinahawakan niya ang kamay ko. He seemed uncomfortable but still trying to be fine.

" Martee, dalhin na kita sa ospital" He whispered. Takot ang nakikita ko sa kaniyang mga mata habang diretso itong nakatingin sa akin.

" Sir magpahinga na po kayo." I muttered softly but he refused to.

Umiling ito at hinawakan ang kamay ko na para bang ayaw niyang pakawalan ito. Amoy na amoy ko parin ang amoy ng alak sa kaniya. He must have been drinking all this time. Ang akala ko ay natulog na ito kanina pa.

The doctor came and examined me.

" Umulan kanina. Nagpaulan ka ba miss?" The doctor asked me. Banayad akong tumango.

" Your body wasn't used to exposure to heavy rains kaya ka nagkasakit. It happens sometimes and it's not an emergency. Your fever will go down in the morning. You've already taken a medication for your fever and that's okay. You just need to rest. Bukas ay mawawala din iyan. I suggest you take a rest. You can also drink another dose of paracetamol after 4 hours if the fever won't go down" The doctor explained.

" I think we should bring her to the hospital doctor. She needs further examination and-" Si Sir Santi

" There's absolutely no need for an admission for a simple fever, Mr. Villamor" The doctor assured him.

" Ang kailangan lang po ng pasyente ay pahinga" The doctor added.

Huminga ng malalim si Sir Santi bago nagpaalam sa doctor. He seriously have woken up a doctor in the middle of the night.

" Thank you Dr. Constantine. But I will still bring her to the hospital in case" He stated calmly. Tumango ang doktor bago tuluyang nagpaalam at umalis. Naiwan kami nina Sir Santi at manang Sita kasama ang isa pang kasambahay.

" I will bring her to the guest room. She will continue to rest there" Saad ni Sir Santi sa seryosong boses.

Nagulat na lamang ako ng buhatin niya ako.

" Uhm sir kaya ko-"

" Please, just let me Martee. Kaya ko naman. I won't put your safety at risk" He then said. Parang nagugulat pa sina manang Sita sa nangyayari kaya wala silang imik na dalawa. Inakyat ako ni sir Santi sa may guest room at dahan dahan niya akong nilapag sa may malambot na kama.

He even fixed the blanket for me.

" Uhm sir ako na po ang bahala kay Martee" Wika ni manang Sita na sumunod din pala sa amin.

" Manang Sita magpahinga na din po kayo. Ako na ang magbabantay kay Martee" He muttered.

I looked at him. He seriously said that.

" Pero nakainom po ata kayo Sir. Kailangan niyo din pong magpahinga" Untag ni Manang Sita.

" Nakainom lang po pero kaya ko naman pong alagaan si Martee" He justified. I looked at him. Iyung mga mata niya ay napako lang sa akin.

Napapikit na lamang ako.

He just held my hand and and rested it on his chest. Walang nagawa si Manang Sita kundi ang umalis at hayaan nalang kami ni Sir Santi.

My heart beated faster again when he placed our intertwined hands on his lips and kissed my hand.

" I'm sorry." He whispered.

——

Shooting Star (Completed) [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon