1 : M

13.8K 389 5
                                    


Martee

NAABUTAN kong wala pa sa bahay si mama. Halos pasado 11 ng gabi ay wala pa siya. Nawiwili na ata si mama sa casino niya.

I know that something is wrong. Madalas kaseng ginagabing umuwi sa mama. She also happens to spend a lot of time outside. She always goes out for business trips and vacation get aways.

" Umuwi na po ba si papa?" Tanong ko kay Manang Nancy. Umiling ito.

" Kanina pa po wala si Vice Gov. Tumulong po ata sa paghahanap sa mga nakidnap na mga bata." Untag naman ni manang. Huminga ako ng malalim.

" Kumain na po tayo manang, mukhang mamaya pa makakauwi si papa" I told her.

LUMIPAS ang ilang araw ay halos ramdam na sa buong probinsya ang nalalapit na eleksyon.

The candidates also started putting up their own banners and tarps. Its a busy week kung kayat madalas nagkikita na lamang kami ni kuya Santi tuwing hinahatid sundo niya ako sa school kahit madalas ay pinagsasabihan ko siyang huwag na akong sunduhin dahil naaabala ko lamang siya.

Halos konti nalang din ang mga ginagawa namin sa school dahil sa palapit na graduation namin. Ewan ko ba at may oras pa siyang sunduin ako sa school.

Ongoing palang ang praktis namin ng mamataan ko si Kuya Santi na pumasok sa gym. Para siyang nagmumukhang politiko sa suot niya. Halos lahat na nga ng mga kaklase ko ay kilala siya dahil sa kaniyang pangalan at angking kaguwapuhan. He looks eye-candy. That's how they sometimes describe him. He sat down in one of the bleachers as he directed his gaze on mine. Ang seryoso ng mga mata niya ngunit ng mahagip ako nito ay agad na napalitan ito ng isang matamis na ngiti. I smiled back.

He seems relaxed in his seat.

" Andito pala ang anak ng gobernador." Puna ng teacher namin.

Pansin kong pinagtitinginan siya ng mga kaklase kong mga babae at halos lahat sila ay gustong makuha ang atensyon niya.

" Last practice na para makauwi na din tayong lahat. Focus guys!" Sigaw nung isang lalaking instructor namin. Nagsimula muli ang practis mula simula hanggang dulo. Paminsan minsan ay napapatingin ako kay Kuya Santi at nakikita kong nakatutok parin ang mga mata niya sa akin. Tipid akong ngumingiti at ganon din naman siya. Nagfocus ako sa praktis hanggang sa matapos ito. Nagsilapitan naman ang mga kaklase ko kay Kuya Santi ng matapos ang praktis at nakipagkuwentuhan sila. Masayang nakipagkuwentuhan si Kuya Santi. Paminsan minsan ay napapabaling siya sa akin habang prente akong naghihintay sa kaniya. Hinayaan ko na lamang ang aking mga kaklase na makipag-usap sa kaniya. Their conversations went well. Halatang nakikipagchismisan lang ang mga ito sa love life niya pero maayos naman niya itong sinasagot.

Ni ako nga hindi ko alam kung may love life ba siya. Parang wala naman.

Pagkatapos non ay kinuha na niya iyung bag ko para siya na ang maghawak nito habang diretso kaming palabas ng school.

" Your classmates are friendly" He said as a matter of fact. He opened his car's door for me. Kung may nakababatang kapatid siguro siya ay maswerte ito. Kung ganito niya itrato ang kapatid niya, she will always feel safe and secured.

" Oo naman. Mababait mga kaklase ko." He was wiping his sweat as he turned on the car's engine.

" Daan muna tayo sa kapitolyo. May salu-salo don" He said. I cheerfully smiled, excited na pumunta sa kapitolyo.

May inabot din siyang tshirt sa akin. Suotin ko daw sa kampaniya bukas. Nakalagay sa tshirt iyung pangalan ng kaniyang ama, governor Ricardo Villamor.

Napasimangot ako.

Natawa tuloy siya sa naging reaksyon ko.

" Oh tama naman iyung size mo ah, extra small" Natatawa niyang saad sa akin. Oo na, siya na ang matangkad ako na ang 5'2" lang.

" Sunduin ulit kita sa mansyon niyo bukas ah. Dun ka na sa bahay magumagahan. Magpapaluto ako ng paborito mo" He muttered. Nakasanayan ko ng pumunta sa bahay nila. Mabait din naman si tita Kristina, mama ni Kuya Santi. Malapit ang loob ko sa mga Villamor dahil matagal ng magkaibigan si papa at si governor Villamor.

" Hindi na. Kakainin ko naman kahit anong naihain e." Untag ko. Hindi naman ako mapili sa pagkain.

Tumingin ito sa akin.

" Tampo ka niyan. Tampo tampo ang mahal kong prinsesa. Alam ko naman." He muttered before parking his car. Nakarating na pala kami sa kapitolyo.

——

Shooting Star (Completed) [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon