CHAPTER 53: SHE PASSED THE TESTS

Start from the beginning
                                    

Nagsalubong ang mga kilay niya sa sinabi nito. "A-Alam mong mahina ako at hindi ako katulad mong mamatay tao!"

"This is for your own good. You have to defend yourself no matter what. Alam mo bang hindi mo makukuha ang hustisya hanggat hindi ka nakakaganti? My brother was killed and shot not only once but twice!" mariing wika nito.

Nakita niya sa mga mata nito ang galit, poot at halo-halong emosyon na batid niya'y hindi pa rin humuhupa iyon at hangga't naaalala pa rin nito ang sinapit ng kapatid nito.

Nawalan din siya ng ama pero hindi ibig sabihin niyon na pati siya ay isinama ng ama niya sa hukay nito at patuloy na naghihinagpis.

"Bakit naibalik ba ang buhay ng kapatid mo kapag nakamit mo na ang hustisya!?"

Nanlisik ang mga mata nito sa sinabi niya. Nakaramdam siya ng takot.

"Kapag buhay ang kinuha, buhay din ang kapalit! Now woman, take that gun and stand over there!" sigaw nito at itinutok nito ang hawak nitong shotgun sa sinasabi nitong direksyon na tatayuan niya.

Natatakot na naman siya sa binabalak nito!

"Susunod ka ba or I'll shoot you!?"

Nanghilakbot siya sa sinabi nito kung kaya't muli niyang hinawakan ang baril at sumunod siya sa sinabi nito.

She stands at the center with trees on its side. Takot na takot siya sa mga sandaling iyon.
Nang muli niyang tignan ito blangko ang expression sa mukha nito.

"Tignan natin kung kayang panindigan ‘yang mga sinasabi mo." pagkasabi niyon pumito ulit ito ng dalawang beses.

Nakarinig siya ng mga yabag!
Nakita niya ang papalapit na usa sa direksyon niya!

Nanlalaki ang mga matang nakatitig lang siya sa tumatakbong usa na papalapit sa kanya!

Hindi niya alam ang gagawin!

"Now, shoot!"

"I-I can't!" balik sigaw din niya habang nanginginig ang mga kamay niya sa hawak niyang baril na nakatutok ngayon sa usa na unti-unting lumalapit sa kanya!"

"Just do it!"

Umiling-iling lang siya kasabay niyon ipinikit na lang niya ang kanyang mga mata. Bahala na kung ano ang kayang gawin ng usa sa kanya!

"Oh, what have I done to deserve—ahh!" napasigaw siya nang may dumamba sa kanya.

Naramdaman ni Haven ang pagbagsak niya sa nagyeyelong niyebe sa lupa!

At nararamdaman niya ang mabigat na iyon na nakapatong sa kanyang katawan at ang kanyang ulo na parang may nakahawak upang hindi tuluyang bumagsak ang ulo niya sa niyebe!

Nang magmulat siya ng mga mata si Aries ang nakapatong sa kanya!

Inilayo siya nito sa kapahamakan at ang usa ay nasa likuran nito at tinatadyakan nito ang likuran ng kanyang asawa.

Umangat ng konti ang ulo ni Aries.

"Are you alright?" nag-aalalang tanong nito sa kanya.

The Cruel Billionaire's Marriage Contract(COMPLETED)On viuen les histories. Descobreix ara