Chapter 1

94 34 3
                                    

"Don't do this, please"

Dinig kong hinaing nang lalake, diko alam kung nasaan ng galing ang nakakabiyak na tono ng boses, may mahabang tanim ng bulaklak ang napapagitan sa amin kaya diko makita kung sino man tong lalakeng to

"Fuck! Yo--you can't do this to me! I--love you so much! you know that! I've been so faithful to you. Please? I'm begging you"

halos hindi na mausad usad ng lalake ang bawat salitang kanyang binibitawan, pumipiyok siya at batid kung umiiyak siya, ni isang salita wala man lang sinabi ang babae. parang ako pa ang nasaktan sa lalake

katahimikan ang bumabalot sa paligid walang salita ang babae, jusko naman ate kung sino ka man mag salita ka naman nang gigil ako sayo eh, nakakaawa tong lalakeng to. If she really cares for you she wont gonna do this or leave you, kasi kung mahal mo papanindigan mo hanggang dulo, hays pag ibig nga naman. Kakagigil.

Tumayo na ako at aakmang aalis na sana nang biglang tumayo ang lalake, hala! gagi hindi naman pala mataas itong mga tanim ng bulaklak ang nag papagitan samin. Shyt! baka makita ako at isiping nakikinig ako sa break up scene nila ng girlfriend niya. Fudge! anong gagawin ko? nag huhuramentado na ako sa kaba kaya umupo ako ulit

"I'm gonna wait for you even if it'll take forever!" Pumiyok pa ang boses ng lalake

Bakit ang sakit? parang ako yung nasaktan, napahawak ako sa dibdib ko. hindi ko lubos maisip kung gaano ka bigat at kasakit ngayon ang nararamdam ng lalakeng to, masiadong malalim ang sugat. Tumayo ako at naka hawak parin sa dibdib ko, nandun parin yung lalake, naka tayo pero wala na yung girlfriend niya. Napatingin ako sa likod ng lalake, masasabi mong payat pero tamang tama sa tangkad niya.

Ha? teka! mag ka pareho kami ng uniporme, yung sling ng ID niya kapareho sakin. Napahawak ako sa bibig ko at nagtigil ang mga mata ko sa back pack niya

I know him!

**

"CELESTINEEEEEEEEEE!!"

Napadilat ako ng mata nang umalingasaw ang pangalan ko galing sa baba. Dali dali akong bumangon, tinaboy ko ang aking unan at ang kumot kong nakapulupot sa katawan ko, muntikan pa akong mahulog sa kama sa pag mamadali ko. Tumakbo ako papuntang pintoan, bubuksan ko na sana nang biglang dumungaw ang galit na mukha ni yaya Susan.

"Anong oras na bata ka?!" aniya pag ka pasok sa kwarto ko

"Ate Susan ang aga pa kaya" tinignan ko ang orasan ko na nasa table tabi ng kama ko. Fuck, Im dead! It's already 9 am and surely Ate Trina is already here. Napakamot ako sa ulo ko.

"Nandito na ate mo, ano pang tinatayo mo diyan? Mapapagalitan ako ng ate mo nito. Tigas ng ulo mong bata ka" Nag lakad siya at kinuha ang mga malita ko, mamimiss ko talaga tong kasungitan ni Ate Susan. Hays, niyakap ko siya galing sa likod.

"Gonna miss you Ate Susan"

Naramdaman kong napa buntong hininga siya, hinawi niya ang mga kamay ko at humarap sakin, naka tingin ako sa kanya at siya naman ay naka hawak sa dalawa kong kamay. Nakita kong nangingilid ang luha niya, hinaplos lang ni Ate Susan ang pisngi ko

I live all  my life here in Davao si Ate Susan ang katuwang ko, my parents and sister are working  in Manila kaya doon narin sila namamalagi, minsan lang silang dumalaw sakin dito, minsan si mommy at daddy ang umuuwi or minsan sabay sila, pero napaka dalang lang kasi busy sila sa pag tatakbo ng negosyo

ngayon sinusundo na ako ng sister ko dahil doon na ako titira sa Manila, doon ko narin ipag papatuloy ang pag aaral ko sa college, nakakalungot nga eh kasi maiiwan si Ate Susan, siya lang kasi ang mapag iwanan nitong bahay namin.

"Nako! Tigilan mo na ang katigasan ng ulo mo don ha" mariing sabi ni Ate Susan. Tumango ako at niyakap siya, niyakap niya rin ako at hinaplos ang aking likod.

"Mag iingat ka don tinay"

napahalakhak akong mahina at bumitiw sa pag kakayakap kay Ate Susan, simula nang naging yaya ko siya, siya na ang nag palaki sakin though nandiyan naman ang parents ko pero nung pinatira ako nila mommy at daddy dito sa davao siya ang gumabay sakin simula elementary hanggang Senior high ako, kaya tinatawag niya akong tinay kasi naka patpatin ko noon at nakapa agresibo pa. Hanggang sa nag dalaga ako ay tinay parin ang tinatawag niya sakin.

Nandito na kami ngayon sa airport, tinatahak ang eroplanong sasakyan namin. Hays salamat sa halos 3 oras naming pag hihintay ay makakaalis na kami. Bored na bored kung sinusundan ang ate ko habang nakasalpak sa tinga ko ang airpods ko, tamang facebook lang ang ginagawa ko sa buong pag hihintay namin, panay talak naman itong kapatid ko habang naka tingin sa ipad niya, siguro ay patungkol na naman ito sa trabaho

Dalawa lang kaming mag kakapatid si ate Trina ang panganay at syempre ako naman ang bunso. Hindi naman mag kalayo ang agwat ng edad namin she's 25 and I am 22

"I already enrolled you sa university na papasokan mo, my secretary gonna send you your schedule" aniya niya, tumango lang ako habang naka tingin sa labas ng bintana ng eroplano

"Bakit pa kasi ako mag tatransfer, eh isang taon na lang tapos na ako sa college. tss!"

"You already know the reason Isa"

Ewan ko ba sa kanila, okay naman ako sa Davao eh, wala akong problema don, maayos naman ang pag aaral ko at ngayon bigla bigla akong itatransfer dahil lang sa mababaw na dahilan? Ewan! nakakapanghina ang rason nila, gusto nila akong mag transfer sa Manila dahil nandun daw ang buhay ko

like what? ano pala tong buhay na ginagawa ko dito? maayos ako dito, masaya ako dito kahit nandun sila sa manila ay masaya naman ako, see? ang babaw nag rason, kaya ko namang payamugin ang buhay ko dito. 

Ano pa bang buhay ang hahanapin ko don sa manila? lalakad ng mga negosyo nila? nakakaumay nandiyan naman si ate eh! umirap ako sa kawalan.

gabi na nang naka rating kami sa bahay, bumaba agad ako sa kotse hind ko na hinintay si ate, nangtatampo parin ako at the same time nalulungkot. Pag ka pasok ko ng bahay ay sinalubong agad ako ni mommy at daddy, masaya silang sinalubong ako, niyakap ako ni mommy at ni daddy ay hinagkan ang noo ko, niyakap ko rin sila kasi na mimiss ko sila, ilang buwan din nila akong di dinalaw sa davao kaya nakakatampo rin.

"I miss you sweetie, finally kasama kana namin" aniya ni mommy habang hinahaplos ang pisngi ko, naka tingin lang si daddy sakin na naka ngiti

"You should take a rest, yaya paki dala ng mga gamit ni Isa sa kwarto niya" Tawag ni daddy sa katulong namin

Dali dali namang dinala ni yaya ang mga dala kong malita sa kwarto ko, sandali lang ay pumasok na si ate Trina, lumapit siya kay mommy at daddy at nag beso. Nalulungkot ako sa pag alis ng Davao pero may saya rin naman akong naramdaman dahil sa pag balik ko sa piling ng mga magulang ko 

Sobrang tagal din ng panahon na pinatira nila ako sa davao, nakaka uwi lang ako dito sa manila pag may importanteng okasyon o di kaya kaarawan ng mga magulang ko, pero hindi rin ako nagtatagal dahil kinabukasan pinapa uwi na ako ng davao 

Kahit nandoon ako sa davao ay hindi nila nakakaligtaang tawagan at kumustahin ako, kaya kahit malayo kami sa isa't isa nanatili parin ang diwa ng aming pamilya 

Analogy of fate: Sailing the withered heart (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon