Chapter 11

22 17 0
                                    

Pababa na ako ng building kakatapos lang ng last class ko today and as usual gabi na naman natapos, sa rami ba naman ng ganap ngayong araw gugusto ko na lang umuwi at mag pa tihaya sa higaan, haays nakakapagod.

Bigla naman tumunog phone ko at si mommy tumatawag

"Hi baby, where are you?"

"Mom palabas na ako ng school, nasa labas na ba kayo?" susundoin nila ako ngayon at mag fafamily dinner kami sa labas

"Unfortunately honey mommy and daddy have errands tonight we can't have ou----" Hindi ko na pinatapos si mommy sa sasabihin niya alam ko na naman ano yun at good thing I'm super tired today gusto ko na lang umuwi

"It's okay mom, pasundo na lang ako kay manong sa bahay na lang ako mag dinner".

Humikab pa ako halata ngang pagod ako at mukhang napansin naman yun ng nanay ko kaya pinag bilinan niya na lang ako na mag hintay kay manong sa parking lot

Madali akong nakarating sa parking lot ng school malapit lang naman siya sa main gate at mukhang mamaya pa dadating si manong kaya na isipan kong umupo muna may gutter.

Humikab ulit, pagod talaga ko. Agad akong napatakip ng mata ko ko ng biglang may bumukas na ilaw ng sasakyan sa harapan ko, fudge! hindi ko ma aninag kung sino man ito

"get inside!"

Boses palang naririndi na ako, hindi ko siya pinansin bagkos naka tingin lang ako sa cellphone ko kahit sobrang naaanigan na ako ng ilaw ng sasakyan niya

ano bang trip ng lalakeng to kung patayin niya na lang kaya yang ilaw at masakit sa mata

"C'mon, get inside!"

"problema mo!"

GRRRRRRRRRR

"I'll drive you home"

Pagod ako today, please lang lord ilayo niyo ako sa lalakeng to naiirita na naman ako sa presensya niya, nilabas niya ang ulo niya sa bintana nang sasakyan niya at mariing tumingin sakin, umirap lang ako 

Bigla namang bumukas ang pinto ng sasakyan niya at aninag na aninag ko ang pag lalakad niya papunta sakin yung naiilawan bawat hakbang niya naka pamulsa pa naka white t-shirt na lang siya at naka slocks wala na yung blazer niya. pakengshyt bakit ang gwapo niya?

Agad naman niyang hinila ang braso ko dahilan para makatayo ako, kamuntikan pang tumiayad bag ko sa pag ka hila niya

"Why are you sitting there? You're wearing a skirt Celestine!"

"Aray naman, bitiwan mo nga ako" pag pumiglas ko sa pagka kakahawak niya sa braso ko, oo nga naman naka skirt pala ako eh masakit na binti ko eh gusto kong umupo

mabilis kaming nakalakad di ko nga namalayan na nakapasok na ako sa front seat ng sasakyan niya, may tumunog na parang lock ng sasakyan, automatic na nag lock ang door ng sasakyan niya

nag jog siya papunta sa driver seat

Teka bakit ako nandito? Nag masid ako sa paligid baka may naka kita sakin na sumakay sa sasakyan niya.

Sobrang pagod ko today, I don't know I really feel drained kaya wala na akong lakas na umayaw at tinext si manong na hintayin na lang ako sa labas ng subdi

nilibot ko pa paningin ko sa loob ng sasakyan niya aston martin yung sasakyan niya at ang gara ng mga sets sa loob, parang mahihiya pwet mong umupo sa upoan, mapapamangha ka sa brand ng sasakyan niya at ang linis ng loob sobrang bango pa, mas mabango pa ata sasakyan niya kesa sa kumot ko sa bahay

sa kanya to?

"Sayo to?" pagtatakang tanong ko

"Yup"

Analogy of fate: Sailing the withered heart (Ongoing)Kde žijí příběhy. Začni objevovat