Chapter 34 I'm Here

Start from the beginning
                                    

Napatingala siya sa akin. "Kaya ba hindi naging kayo ni Maxine?"

Nakangiting napakunot-noo ako. "Ba't naman po nasali sa usapan si Max?"

"E akala ko kasi kayo noon!" Bulalas niya.

Natawa ako ng mahina. "Si Max, tropa ko, ma. Si Erich, one great love ko po 'yon!" Wika ko. "Parang kayo din ni papa. Si papa ang one great love mo." Tsaka siya inakbayan.

Muli siyang napabuntong-hininga. "Sigurado ka ba diyan sa pinasok mo?"

Napangiti ako tsaka idinikit ang ulo ko sa ulo niya. "Opo, ma. Wala akong ibang gusto kundi siya lang talaga." Naglalambing na sagot ko.

"Basta huwag ka lang niyang sasaktan ha?" Paalala niya.

"Opo." Sagot ko. "Mahal na mahal ako no'n, huwag kang mag-alala ma." Dagdag ko. "Tsaka ma, kung pwede sana magbati na rin kayo ni ninang Susan. Sayang naman po 'yong pagkakaibigan ninyo dati."

Napabuntong-hininga siya.

"Tsaka po..." Sandali akong tumigil. "Kinukumusta ka rin niya."

Napatingin siya sa akin. May lungkot sa kanyang mga mata. "Ikumusta mo rin ako sa kanya anak kapag nagkita kayo ulit."

Napangiti ako. "Sige po, ma."

At bumalik na sa kinauupuan. Muli naman niyang tinignan ang niluluto.

"Kumusta na pala 'yong bahay do'n?" Naalala niyang tanong.

"Okay pa naman po." Tugon ko. "Sa katunayan nga po naglagay ako ng swing sa likod, sa may puno po ng santol?" Balita ko. "Tsaka ma, kung gusto ninyo, ipapa-renovate ko sana 'yong bahay natin do'n."

Napakunot-noo siya. "Para saan pa?" Tanong niya. "E may bahay naman na tayo dito."

"Gawin po nating bahay bakasyonan." Suhestiyon ko. "Tsaka matagal pa ako do'n ma. Kakasimula lang ng project namin. Aabutin ako ng taon doon."

"Ikaw ang bahala." Sagot niya.

Napangiti ako. Kilala ako ni mama, matigas ang ulo ko. Kahit na ayaw niya minsan ginagawa ko pa rin.

Pansamantalang nagpaalam muna ako kay mama at nagtungo sa itaas, sa kuwarto ko para makapagpalit ng damit. Pagkakataon ko na rin iyon para matawagan si E.

 Saktong tapos na kaming kumain ng dumating si Max. Nalaman na niya siguro na nandito ako sa bahay.

"Ba't parang blooming ka yata?" Puna niya habang nasa patio kami, may tig isang bote ng San Mig light kaming hawak.

"Syempre, in love ako!" Proud na sagot ko sabay tungga ng inumin.

Napaingos siya. "Sino namang napakamalas na babae 'yan?" Pagkatapos ay uminom ng beer mula sa bote.

Inirapan ko siya. "Malas ka diyan?" Kontra ko. "Inggit ka lang 'no!"

Inilabas ko ang phone ko mula sa bulsa ng suot na board shorts. Naghanap ako ng pictures sa gallery ko at ipinakita ito sa kanya.

"O di ba ang ganda ng asawa ko?" Mayabang na sabi ko habang ipinapakita sa kanya ang mga larawan namin ni Erich.

"Hmp." Ingos niya. "Mas maganda lang naman sa akin 'yan ng isang paligo e!"

Natawa ako sa sinabi niya. "Ang layo ha?!" Biro ko.

Maganda at sexy si Max. Malakas din ang sex appeal niya. Ang dami kayang nagkakagusto sa kanya sa opisina pero wala naman siyang sineseryoso sa mga ito. Buti nga at tinigilan na ako nito. Noong una akala mo kung sinong asong sunod ng sunod sa akin. Kinukulit ako araw-araw hanggang sa nagsawa na siguro. Kaya naging magkaibigan na kami.

ABKD Mahal KitaWhere stories live. Discover now