Chapter 44: Warmer

Comincia dall'inizio
                                    

"Langga . . ."

Mabilis akong nagpunas ng mga mata saka lumapit sa kanya. "She's just being selfish. Huwag mo na lang siyang pansinin," paliwanag ko.

"Asawa pala siya ni Ron."

"Hindi mo sila kailangang pakinggan."

I wanted to suppress everything, but I ended up crying a lot kasi bigat na bigat na ako sa mga nangyayari. Parang hindi kami pinagpapahinga ng lahat.

"It's okay," Clark said, and he hugged me to give me the best comfort I need. He tapped my leg gaya ng lagi niyang ginagawa para patahanin ako. "Kapag okay na 'ko, gagawan ko 'to ng paraan. Para hindi na sila magagalit . . . saka para hindi ka na rin iiyak."

I felt sad for Clark kasi pinipilit siya ng lahat na maalala ang mga nangyari before the car accident pero tingin ko naman, kung totoong nagkukunwari lang siya, baka hindi siya magtatagal sa ospital nang isang buong buwan.

Importante sa kanya ang work. Ang dami niyang ginagawa every day. I doubt na pipiliin niyang magkunwari para lang biruin kaming lahat.

Tinatanong na niya ako kung ano ba ang nangyari bago ang aksidente. Kapag dumadaan sina Will, nanghihingi talaga siya ng detalye kahit pa hindi niya naiintindihan ang sinasabi sa kanya.

Ako ang nahihirapan kasi masyado na niyang pinupuwersa ang sarili niya sa lahat ng gusto nilang mangyari.

Sina Tita Pia ang naghatid sa amin pauwi sa bahay ni Clark sa West. May edad na si Tita at naaawa rin ako na parang bumabalik ang dating lungkot nila noong naospital din ang anak nila dahil sa akin.

"Mami, sabi ni Tita Tess, may papapirmahan daw po siyang papers sa 'kin para daw ikakasal na kami ni Sabrina."

Mula sa kitchen, narinig ko ang pag-uusap nila sa may library. Nagluluto si Tita Pia ng pagkain namin, at kahit nasa Quezon City siya nakatira sa ngayon, kung kakayanin, baka dalaw-dalawin niya ang anak niya rito sa Alabang na sobrang layo sa lokasyon nila.

"Anak . . . baka puwedeng . . . i-postpone muna?" mahinahong pakiusap ni Tita Pia, at bahagyang sumakit ang puso ko dahil doon. Hagod-hagod niya ang buhok ni Clark habang binabantayan din ang nilulutong pagkain sa stove.

"Pero next, next month na daw 'yon, Mami," malungkot na sagot ni Clark.

"Baka kasi hindi ka pa ready, anak."

"Mag-aaral akong mag-work, Mami, promise. Para puwede kong alagaan si Sab nang kami lang."

Kapag ganito si Clark, hindi ko talaga mapigilang maiyak. We've been through a situation where he wanted me to say no to marrying him. He even told me na marami siyang reason not to marry me, and now . . .

If he waited for sixteen years for the chance to marry me, maybe I could wait for sixteen more for him to come back to his usual self.

"Pag-iisipan ko, anak, ha? Hindi muna ako mangangako," malambing na sagot ni Tita Pia at hinalikan niya sa ulo si Clark. Napaiwas ako ng tingin sa kitchen saka nagpunas ng sariling luha.

We came from a situation where everyone was saying yes to us while we said no. And now, we wanted to say yes to each other, yet everyone insisted that it wouldn't work right now.

Never talagang nagtugma ang sitwasyon naming dalawa.

Kasabay namin si Tita Pia mag-dinner. Mga bihirang pagkakataon mula pa noong magkaisip ako.

"Hindi ka ba nahihirapan kay Clark, hija?" biglang tanong ni Tita kaya nakasulyap ako sa kanya.

"Hindi naman po, Tita."

AGS 4: The Best Man's WeddingDove le storie prendono vita. Scoprilo ora