Chapter 44: Warmer

Start from the beginning
                                    

Napatitig tuloy ako sa kanya habang nakatulala lang siya sa sahig ng kuwarto.

"Kasi sabi niya . . . hindi niya hahayaang makulong si Ron. Sinabi ko nang isuko na lang niya si Ron sa mga pulis pero hindi siya pumayag. What if . . . kailangan niya ang mga document . . . para i-discard? Para wala nang ebidensiya na mahuhuli ang anak niya?"

"Clark . . ." pag-awat ko.

"Hindi kikilos si Tita nang mapapahamak ang mga anak niya . . ." Kumuyom ang mga kamao ko habang nakikitang pinapagpag ni Clark ang hangin gamit ang dalawang kamay. "Ano'ng meron doon sa mga document . . . ?"

"Clark, don't force yourself, please."

"Gusto kong makita ang mga document . . . kailangan ko 'yong makita."

He kept on repeating about those documents na hinahanap sa kanya ng buong barkada, at si Mum na may pinipilit pang ipagawa sa kanya. At naiinis ako sa kanilang lahat kasi parang wala silang consideration na nakita na nga nilang hindi pa siya okay, tapos kung ano-ano pa ang gusto nilang hingin sa kanya.

And what was worse? Jaesie came in an awkward time. It was almost sundown when she came sa hospital room ni Clark—na sana man lang hinintay niyang makalabas na lang ng ospital kaysa yung pupunta siya nang sobrang alanganing oras.

May dala akong dinner at walang ibang kasama si Clark sa room niya. Bubuksan ko pa lang ang pinto nang makita kong bukas na 'yon nang bahagya. Mula sa glass window ng pinto, nakita ko si Jaesie na kinakausap si Clark, and this was the first time she visited him after a month of staying dito sa hospital.

"Hindi ko alam kung bakit mo ginagawa 'to, Clark," Jaesie said, and her tone was mad. "Ni hindi makatulog nang maayos ang asawa ko kasi iniisip niya, fault niya kaya nandito ka. If this is a joke—na nagkukunwari ka lang na wala kang maalala just to escape Mum—I'm telling you, hinding-hindi kita mapapatawad."

Unlike with Mum, I had the courage to enter the room para pigilan si Jaesie sa ginagawa niya.

"Jae, puwede ba! Tigilan mo nga si Clark!"

Ang talim ng tingin sa akin ni Jaesie nang balingan niya 'ko. "Alam mo ba kung ano'ng nangyayari sa kuya mo, hmm?" sumbat niya sa 'kin. At naghahalo na ang galit at lungkot sa mga mata niya habang sinasalubong ang mga mata ko. "Ni minsan ba, natanong mo ang kuya mo kung kumusta na siya?"

I wanted to shout at her, but there was a huge lump in my throat na pinipigilan ako para makipagsagutan sa kanya. My eyes started to form tears, and I attempted to speak, but I only managed a whisper just to say the words. "Hindi fault 'to ni Clark . . ."

"Sigurado ka?" hamon niya sa 'kin. "Araw-araw, tinatanong ako ni Rico kung saan siya nagkamali." Nakikita kong nangingilid ang luha niya pero hindi 'yon hinahayaang tumulo ng tapang na meron sa mga tingin niya sa 'kin. "Hindi niya alam kung susuko na lang ba siya kay Mum para matapos na lang o ilalaban pa rin 'to kasi umabot na sila sa point na 'to na may muntik nang mamatay sa kanila."

"Hindi fault ni Clark kung naaksidente siya!" sigaw ko at hindi ko na napigilang iyakan siya.

"Fault niya!' sigaw rin ni Jaesie sa akin. "Alam nating pareho na hindi reckless driver si Clark! Alam nating hindi siya basta aalis sa kasal ni Leo dahil hinintay nila 'yong kasal na 'yon, matagal na panahon na! At kung ginagawa niya 'to para lang i-guilt trip si Mum, puwes, huwag niyang idamay ang asawa ko!" Tiningnan pa niya nang masama si Clark bago siya umalis sa kuwarto at pabagsak na isinara ang pinto.

Hindi ko na napigilan, humagulhol na ako paupo sa upuang katabi ng pinto.

Ramdam ko ang galit at bigat na dala ni Jaesie. Totoo rin, hindi ko kinumusta ni minsan si Kuya maliban sa magtatanong ako kung nakausap na ba niya si Mum. Kuya is a strong man and I expected him to stand firm dito sa issue na 'to, but I never assumed na hindi rin madali sa kanya ang nangyari sa kabarkada niya.

AGS 4: The Best Man's WeddingWhere stories live. Discover now