Chapter 42: Memories

Magsimula sa umpisa
                                    

All of a sudden, hindi ko na napigilan, napaiyak na naman ako.

"You'll play bang bang with Ninong Clark kapag he's feeling well na, ha?" Binuhat na ni Ky si Luan.

"Mimy, i-sweep pa si Nining Kwerk," Luan sadly said. "I want bang bang."

"Nag-sleep pa si Ninong Clark, baby. Ba-bye ka na muna kay Ninong kasi tatawag na tayo ni Dada."

"I want bang bang." Luan pouted.

"You'll play with Dada na lang sa house. Ba-bye na tayo kay Ninong Clark kasi he's sleeping pa." Kyline held her son's arms to wave. "Ba-bye, Ninong Clark. We love you."

"Ba-bye, Nining Kwerk. Wav you! Bang bang si Wuwan bukas!"

Clark is Luan's favorite ninong. Sa kanilang magbabarkada, si Clark lang naman ang mahilig mag-alaga ng baby. It was heartbreaking to see Luan waking Clark up, and even the kid didn't receive any response from him.

Every day, there was no minute my heart rested. It was beating harder than usual. I couldn't even sleep properly. Nakakatulog lang ako nang maayos kapag nasa ospital at hawak si Clark. And I couldn't ask my parents or even Kuya na kailangan ko ng gummies kasi ang mahal at wala akong enough budget para magpautos magpabili n'on. Kailangan kong magtipid kasi ayokong manghingi ng pera sa parents ko habang ganito ang setup namin na hindi ko sila nakakausap nang maayos.

Tenth day when Clark visibly responded. Nakabangon na siya nang maabutan ko. Tita Pia and Tito Ferdz were there kahit pa ang dami nilang inaasikaso about sa car accident na nangyari kay Clark, especially, hindi naman kayang ayusin ang lahat sa isa o dalawa o tatlong araw lang.

It was nine in the morning, and Kuya was the only guy in the room kasama ang asawa niya. Ang lakas ng kalabog ng dibdib ko kasi, at last, bumangon na rin si Clark.

"Malinaw mo akong naririnig sa side na 'to?" kalmadong tanong ng doktor habang tinuturo ang left ear ni Clark.

Tumango naman si Clark.

"How about dito?" pagturo ni doktora sa kabila.

Panibagong tango na naman.

"Kaya mo na bang magsalita?"

"Opo," mahinang sagot ni Clark pero garalgal ang boses niya.

"Ano'ng buong pangalan mo? Alam mo ba?" tanong ng doktor.

Napapalunok ako habang nakikinig sa kanila. Papikit-pikit lang si Clark habang naghihintay kaming lahat ng sagot.

May isinulat ang doktor sa notes niya kahit wala pa namang sinasabi si Clark.

"Mendoza . . ." mahinang sagot ni Clark, nakatulala lang sa harapan at marahang kumikisap ang inaantok na mga mata. "Clark Mendoza po."

"Okay," simpleng sagot ng doktor.

I was breathing hard. Hindi ko alam kung ngingiti o iiyak kasi, buong akala ko, matutulog na lang siya habambuhay.

"Kilala mo kung sino ang parents mo?"

Marahang tumango si Clark.

"Sino si mama?"

"Maria . . . Sophia . . . Divinagracia," paisa-isang sagot ni Clark.

"Okay, si daddy mo?"

Idinaan lang ni Clark sa papikit-pikit ang paunang sagot. Napuna ko ang paghigpit ng kapit ni Tita Pia kay Tito Ferdz.

"Mendoza . . . Fernando . . ." mas mahinang sagot ni Clark.

"Good. Ilang taon ka na?"

"Fourteen . . ."

AGS 4: The Best Man's WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon