Chapter 42: Memories

Start from the beginning
                                    

I tried to visit Kuya sa Purple Plate, but the only response I got from their store manager was, "Naka-leave po sina Sir Rico and Miss Jae until the end of April."

During those moments, pakiramdam ko, wala akong matakbuhan maliban sa ospital. Parang umuuwi na lang talaga ako para maligo at kumain saka babalik na naman sa ospital para magbantay.

One week—that whole week—everyone died. It felt like I was looking at empty shells every time I met their eyes. None of them spoke about Clark, as if he were a forbidden word to be told.

One week later, and Tito Ferdz received a call from the hospital. I was in the hospital when Clark responded. And the same day, nakakagalaw na siya kahit paano. But the nurses said nagre-respond na siya three days ago pa, but hindi pa kasi allowed i-inform lahat about that, which was odd for me, kaya ang nakakaalam lang n'on ay ang mga medical personnel lang.

As usual, dadalaw sina Kuya. Manonood sa labas ng glass window, tahimik na maghihintay, then aalis. They weren't talking to me. Not even a greeting. As in parang invisible lang ako.

Day eight when Clark was transferred to a private room. It wasn't the executive room, but a better option rather than the typical ward.

Doon pa lang sa sinabi ng nurse na may ilang araw nang nagre-respond si Clark pero wala silang binabanggit until nakakaya nang bumangon nito, masama na ang kutob ko. The moment na kahit isang kilos lang ng daliri, dapat alam na namin, e. Kasi pakunsuwelo na sa amin 'yon na safe at buhay ang pasyente namin kaya hindi na namin kailangang mag-alala nang sobra. Pero kung hindi pa babanggon si Clark, hindi pa namin malalaman.

Dala-dala ko ang isang tumbler at lunchbag nang pumasok ako sa ward.

Nandoon ang buong barkada ni Kuya kahit pa sinabihan na kaming huwag magtatambakan sa loob. Nandoon din ang mga doktor at nurse na hindi sila sinasaway kahit pinagsabihan na kami. Tulog pa rin si Clark nang maabutan namin.

Tinitingnan ng doktor ang mga pasa sa braso at binti ni Clark tapos may isusulat sa patient's form na nasa clipboard niya. Yung isang nurse, nagpapalit ng dextrose at may ini-inject pang ibang gamot sa tubong nasa likod ng kamay ni Clark.

Nauna nang lumabas sina Calvin at Will. Sumunod si Patrick. Ilang saglit pa, pumasok naman si Kyline karga si Luan.

"Kumusta si Clark?" tanong ni Ky sa mga doktor.

"He's doing good. Maganda ang response ng katawan niya sa gamot," sagot ng babaeng doktor na may hawak sa kaso ni Clark. "May development na sa recovery niya pero kailangan pa ring i-observe."

Positive naman ang sinasabi sa amin ng doktor, pero hindi namin maramdaman kasi hindi pa rin nagtatagal na gising si Clark. Pagkatapos ng maikling checkup at paglalagay ng gamot sa dextrose, umalis na rin ang doktor at mga nurse na kasama niya.

Lumapit pa si Ky sa hospital bed para lang tingnan nang mabuti si Clark.

Ang daming sugat ni Clark sa braso. Sa mukha, may face mask siyang suot bago ang aksidente kaya nakatulong 'yon para mabawasan ang sugat sa mukha niya. Maliban sa ilang hiwa ng bubog, may pasa lang siya sa kanang pisngi. Nakabenda ang ulo niya dahil tinahi. May buhok pa rin naman siya at hindi kinalbo nang buo, pero binawasan ang haba para matahi nang maayos.

"Nining Kwerk!" tili ni Luan, inaabot si Clark mula sa braso ni Kyline na karga siya. Saglit na ibinaba ni Ky sa kama ang bata pero hawak niya ang damit para hindi makagapang palapit sa bandang ulo ni Clark. "Nining Kwerk, wake up!" Pinalo-palo niya ang ninong niya kaya mabilis siyang inawat ni Ky.

"Luan, huwag papaluin si ninong."

"Ninong Kwerk, wake up na! Pe-pway tayo bang bang!" Luan pointed Clark's face. "Mimy, pe-pway kami bang bang ni Nining Kwerk!"

AGS 4: The Best Man's WeddingWhere stories live. Discover now