"Hindi!" Inis na sabi ni Ashton. "Na gwapo ako!"

"Nung kayo 'yon," umiling si Sebastian. "E, ngayon? Hindi na kayo kaya pangit kana."

"Huwag kang naniniwala sa cheater." Tumawa si Dwayne.

"Edi hindi kami dapat maniwala sayo?" Sabay-sabay na tanong nila.

Nanlaki ang mga mata ni Dwayne. "Gago! Hindi naman ako cheater ah?"

"Sabi mo, e."

"Ilang days ka niyang niloloko?" Tanong ko naman.

"Ay hindi days 'yan," singit ni Kiel at tumawa.

"Years 'yan. Years," singit din ni Zyrus. "Tanga kasi 'yan, e."

Ashton raised his middle finger.

"Simula nung naging kami," napakamot siya sa ulo. "Nung nililigawan ko siya, nililigawan din pala siya non."

"At hindi man lang sinasabi sayo?"

Malungkot siyang tumango. "Tapos nung sinagot niya ako, sinagot na rin niya yung isa."

Ay iba.

"Ilang days, weeks, months, at years kayo ni Assunta?" Tanong ko ulit.

"2 years."

"Kailan mo nalaman na niloloko ka?"

Hindi siya sumagot at sandaling nag-isip bago pumitik ang daliri niya sa hangin.

"Nung 2nd Anniversary namin," napabuntong hininga siya. "2nd Anniversary din nila at kaya hindi siya pumapayag na sa umaga kaming mag-celebrate kasi sa umaga sila magc-celebrate nung isa."

"Pang gabi ako," nagsalubong ang kilay niya. "Pang umaga yung isa, pang gabi ako."

"Tangina," natawa si James. "Naka schedule amputa."

Inirapan siya ni Ashton.

"Hindi ka maka-move on?"

"Hindi ah," umiling siya. "Naka-move on na ako kaso sa cheating niya ako hindi maka-move on."

"Akalain mo 'yon? Nasa tamang tao na siya tapos niloko pa niya yung gwapong nilalang na katulad ko," ngumuso siya. "Putangina. Wala siyang taste."

"Tanga, ikaw ang walang taste," sabi naman ni Jacob.

"Putangina mo," mura ni Ashton. "Paano ba kasing mag move on? Gusto kong mag move on dahil baka bumalik yung nararamdaman ko para sa kaniya."

"Suntukin kita kapag bumalik," banta naman ni Sebastian habang nanlalaki ang mga mata.

"Hindi naman kasi talaga kayo bagay ni Assunta, niligawan mo pa," napailing si Kio.

"Oo nga. Tingnan mo tuloy, niloko ka." Zyrus yawned.

"Hindi ka kasi nakikinig sa hula ko dati na lolokohin ka non at ipagpapalit ka sa malapit." Nangalumbaba si Kiel. "Hindi ka rin naniwala kay Yvo na nakita niya si Assunta na nakikipag-halikan kay bbf niya."

Battle of the Past (Seule Fille Series #1) Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora