..........

MAURICE POV

Matapos namin kausapin si Danielle ay nag hiwa hiwalay na kami.

Actually nagulat ako na may nangyari sakanila at hindi lang iyon ang ikinababahala ko. Natatakot ako para kay Danielle, hindi lang ako nag sasalita.

Hindi ko alam kung ano dahilan ni Maze kung bakit ngayon sya nag pakita kay Danielle matapos ang dalawang taon na pag iwan nito dito.

At kung may balak syang saktan at iwan uli ang kaibigan ko ay iyon ay hindi ko papalampasin. Sisiguraduhin ko hindi na nya malalapitan si Danielle pag ginawa nya ulit yon.

Nag dadrive ako ngayon papunta sa condo ni Maze.

Oo tama kayo. Alam ko ang condo ni Maze dahil nakita ko sya minsan dito dahil malapit dito ang bahay ng pinsan ko. Kaya pag dinadalaw ko ang pinsan ko ay nakikita ko itong umuuwi dito.

Nang makarating ako sa condo ni Maze ay agad akong nag doorbell

Agad naman nyang ibinukas ang pinto at nagulat sa presensya ko.

"Yes? What do you need? Are you with Danielle?" Tanong nya.

"Let's talk Maze. And if you're looking for Danielle, hindi ko sya kasama at may pinuntahan."

Pumasok kami at umupo ako sa kabyang sofa. Ganon din ang kanyang ginawa.

"Ayaw ko ng mag paligoy ligoy pa. Ano kailangan mo sa kaibigan ko? Bakit ka bumalik? Sa loob ng dalawang taon Maze, bakit ngayon lang? "Prangkang tanong ko sakanya

Nagulat sya sa sinabi ko at nakita ko ang lungkot sa mata nya.

Lungkot ba yon oh nag papanggap lang sya?

" Mahal ko si Danielle and I'll do everything para maging akin sya"sabi ni Maze.

" Ah talaga ba Maze? Lakas mong sabihing mahal mo matapos mong pag mukaing tanga yung tao. Hindi mo alam kung gano nag hirap si Danielle nung nawala ka. Hindi mo alam kung pano sya umiyak tuwing gigising at bago matulog dahil hinahanap ka. Hindi mo alam kung pano sya nag pa balik balik sa ospital dah-"natigilan ako sa sinabi dahil naisip ko na diko pala dapat sabihin yon.

" Hindi mo alam pinag daanan nya Maze. Nung nangulila si Danielle sayo sobrang nalungkot kami lahat dahil halos patayin na nya sarili nya. Hindi mo yon alam dahil ni isang chat nya sayo wala kang sinagot. Lahat na ng social media nagamit nya pero dimo sinagot. Ano? Bakit? Anong dahilan mo? " Sagot ko sakanya

Nakita kong tumulo ang mga luha nya dahil siguro sa nalaman nya. Pero wala pa yung mga sinabi ko sa mga naranasam ni Danielle nung wala sya ayokong sabihin yon dahil wala naman ako sa posisyon.

"Masaya si Danielle sayo oo nakikita ko yon. Pero isang beses na saktan mo uli ang kaibigan namin hindi hindi mo na malalapitan si Danielle." Mabilis na sabi ko sakanya at nilisan ang condo nya.

Sana lang talaga ay pahalagahan na nya si Danielle.

..............

Talking Bout My GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon