Chapter 3

2 0 0
                                    

Nandito na kami ngayon sa national bookstore, kakatapos lang namin kumain at buti nalang wala nang sinasabi 'tong Hiro na kung ano-ano kay Night. Kanina kasi habang kumakain nagkukwentuhan 'yung dalawa, hindi ko tuloy alam kung matutuwa ba ako kasi nilibre ako o hindi kase ginawa nila akong third wheel.

Buti nalang natapos agad kami kumain, para kahit papa'no mahiwalay ako onti sa kanila. Sila Night nasa mga libro sila dahil nga naman mukhang mahilig sa libro 'yung gagong boyfriend n'ya, ako naman nadidito sa mga highlighters kasi mahilig ako dito. Dito ko naman lagi inuubos pera ko mula dati pa, naalala ko nga pinagalitan pa ako ng mama ko kasi naubos baon ko sa highlighters tapos naglakad lang ako pauwi.

Kinuha ko 'yung isang set na highlighters para 'di na 'ko papili pili ng kulay, nagtungo naman ako sa mga ballpen at kumuha ng tatlo na kulay blue, green, at red. Pagkatapos, pumunta ako sa mga notebook. Kumuha ako ng sampung notebook, sosobrahan ko na baka kasi kulangin 'tsaka para may pang sketch ako. S'yempre hindi naman mawawala sketchbook pang drawing, para kapag naboring ako may magagawa ako.

Muntik ko na makalimutan, kailangan ko pala ng sticky notes. Nagtungo ako kung saan nakapwesto mga sticky note 'tsaka namili ako ng style, ay eto! Moon, crescent moon. Dali-dali kong kinuha 'yung sticky note na 'yon kaso sa kasamaang palad naunahan ako ng isang kamay. Nilingon ko 'yung nakakuha para sana magmakaawa na ibigay nalang sa'kin, 'yun nga lang isang bading pala ang nakahablt.

"Nauna ako" seryosong sambit nito. Hinayaan ko nalang dahil baka pag sinagot ko pa, lalo lang kaming magtatalo.

Marunong naman ako mag-adjust eh

Naghanap pa 'ko ng kagaya no'n pero wala na 'ko makita, iisa nalang pala 'yung crescent moon na 'yon. Kinuha ko nalang 'yung yellow na sticky notes na hugis bilog, kahit ito nalang mukha naman s'yang moon hindi nga lang crescent.

Nakakainis kasi, akala ko pa naman komportable ako sa bading na 'yon. Akala ko magugustuhan ko ugali n'ya, hindi pala. Parang gusto ko nalang lumipat ng ibang dorm, kung pwede lang.

Nakuha ko na mga kailangan ko kaya pipila na 'ko para bayaran, madami ako kinuhang gamit kaya medyo mabigat pero ayos lang. Papila na sana ako nang may naunang matangkad na lalaki, lalo naman akong nabadtrip nang malaman kong s'ya na naman.

Bwisit talaga 'to, naiinis na 'ko.


"Ikaw pala, akin na 'yan isabay nalang na'min" Sabi ni Night 'tsaka hinablot 'yung basket na bitbit ko, tatanggi sana ako kasi baka kung ano na naman masabi ni Hiro kaso inagaw na sa'kin 'yung basket. Wala akong magagawa kaya hinayaan ko nalang, kinuha ko nalang wallet ko sa bag para ibigay 'yung pang bayad.


"Mamaya mo na ibigay 'yan, maghintay ka nalang. Tingin-tingin ka muna dito sa loob, kami na bahala dito. Para makapag-enjoy ka naman" sabi ni night kaya naman inilagay ko nalang ulit 'yung wallet ko sa bag. Napaka-bait pala nito, buti pa nga talaga 'to.


Gaya nga ng sabi ni Night, nagtingin-tingin muna 'ko dito sa loob ng national bookstore. Gusto ko nga sana sa iba kaso nakakatakot baka maligaw ako, sila pa mamomroblema sa'kin. Nandito ako ngayon sa may tapat ng mga acrylic, bibili din sana ako nito kaso baka mawalan na'ko ng pang gastos sa sarili ko kaya siguro next time nalang.

Napaka hilig ko talaga magdrawing, lalo na painting. Mana kasi ako kay papa, nung bata pa 'ko s'ya nagtuturo sa'kin magpainting. Naalala ko pa, una n'ya munang bibilhin 'yung watercolor bago 'yung makakain n'ya. Gano'n ako kamahal ng papa ko, kahit sobrang tigas ng ulo ko never n'ya 'ko sinaktan. Kahit si mama, hindi nila ako sinasaktan. Binibigay nila gusto ko, only child kasi ako eh. Gusto ko nga sana magkaroon ng kapatid, kaso wala na si papa.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 15, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Crescent Moon Where stories live. Discover now