SYNOPSIS

95 10 0
                                    


-Ang Misteryo ng Dormitoryo-
All rights reserved
written by Nichjqt

May isang babae na nag hahanap ng dormitoryo na malapit na kanilang eskwelahan. Nang siya ay maka hanap doon na nga siya na malagi. Ngunit sa kaniyang pagtira doon ay hindi niya alam na mayroon doong kaluluwang hindi matahimik. Nag papa ramdam sa kaniya ang kaluluwa upang mang hingi ng tulong ngunit natatakot siya. Ngunit nang may ma tuklasan siya sa journal na kaniyang nakita ay naging interesado siyang malaman ang buong pangyayari. Nag imbestiga siya kasama ang kaniyang kaibigan. Nag siyasat sila upang malaman kung ano ang totoong nangyari doon sa babaeng nag paparamdam sa dormitoryo na iyon. Ngunit may proseso pa ang lahat hindi niya basta basta matuklasan.
Gumawa din sila ng plano ng kaibigan niya na makipag mabutihan siya doon sa isang lalake na maaring may alam sa mga pangyayari. Kaya naman gumawa siya ng paraan para makipag kaibigan doon sa lalaki.
May nakilala rin siya na isang babae na maaring maka tulong sa kanila na ma resolba ang problema nila. Ang babae na ito ay may third eye at nakaka kita ng mga kaluluwa. Kaya naman nanghingi siya ng tulong doon sa babae upang mas mapadali ang pag iimbestiga nila. Ang kaluluwang nag paparamdam ay naging masama nang dahil sa hinangad ulit nitong mabuhay upang makasama niya ang lalakeng naiwan niya.
At ang kaluluwa na naninirahan sa dormitoryo ay nagalit at sinubukan nito pumasok sa katawan ni Ryel upang angkinin ang katawan nito at ng siya ay mabuhay nang muli. Gumawa sila ng paraan upang palayasin at patahimikin ang kaluluwang nag paparamdam sa dormitoryo. May malalaman sila na isang sikreto na matagal na hindi na bunyag. At nang ma bunyag nga ang sikretong iyon ay marami ang nagulat, nagtaka at nasaktan. Ngunit tinagggap na din nila ang lahat dahil ito ay nakaraan na.

Misteryo ng Dormitoryo حيث تعيش القصص. اكتشف الآن