Journey 3 ♡

9.9K 206 8
                                    

Journey 3 ♡

Hindi mapakali si Euphemia habang nasa tapat ng gate ng mansion ng mga Santos. Para syang natataeng ewan dahil pinagpapawisan sya ng malapot. Parang gusto na nyang umuwe.

Pero hindi eh. Andito na sya. Nakapagpasya na sya. Gagawin na nya ang matagal na dapat nyang ginawa.

Nagpunta sya dito sa Mansion ng mga Santos upang ipaalam ang tungkol kay Cloud. Tama ang ina nya. Karapatan nilang malaman ang tungkol sa bata. Apo nila ito.

Nag-iisang apo dahil solong anak lamang si Lelouch.

Hindi nya kasama si Cloud dahil tulog na tulog ang kanyang anak pagkatapos makipaglaro sa mga magulang nya. Napagod siguro. Ayaw na nyang gisingin pa ang bata at hinayaan na lang nya. Sa susunod na lang nya ipapakilala sa personal si Cloud sa mga biyenan nya.

Humugot sya ng malalim na paghinga bago nya pinindot ang door bell.

Agad na pinagbuksan sya ng guard ng makilala sya. Pinatuloy sya nito at iginaya papunta sa Mansion.

"Sige Ho Ma'am. Pasok na lang po kayo."
Sabe sa kanya nung guard.

Matipid nya itong ningitian at pinasalamatan na din.
Bumuntong hininga muna sya ulit bago pumasok sa loob ng kabahayan.

"Good afternoon po."
Magalang nyang bate nang sya'y pumasok. Napatingin sa kanya ang mag-asawa na nakaupo sa mahabang sofa habang ang mga ito'y nagkkwentuhan sa salas.

Napatayo ang ina ni Lelouch ng makita sya.

"Oh My! Euphemia is that you?"
Natutop ng ginang ang bibig sa pagkakakita sa kanya. Alanganin naman syang tumango.

Napatakbo naman ang ginang palapit sa kanya.

"Oh my God Hija! It's been 5 years since the last time i saw you. God! I missed you hija. "
Hinaplos haplos ng ginang ang kanyang buhok at niyakap sya.

Napayakap na din sya dito.

Napadako naman ang tingin nya sa biyenang lalaki. Matiim lamang sya nitong tinititigan.
Alam nyang galit ito sa kanya.

Hindi nya ito masisisi.

Humiwalay ang ginang sa kanya.

"What brought you here hija?"
Magiliw nitong tanong sa kanya. Sasagot na sana sya ng putulin sya ng Biyenang lalaki.

"Andito ka ba para sa anak ko? Sorry, Ms. Wala dito si Lelouch. Nasa Amerika pa sya at masaya na doon kaya tumigil ka na. Wag mo na ulit syang guluhin pa."
Malamig nitong sambit. Nanikip naman ang kanyang diddib at napayuko na lamang. Masakit para sa kanya ang malamang galit na galit ang ama ni Lelouch sa kanya pero mas masakit na malamang masaya na ang lalaki sa ibang bansa.

Para tuloy nagdadalawang isip na sya kung gagawin pa nya ang dahilan ng pagpunta nya dito. Masaya na ang lalaki? Guguluhin pa ba nya?
Pero paano naman ang anak nya?

"Custodio! Tumigil ka dyan hu?"
Saway ng ginang sa asawa nito. Narinig nya ang mahinang 'tss' nito kaya lalo syang napayuko.
Hinawakan naman ng ginang ang kanyang kamay.

"Hija pagpasensyahan mo na tong lalaking to. Sige na. Ano ba ang dahilan mo kaya pumunta ka rito?"
Nag-angat sya ng tingin at nakita nyang nakangiting nakatingin sa kanya ang biyenang babae. Pero ang asawa nito'y kulang na lang patayin sya sa klase ng pagkakatitig nito sa kanya.

"G-gusto ko lang pong sabihin sa inyo ang tungkol sa.."
Putol nya sa sasabihin nya.

Parang may bumara sa kanyang lalamunan at ayaw na nyang ipagpatuloy pa ang sasabihin.

TFM 2: A Journey to a Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon