Chapter 37: Valentine

Start from the beginning
                                    

I wire-transferred an amount worth of 3 million pesos accumulated sa cousin ni Ivo na need daw ng pang-ospital.

And the rest went to my insurance plan, deduction sa salaries, tax, and utility bills sa penthouse.

Can I cry right now?

Can I have a fucking refund?

Since last year, wala akong work! Wala akong source of income kaya walang pumapasok na pera sa account ko!

Oh my gosh, I'm fucking broke.

"Ma'am Sab, okay lang kayo?"

I fake wiped my fake tears and fanned my face. "I'm poor. OMG. It's breaking my heart. I'm freaking poor!"

Isinara ko ang laptop saka ko inilayo sa akin. Dinampot ko ang sandwich at kumagat doon habang kunwaring naiiyak.

"I have no money. I . . ." I wept so loud and faked a cry. "Wala akong pera!"

"Okay lang 'yan, ma'am. Dama kita." Ate Becca tapped my back to calm me down.

Why did Mum let me spent all of my hard-earned money para lang sa gagong Ivo na 'yon! My gosh, yung stress ko! Wala na 'kong pera!

"Ate Becca, next time, kapag may ipinakilala akong lalaki rito. Please . . . please, don't forget to remind me na huwag akong gagastos."

"Ma'am, di ba, araw-araw ka namang sinasabihan ni Madame noong jowa mo pa si Sir Ivo?"

Kusa nang tumalim ang tingin ko sa kanya dahil doon. "Ate Becca, kapag si Mum ang nagsasabi, hindi ako madaling naniniwala because she's a kontrabida from the roots. Kapag ikaw, at least, I might consider."

"Kailan kayo magkakajowa, ma'am?"

Lalo tuloy akong sumimangot dahil sa tanong na 'yon. Wala ngang nanliligaw, e.

"Oo nga pala, ma'am, baka hindi nasabi ni Beth. Hanggang 3 p.m. lang daw kami rito ngayong araw."

"Kayo lang ni Yaya Beth?"

"Lahat po kaming maids saka helpers."

"Why?"

"Para daw ho makapag-celebrate kami ng Valentine's Day, sabi ni Madame."

"Ah, so kayo lang," sarcastic na sagot ko. "Tapos maiiwan ako rito."

"Alam ho kasi ni Madame, may date ho kayo taon-taon, e."

"Sige na, Ate Becca," madrama kong sagot saka umilag sa kanya habang kunwaring nagpupunas ng luha. "Sanay na 'kong mag-isa. I can live alone."

"Balik na lang kami bukas ng madaling-araw, ma'am."

"No, it's okay," mangiyak-ngiyak na sinabi ko. "Wala akong boyfriend, so I have to face the consequences of being single."

Grabe talaga. Wala na nga akong ka-date, lalayasan pa ako ng mga maid dito sa mansiyon.

I finished my breakfast and took a warm bath. Kahit pang-spa, wala rin ako. Ayokong gastusin ang natitirang maintaining balance sa bank accounts ko kasi baka lalo akong mawalan ng pera.

12k? 9k? 8k? Pang-isang meal ko lang 'yon, a!

Hindi ko matanggap na naubusan ako ng pera sa walang katuturang bagay.

Wala na nga akong work, wala pa akong pera, wala pa akong boyfriend. Ano na lang ang mangyayari sa buhay ko?

Nakahiga lang ako sa kama habang nagwi-window shopping online kahit wala naman akong pambili nang may kumatok sa pintuan ng kuwarto ko.

Akala ko si Ate Becca pero tinitigan ko lang si Clark na nandoon at kasasandal lang sa hamba ng pinto.

I was about to ask him what was he doing here, but my eyes instantly shifted at the club sandwich he was holding. He even wore a sleeveless black shirt and shorts. Naka-slides nga lang din siya at hindi pa nasusuklayan ang medyo nag-grow nang buhok na lampas sa tainga at batok ang haba.

AGS 4: The Best Man's WeddingWhere stories live. Discover now