Chapter 27 Dito Ka Lang

Magsimula sa umpisa
                                    

Inaabutan niya ako ng sigarilyo pero napailing-iling ako bilang pagtanggi. 'Yan 'yong bisyo na kahit kailan ayokong subukan.Nagsindi siya sabay hithit nito. Napapapaypay ako dahil sa usok nito.

"Di ba taga-dito ka?" Tanong niya kapagkuwan.

"Oo, dito ako lumaki." Tipid kong sagot.

"Ba't kayo umalis dito?" Tanong niya sabay buga ng usok.

"It's a long story." Sagot ko sabay napatingin sa malayo.

Hindi na siya nag-usisa pa ulit. Kapagkuwan ay may naisip akong itanong sa kanya.

"Kapag may gusto ka sa isang tao, paano mo kinukuha ang loob nila?" Naisip kong tanong.

Napangisi siya. He knows my sexuality. I didn't hide it from anyone. May mga nagpaparamdam na lalake noon pero tinu-turn down ko agad.

"Ligawan mo." Sagot niya. "You're a girl, you should know that."

I rolled my eyes. "Syempre iba 'yong point of view ninyong mga lalake."

Itinapon niya sa lupa ang upos ng sigarilyo. Ang bilis naman niyang hinithit iyon. "Kung gusto mong makuha agad ang loob niya, unahin mong ligawan ang parents niya." Payo niya.

"Paano kung kilala mo naman 'yong parents niya?" Usisa ko pa.

"E di mas maganda!" Maagap niyang sagot. "Mas madali!"

Kaya? Sabi ko sa isip ko.

Panay ang tingin ko sa suot na relo ng maghahapon na. Tinatanong pa ni Arc. Belmudes kung mag-oovertime ako, sabi ko saka na lang dahil may importante akong lalakarin. Babawi na lang ako sa susunod kako.

Kaya naman pagsapit ng alas singko ng hapon ay agad na akong umalis. Bumili ako ng isa pang helmet tsaka riding gears para may maipagamit sa kasama ko. Saktong papasok ang motor na kinasasakyan ko sa nakabukas na gate nila ninang Susan ay papalabas naman ng pinto si Erich, may dala itong papel. Naalala ko tuloy 'yong title ng susunod niyang libro.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya nang makita ako.

Maang akong bumaba ng motor at nagtanggal ng helmet. "Di ba ang sabi ko sayo kagabi susunduin kita dito ng hapon?" Napansin ko ang suot niya. Maikling maong shorts tiyaka sandong puti. "Ba't hindi ka pa nakabihis?"

Napakunot-noo siya. "Wala akong maalalang pumayag ako."

Makahulugan ko siyang tinitigan. "Kung hindi ka pa magbibihis ngayon gagabihin tayo." Napataas ang kilay niya. Magsasalita sana siya ngunit naagapan ko. "Sige na, huwag ka ng magpa-cute diyan." Hinawakan ko siya sa balikat at pinihit paharap sa kanilang pinto. "Mamaya mo na ituloy 'yang Virgin at Thirty na 'yan!" May kalakip na panunuksong dagdag ko habang tulak-tulak siya.

Inihampas niya sa akin 'yong hawak niyang papel sabay irap. Natatawang umilag lang ako. Pumasok na siya sa loob pagkatapos. Napansin kong nakaupo si ninang Susan sa kanilang sala at abalang nagbabasa. Hindi ko alam kung ano 'yong binabasa niya.

"Magandang hapon po, ninang." Lumapit ako sa kanya para magmano.

Ibinaba niya ang suot na eyeglasses tsaka tinitigan ako. Nasabi niya kagabi na hindi na gaanong nakakakita ang mga mata niya. Epekto raw iyon ng mataas na sugar level niya sa katawan.

"May lakad kayo ni Lino?" Tanong niya tsaka muling ipinagpatuloy ang binabasa.

"H-hindi po si Lino ang kasama ko ninang." Sagot ko. "Si Erich po."

Muli siyang nag-angat ng tingin sa akin. Makahulugan siyang napatitig sa akin. Napapangiwi ako sa loob-loob ko.

"Uhm, may pupuntahan lang ho kami sandali." Sabi ko. "Iuuwi ko din ho siya mamaya."

ABKD Mahal KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon