CHAPTER 51: THE TWINS AL AND AJ

Start from the beginning
                                    

"AJ..." AL warns.

"Aba't 'tong batang 'to! Baka gusto mong pasukin ko ng baril 'yang bunganga mo at ng matigil ka na diyan!" sigaw ni butete.

"That face of yours is a crazy psycho, you are more than a kid to me!" balik sigaw niya.

"AJ, stop." pigil ulit sa kanya ni AL.

"Talagang ginagalit mo ako, ah!" sabi ulit ni butete akmang lalapit ito nang pigilan ito ng kasama nito.

"Tigilan mo 'yan Jobert, bakit ka ba maasar sa isang bata lang! Napakababaw mo naman." sabi ng mahaba ang buhok.

"Tara na sa taas magmanman muna tayo iwan na muna natin ang mga 'yan." sabi ng mas bata sa kanila at ang tatlo umalis.

"Nasaan tayo?" tanong ni iyakin nang magising ito at inikot nito ang paligid at bigla itong umiyak.

Sinasabi na nga ba niya talagang iiyak 'to! Sino ba naman ang hindi mandidiri sa isang lumang yate na hindi pa yata nililinis ang loob niyon at marami ang kalat. Kahit mapusyaw na liwanag mula sa bombilya lang ang nagsisilbing ilaw nila sa loob kapansin-pansin ang dumi sa loob niyon.

Nakakadiri!

Sa buong buhay ni AJ, ni minsan hindi pa nadumihan ang mga paa nito.

"Shh...tahan na makakaalis din tayo dito." as usual inalo na naman ni AL si iyakin.

Nagningkit ang mga mata niya sa ginawa nito.

"Si Kitty AL, nawawala siya." muling iyak nito nang hindi nito makita ang pusa nito.

"Will you stop crying! It won't help you!" inis na bulyaw niya dito.

"AJ, don't yell at her." sabi ni AL at muling nagningkit ang mga mata ni AJ sa sinabi ng kapatid.

"Tsk!"

"Nagugutom na ako," sabi ulit ni iyakin ng mahimasmasan ito.

"Meron akong gummy sa bulsa ko pero hindi ko alam kung paano ko siya makukuha." sabi ni AL.

Tinignan niya ang mga ito na dikit na dikit na ang katawan ni cry baby sa kanyang kapatid.

"Hey, lemon print panty! Are you really afraid? I think you’re just flirting with my brother!" muling bulyaw ni AJ.

"AJ, ano ba ang sinasabi mo? She’s young you know? How could you say that to a little girl?" sabi ni AL.

Salubong ang kilay na hindi siya umimik.

Kung anong kapareho ng mukha ng dalawa pero hindi ang ugali kumbaga si AL ay mabait pero ang isa naman hindi.

The Cruel Billionaire's Marriage Contract(COMPLETED)Where stories live. Discover now