Suminghap ako at napakurap-kurap nang maramdaman ang pagdaloy nang luha sa aking pisngi.

Akala ko madali lang lahat pero dahil sa sinabi niya doon kong napagtantong mahirap pala. Ilang beses na akong natusok nang patalim pero siya nandyan nanatiling nakatayo sa harapan ko't niyayakap ako nang mga pangako niya.

Sa sobrang ganda nang sinabi niya'y hindi ko man lang magawang buksan ang aking bibig para bumigkas ng salitang gusto ko rin marinig niya. Kaya wala akong nagawa kundi mas yakapin pa siya, doon ko lang kayang iparamdam na mahal ko din siya.

Pagkatapos kong magpaalam kay Manang ay lumabas na ako't pinagpatuloy ang pagvlo'vlog. Mahirap mag-isa kapag nagvlo'vlog pero masasanay ka rin naman kung matagal mo na itong ginagawa.

Sumakay na ako sa kotse bago ko ito pinaandar ay inayos ko muna ang camera ko sa harapan kung saan nakikita ako at binuksan ang video nun para makapagrecord na ako. Nang masiguro kong ayos na ay pinaandar ko na rin ang aking sasakyan. Napangiti ako nang makita ang aking mga dadalhin na pagkain na hinanda na ni Manang kanina pa.

Binuksan ko ang speaker nang sasakyan at nagpatugtog nang musika. Pakanta-kanta pa ako habang nagda'drive, minsan rin bumubuka ang aking bibig kapag may naisip na sasabihin sa aking vlog.

Ilang minuto lang akong nag drive bago ko narating ang tambayan namin ni Phoenix. Saktong paghinto ko ng aking sasakyan ay ang paptawag naman ni Phoenix sa akin.

Tiningnan ko ang aking camera at pinakita doon ang pangalan at larawan ni Phoenix na lumitaw.

"Tumatawag na siya guys!" patili kong sabi, excited sa nangyayari at mangyayari pa lamang.

Umayos muna ako ng upo at umubo.

"Hon!"

"Ahhh, Bev?"

Nawala ang aking ngiti nang imbis si Phoenix ang marinig sa kabilang linya'y ibang tao.

"Who's this?"

"Ah, ate, this is Lorde... Gusto ko lang po sabihin sayo na hindi daw po makakarating si Kuya Phoenix sa date niyo ngayon." aniya.

Napatingin ako sa camera at dali-dali itong pinatay.

Napakagat ako sa aking labi, "Bakit daw?" tanong ko.

"May meeting po kasi sila nila Kuya Alphonse at Kuya Uno. Hindi daw po siya makakarating sa usapan niyo, sorry po. Ipapadala nalang daw po ni Kuya 'yung gift niya sayo."

"Hindi... Okay lang! Actually, tinatamad rin kasi akong lumabas kaya hanggang ngayon nakahiga pa rin ako sa kama. It's okay. Pakisabi sa kuya mo na no worries, pwede pa rin naman namin ituloy bukas o sa susunod na araw. Sige ha, bye!"

Pinatay ko ang tawag at tulalang napatigin sa bangin na nasa harapan ko ngayon. Maganda ang araw pero para sa akin, hindi. Naiitindihan ko naman na marami siyang ginagawa at mas important ang kaniyang trabaho pero masakit palang umasa kang matutuloy ang plano niyo pero hindi pala. Drawing lang lahat.

Kinuha ko ang camera at nilapit iyon sa aking mukha. "Ah,, paano ba to..."

Nabasag ang aking boses kaya umubo ako at mas pinalawak pa ang ngiti para matago ang pait doon.

"Sa kasamaang palad, hindi matutuloy ang date namin at surprise ko sana for Phoenix. He have a meeting with his friends and partners so that hindi talaga matutuloy ito. Tatambay nalang muna siguro ako dito tapos kakainin ko rin 'yung mga dala ko kasi masasayang lang ito kung mapapanis."

Before getting out of the car, I cut the video. Nang makalabas ay humugot muna ako ng preskong hangin at ipinikit ang aking mga mata. Huli na bago ko napagtantong umiiyak na ako. Gusto kong mag-inarte, Gusto kong magalit sa kaniya dahil wala siya ngayong araw na ito kung saan pinakaimportante pa talaga sa amin pero wala akong karapatan dahil tulad nga nang sinabi ko, mas importante iyon.

UNSPOKEN PROMISES (ON-GOING)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant