P14

9 1 0
                                    

#SWP14

He has a girlfriend and I'm just her best friend.

I always thought that someday he will fall for me. The way he cared for me, akala ko may nararamdaman din siya sa akin. Naniniwala ako sa nararamdaman ko kasi akala ko parehas din kami ng nararamdaman. 

Naalala ko pa kung paano niya ako sinagip sa dilim nung bata pa ako; Siya yung nagbigay ng pag-asa sa akin na bumangon at lumaban, Siya yung nagsilbing liwanag sa madilim kong pananaw, siya yung liwanag na sinusundan ko sa gitna ng dilim.

Sabi niya, ako lang yung una at huli niyang mamahalin pero bakit...bakit may iniibig na siyang iba? Kailan pa iyon? 

Binuhos ko ang lahat ng luha ko buong gabi. Ni hindi ko man lang namalayan ang pagsikat ng araw para sa panibagong araw. Kahit ayokong bumangon ay pinilit ko pa rin ang sarili kong maglinis ng sarili at ayusan ang sarili para magmukhang pormal. Magsisimba kami ngayon ni Papa. 

Ito lang yung araw na gustong-gusto kong ulit-ulitin. Dito ko lang kasi nararamdamang kasama ko si papa. Ayaw niya kasing nadudumihan ang pangalan niya sa mga tao dahil baka magalit ang mga ito sa kaniya kaya nagpapanggap siyang mabait at mapagmahal na ama sa akin. 

"I know Villanueva's so proud of you, such a good son." Nahihimigan ko ang pagkagalak sa boses ng aking ama habang binabanggit iyon.

"Thank you, Tito." 

Kumunot ang aking noo ng marinig ang pamilyar na tinig na iyon. Kaya nung pagbaba ko palang ay naglakihan na ang aking mga mata ng makita kung sino ang kausap ni Daddy. 

"Anton?" I whispered.

Bulong lang iyon pero narinig pa rin nila't sabay pang napatingin sa dereksyon ko. 

"O sakto't narito na si Beverly. Come here, sweetheart." Lumapit ako kay Daddy. Parehas silang tumayo. Nilapitan naman ako ni daddy at masuyong niyakap na ikinapikit ko. "I miss you. Patawad kung hindi kita nakakamusta lately, busy lang si Daddy mo."

Ganito lang naman siya kapag mayroong bisita sa bahay, pero kapag wala'y hindi naman ako pinapansin. Etsapwera lang naman ako kapag walang nakatingin na iba.

"Beverly, I didn't know that you are friends with Antonio. Mabuti siyang anak at alam kong magci-click pa kayong dalawa." Napakunot ang aking noo sa biglang sinabi ni Daddy. Nakita ko rin kung paanong matigilan doon si Anton sa narinig .

"Dad, what are you talking about? We are just friends." Kalmado kong sabi. Ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi. It can't be.

"Oh, it's okay. Ngayon lang naman iyan, nagplaplano na rin kaming ipakasal kayong dalawa kapag nakapagtapos na kayo." 

Suminghap ako sa narinig. "Daddy!" I shouted. 

How dare him!? Paanong nagdedesisyon sila para sa kinabukasan naming dalawa. Ayokong ikasal nang dahil sa business lang o gusto lang ng aming pamilya. Ang gusto ko ikakasal ako sa lalaki dahil sa mahal ko siya at mahal niya rin ako! 

Sa sobrang inis ko'y hindi ko na hinayaan na magtagal pa kami sa mansyon. Nagpaalam na agad ako kay daddy at hinila na si Anton palabas ng bahay na hindi pa tapos magpaalam sa aking ama.

"Anton, I'm sorry..." ani ko mang nasa sasakyan na niya kami. 

Hindi sasabay si Daddy sa amin sa simbahan. Kami nalang muna at susunod nalang siya. 

"It's okay," hininto niya ang sasakyan nang nasa harapan na kami ng simbahan at hinarap ako. "Hinding-hindi kita papakasalan nang dahil man sa business o dahil man sa gusto natin dalawa. You're just a sister for me, Bebs. . . I'm sorry." 

UNSPOKEN PROMISES (ON-GOING)Where stories live. Discover now