"Haha.. napaka oblivious mo talaga sa mga nangyayari..nakalimutan mo na ba yung nangyari last year? Yung nahuli at ipinosas ka nila?"
Hmm.. last year? Aahh.. yun ba? Yung sa jail booth?
"Jail booth yun diba?" Tanong ko..
"Oo.. jail booth nga..di ka naisali sa bidding last year kasi ako nag pyansa sayo! Ang mahal mahal mo kaya! Gumastos pa ako sayo ng mahigit isang libo! Nakuu.."
Natawa na lang ako sa pag aalala ng mga nangyari last year... kumukuha ako ng mga shots noon para sa school fair nang—
"Huli ka!"Sabi nang dalawang lalaking humawak sa magkabilang braso ko..
"Ano—"
di ko natapos ang sasabihin ko nung bigla na lang nila ako pinosasan at linagyan ng blindfold ang mga mata ko..
Di ko maiwasang matakot at mangamba.. nagsisisigaw ako..naglikot..pero anla padin.. ang lalakas nila..
"Tulong!!! Waaah!! Kinikidnap ako!! Waah huhu!!" Sigaw ko..
Narinig ko namang nagtatawanan ang mga nakapaligid samin habang hinihila nila ako...
Pagkatapos ng hilahan ay tinanggal nila ng blindfold ko at kinulong ako sa isang kwarto well.. not bad.. ang ganda ng kwarto. Di naman siya kalakihan pero meron siyang couch, TV at ref.. at may iba na ring mga naunang nakulong sakin..3 mga babae din ang nasa loob..Teka...kilala ko yung isa....
"Friences? Anong ginagawa mo dito??" Tanong ko sakanya..
Wala naman siyang isinagot.. mukhang busy ata sa pagbabasa ng libro..
Naupo na lang ako sa isa sa couch kasama nung dalawa pang babae na nanunuod ng TV..
Tumingin ako sa paligid ng kwarto..kulay puti ang pinta ng mga pader.. may maliit na bookshelf at may mga magazine sa lamesa sa gitna.. ngunit ang higit ma naka agaw ng pansin ko ay ang malaking salamin sa may pader..
Lumapit ako sa salamin at tiningnan iyon ng maigi.. hmm.. astig! Pero mas astig sana kung two way mirror to.. :3 anyways.. sinuklay ko ang buhok ko gamit ng mga daliri ko at ngumiti sa salamin... hihi cute ko talaga..
Nagulat na lang kaming nasa loob nang may malakas na nag beep sa kwarto.. bigla namang bumukas ang pinto at iniluwa noon si Euphy..
"Euphy!! Nahuli ka din? Halika!! Ang ganda dito nuh? Tra nood tayo ng TV" aya ko sakanya...
Hinila naman ako ni Euphy palabas ng kwarto at saka naman ako tiningnan ng matalim..
"Naku kung di kita nakita siguro naibenta ka na nila sa bidding!! Nakuu ikaw talaga!! Alam mo ba kung magkano ang ginastos ko sayo?! Ikaw magpapakain sakin mamaya!! Naku talaga Tasha!!!" Tuloy tuloy na sermon niya sakin..
Di ko naman naiintindihan kung saan siya nagagalit pero natawa nalabg ako sakanya.. para kasi siyang si mama.. sobra kung manermon.. hehe..
Sa di malamang dahilan... natawa na din lang si Euphy at natigil na ding manermon... nako.. gulpi ako sa gastos nito mamaya sa pagkain..
"Psst.. kanina ka pa tulala..!" Sabi naman sakin ni Euphy..
Napangiti nalang ako dahil sa mga naalala ko..
"Hmm.. anong oras daw ang start ng game?" Tanong sakin ni Euphy..
"alas tres daw.." sagot ko naman sakanya..
Tumingin naman siya sa phone niya at dali daling nanlaki ang mga mata niya at hinila ako..
Pinigil ko naman siya para itanong kung anong meron..
"Tasha 3:45 na!! Na miss na natin ang kalahati ng laro!!"
Sabi niya sakin habang patakbong hinihila niya ako..
Pagkapasok namin sa loob ng game agad naman akong nakita at linapitan ni Claire.. yung Head ng school publication namin..naku lagot ako nito..
"Late ka na Tasha!! Si Andrea na lang ang kinuha kong photographer sa first half since kanina ka pa wala! San ka ba nanggaling aah?!" Sigaw niya sakin sa kalagitnaan ng hiyawan ng mga tao sa loob..
"Sorry Claire na late lang kami.. di na mauulit.." sabi ko naman sakanya..
"Better be! Dahil ito na ang last event before graduation! Now go take some shots!" Sabi naman ni Claire.. dali dali akong nagpaalam kay Euphy at kinuha si Baby Matthew...
The scores were now set off to 56-43
Morrison High taking off with a 13 points lead down to St. Michael's Angelicus High School..
The crowd cheered really hard and loud as Morrison High's Star player held the ball and shot it in the air..
"3 points!!! Assist from 02 Monteverdi!!"
Naghiyawan ang mga manunuod sa pangyayari..
"Waah.. ang galing talaga ni Othello!"
"Go MH!!! Go Othello!! Go Mint!!! Fight Fight Fight!!!"
Hiyawan ng mga tao sa loob...
Naku naman.. sayang.. kung kanina pa kami nandito ni Euphy nakasali na din sana ako sa pag chicheer kay Gabe!
I took some shots with Baby Matthew and it went well.. shots of Mint passing the ball, shots of Gabe shooting the ball through the three point line... shots of their rally..defensive stances...dunks and free throws.. it all went well...
It was undeniable that MH has gone off with a good start and now soaring high with the scores... Nasa 4th quarter na ng laro at humigit kumulang tatlong minuto nalang ang natitirang play time.. Nangunguna ang MH na may dalawampung puntos na lamang laban sa SMA (St. Michael's Angelicus High School..)
"Sigurado akong mananalo na ang MH! See.. they're down to 20 points!" sabi sakin ni Andrea
"I just hope so. We're still not sure about that.. may 2 minutes pang natitira.." sagot ko naman sakanya..
Prrrrrrrrrt prrrrrrrrt!!
Pumito ang referee nang natumba si Mint sa sahig... lahat nang tao ay natigilan sa pag hiyawan..lahat ng mga mata ay natungo kay Mint na ngayo'y tinutulungan ni Gabe na makatayo..
"Ayos ka lang pare?" Rinig kong tanong ni Gabe.. tumango naman si Mint sakanya at nag pumilit na tumayo ngunit natumba din...
Nagsilapitan ang mga ka teammates nila sa natumbang lalaki...
"Naku mukhang di makakalaro si Mint.. sayang naman.. kung kelan patapos na ang laro.." bulong naman ni Andrea..
The game went well... Morrison High won the championship.. at malaking karangalan ito sa eskwelahan..
"Hmm.. good shots.. give them to me this Monday.. saka natin pagpipiliin kung aling mga shots ang gagamitin para sa mga articles.." sabi ni Claire..
Napatango na lang ako.. di ko mapigilang mag alala para kay Mint... Kahit naman sobrang kulit nun friends naman kami.. diba? Naku.. siguro ngayon nag aalburoto na ngayon sa dakdak si Euphy.
Pagkatapos kong makausap si Claire ay agad ko namang nakita si Euphy... at sa akala kong nag mumukmok ang babaitang ito.. sobrang lapad ng ngiti ang inihandog niya sakin..
"Ano bang meron? Di ka ba nag aalala kay Mint?" Tanong ko sakanya..
"Ano ba? Syempre nag aalala pero kasi.. excited na ako sa confession mo teh! Ako na hahawak niyan.." sabi niya sabay kuha ng kamera ko sakin..
"Teka! Ui..ingatan mo si Baby Matthew ko.."
"Oo na! I know.. hihi.. now.. you punta punta na sa UMT.. i already cleared it for you.. walang masyadong taong nag pupunta ngayon dun.. i'll make sure Gabe goes there too..now go!" Sabi niya sakin habang pinagtutulakan ako palabas..
ESTÁS LEYENDO
Pretty Little Stalker
Novela JuvenilA story about a girl stalking the "ace" of Morrison High. We'll get to know how a beautiful crazy girl fall in love with the boy of her dreams. All her troubles just get close with him and all her crazy "out-of-this-world" antics just to get to know...
Chapter 12: Gist
Comenzar desde el principio
