Here we are, in His temple. Buong pamilya. Ako at si Tross, miski ang anak namin. Parang sasabog ang puso ko sa saya. I silently prayed for more happy moments with my husband and child. Ganoon na rin ang pamilya naming dalawang mag-asawa.

Nagkaroon ng picture taking pagkatapos noon. Sa loob at sa loob ng simbahan. Halos kalahatan yata ng kuha sa amin ay umiiyak si Hope.

When we finished taking pictures ay nagtungo kami kela Father at sa ilan pang tauhan ng simbahan para magpasalamat. Ang sabi ko ay gusto ko silang kasama sa reception para doon ay makapagsalo-salo. Kaya lang, busy daw si Father. Nagpadala na rin naman ako ng pagkain para sa kanila at iyon na lang ang kanilang tinanggap.

We went to one of my family's hotel. Doon gaganapin ang reception. Marami din ang bisita roon kaysa sa mga kasamahan namin. Nandoon talaga even the family friends at iyong mga imbitado ng mga magulang namin.

"Happy christening, baby Hope," ani Kelly nang makalapit sa amin.

She's holding Callum on her arms. My brother, Crowell, approached us.

"Ako na..." Kinuha nito si Callum sa asawa.

"Nasaan si Tross?" ang kapatid ko. Iginala niya ang mata.

"Naroon sa mga pinsan niya. Galing ako roon at naisipan lang na libutin ang mga bisita."

Tumango ito sa naging turan ko. Kelly come with me at sinamahan ako sa pagpapasalamat sa mga bisita roon. Sa dami ng nakausap, hindi ko na rin matandaan kung sino ang sino.

We went to my brother's circle. Tumayo agad ang dalawa para salubungin kami.

Hinalikan nila si Hope pero sinita ko rin agad.

"Uminom na yata kayo ng alak," sambit ko.

"We didn't. Mamaya pa," depensa agad ni Carden.

Crosson doesn't really care. Malapit naman siya sa akin at wala rin naman akong naamoy na alak sa kaniya. I saw Giovanni approached us, too.

"Hi, baby. I'm your Ninong," anito.

"Gusto mo bang hawakan?"

Nanlaki ang mata niya. Their circle started chanting.

"Pagkakataon mo na, Gio. Para kunwari nahawakan mo na rin ang anak mong ipinaako sa iba!"

Kani-kaniyang tawanan ang nasa lamesa nila. I was shocked of what I heard but I didn't show it to him. Nanatili ang ngiti ko at dahan-dahang inilipat si Hope sa kaniyang bisig.

"Baka mahulog..." usal niya.

Nawalan ng kulay ang kaniyang mukha. Isang dahilan iyon upang lalo pa siyang tudyuhin ng mga kaibigan. Nangingiti na rin ako sa tuksuhan nila.

Isang tapik sa aking balikat ang nagpabaling ng tingin ko sa may likuran. The Delicante brothers are there. Si Zohan ay kasama pa rin ang parehong babaeng ipinakilala niya sa akin. Si Zath... wala ng kasama.

Mabilis ko siyang nilapitan nang makita ang putok na bahagi ng labi niya.

"Napaano ka?" Nag-aalang tanong ko.

Bumuntong-hininga siya at ngumiti sa akin.

"I miss you. Baka ilaglag na ni Giovanni ang anak mo..." He said. He's trying to get away with it.

Hindi naalis ang tingin ko sa kaniya. Inginuso niya nang inginuso ang kaibigan na si Gio sa harap para lang maialis sa kaniya ang atensyon ko. Bumuntong-hininga ako at napailing.

"Sige, Kuya. Hindi na kita kukulitin. But to let you know, I hate seeing you like this," pahayag ko bago tumalikod.

I know he's been dealing with something since my birthday came. Alam na alam ko dahil nababalitaan ko kay Mama Aida ang pagiging balisa nito. Minsan nga ay hindi na rin makausap ni Mama. He's been missing from important family gatherings.

Del Rico Triplets #1: Bound By DutiesWhere stories live. Discover now