Damang-dama ko ang bawat tibok ng puso ko habang hinihintay na bumukas 'yung pintuan.

Lalo pang bumilis nang unti-unti ko nang makita 'yung loob ng simbahan... until it became widely opened... hanggang sa narinig ko na 'yung pagtugtog at pagkanta ng singer ng most favorite song ko from Tangled...

Walking down the aisle, I tried my best not to tear up again and just look around and try to see everyone's faces. All of them are looking at me with their genuine smiles plastered on their faces.

Hindi ganoong karami ang invited because actually, I didn't and I do not really have that much number of friends. And I also want my wedding to be simple, gano'n din si Cholo.

Hindi gano'n ka-garbo, but these people, our families, my closest friends and Cholo's friends, are already enough to make this day wonderful and unforgettable.


And at last I see the light

And it's like the fog has lifted

And at last I see the light

And it's like the sky is new


I've reached mom's hand and my dad walked closer to me. Nakita ko na parang nagiging emotional na rin 'yung mga mata nila. Tinignan ko sila pareho before I told them that I love them so much. They smiled at me at bago pa kami tuluyang maging emotional lalo ay nagtuloy na ako sa paglakad, but this time, kasama ko na sila.

And there I saw Cholo.

There I saw the greatest love of my life.

Unang beses 'to na makita siya ngayong araw. 

He looked so stunning, gorgeous, handsome, lahat na ng postive things na pwede kong sabihin...

He's just looking at my eyes, directly staring into my soul with a contagious smile on his lips.


And it's warm and real and bright

And the world has somehow shifted

All at once everything looks different

Now that I see you


His eyes seem shining kahit hindi siya umiiyak. I'm glad na naging successful din 'yung pagpipigil ko ng luha. Mamaya ko nalang siguro hahayaan kapag exchanging of vows na. Just kidding... or not.

Nag-mano si Cholo sa parents ko and magma-mano rin sana ako kay Tatay Ino pero ayaw niya talagang nagpapa-bless kahit noon pa man. Instead, nag-fist bump nalang kami.

"I know you're already taking care of Joey, but I won't get tired of telling you and asking you to take care of my daughter, Ijo," dad said.

Cholo nodded and gave him a smile. "Of course, Tito..." dad looked at him with his brows furrowed. "I mean... of course, dad. Hindi rin naman po ako mapapagod na ingatan at alagaan 'yung anak ninyo," he looked at me and then looked at my parents again. "Thank you po sa pagtitiwala.  Salamat din po dahil kung wala kayo, wala rin po si Joey... wala rin po akong Joey."

And then the ceremony began smoothly... hanggang sa dumating na sa pinaka-pinaghandaan kong exchange of wedding vows.

I thought sa ginawa ko na nakasulat sa papel ako maiiyak... but I was wrong. Nagsisimula palang si Cholo na magsalita, naiiyak na agad ako.

"Love ko, alam mo bang pinapangarap at ini-imagine ko lang 'tong ganitong eksena natin almost seven years ago? Ngayon alam mo na," nagsitawanan 'yung iba, pinakarinig kong tawa ay 'yung kay Denise. "Corny sigurong pakinggan para sa mga nandito't makakarinig ng sinulat ko, pero 'yun talaga, e. Atsaka ikaw na rin nagsasabi, love, na sanay ka naman na sa ka-cornyhan ko." The audience laughed again at gano'n din ako.

Pero nang sumeryoso na siya, doon na... parang nag-flashback din lahat kasabay ng pagsasalita niya.

"Habang sinusulat ko 'to, nagkaroon ako ng realizations. Lalo akong naniwala sa fate and destiny, na lahat din ng bagay ay may dahilan kung bakit sila nangyayari sa buhay natin. Una kitang nakita sa cafe na pinagtatrabahuhan ko. Galing ako sa training that time pero dumiretso na 'ko sa cafe right after that. At doon, saktong-sakto, ikaw 'yung masungit na customer na inassist ko at akala mong niloloko kita kasi naka-UST PE uniform pa 'ko that time. Looking back, napaisip ako, baka may dahilan kung bakit, ewan ko, nagmamadali akong bumalik sa cafe after training, kung bakit ako 'yung pinapunta ni Jake sa counter samantalang may iba pa kaming kasama, at kung bakit nasaktong ikaw na ikaw 'yung nando'n sa harapan ko."

I smiled. Ang funny and cute at the same time ng first interaction namin, kahit medyo mataray at bitchesa pa 'ko no'n.

"Nakakainis, pero oo na, na-cutan ako sa 'yo. Ang weird lang din kasi nacutan ba ako dahil ang cute mo mainis? Ako mismo, hindi ko alam. At no'ng lumapit ako sa table mo para ibigay 'yung inorder mong carbonara at iced americano, I asked for your number," natatawang sabi niya. "Pero nagulat ako noong binigay mo 'yung number mo, as in 'yung contact number mo, samantalang ang hinihingi ko is 'yung order 'number 27' na nasa table mo."

Narinig ko nanaman ang malakas na tawanan ng mga bisita. Rinig na rinig ko nanaman 'yung kantyawan ng mga kaibigan ko.

"At do'n nagsimula 'yung istorya natin," ngumiti siya. "Pa'no kaya kung hindi ka nagpunta sa cafe noon? Paano kaya kung hindi ko natandaan 'yung number mo, or kung 'di nawala 'yung phone mo na nakita naman ni ate sa mall tas namukhaan kong sa 'yo 'yun?Wala siguro akong nakilalang mataray, masungit, pero sobrang genuine, at mapagmahal na Joey Cassandra. Sobrang swerte ko na dumating ka sa buhay ko, Joey," he paused atsaka siya pasimpleng tumingala nang mabilis pero binalik niya rin agad 'yung tingin niya sa 'kin. "Hindi sapat 'yung salitang 'swerte', sa totoo lang. Sobrang swerte at thankful ako na ako 'yung nakatayo ngayon sa harapan mo. Tulad ng sabi ko kanina, pinapangarap ko lang 'to noong college tayo. Actually, kahit anong imagine ko dati ng ganitong eksena, laging may kasunod 'yun na lungkot kasi alam ko noon na imposible, e. We were very opposite and we're also living in different worlds. Pero nang mas lumalim pa 'yung relasyon natin, doon ko sinabi sa sarili ko na 'sure na 'ko, pakakasalan ko 'tong babaeng 'to'. Sobrang sigurado ako sa 'yo kahit ga'no pa ka-imposible na humantong tayo sa ganito sa dami nating pinagdaanan at sa sobrang daming hadlang no'n."

"Thank you, love, kasi dumating ka sa buhay ko. Thank you kasi pinadama mo sa 'kin 'yung ibang klase ng pagmamahal bukod sa pagmamahal na natatanggap ko mula sa pamilya ko. Sa kabila ng problemang dumating sa 'tin, thankful pa rin ako kasi kasama na kita ulit. May dahilan din siguro 'yung universe kung bakit tayo nagkita ulit after five years na walang kahit anong contact, 'no? Again, corny, pero tayo na nga siguro talaga 'yung gusto ring pagsamahin ng universe. And now we're here... nasasaksihan na ng mga pamilya natin at ng Diyos 'yung pagmamahalan natin. Finally, napapakita na natin sa lahat 'yung pagmamahalan natin without any fear."

He took a deep breath before continuing.

"I'm very thankful of your parents," he looked at mom and dad's side, "it is such na honor na mapabilang po sa pamilya ninyo at mahalin ang anak ninyo. Thank you for giving us the support at sa pagtanggap po sa akin. I vow to you and to our God that I'll take care of your daughter and love her unconditionally." Then he finally looked back at me. "And Joey, pangako ko na kahit ga'no pa kahirap ang pagsubok na dumating sa 'tin, I'll still be there beside you. I promise that I will always be with you, even in chaos. At kung nauubusan ka na ng pasensya sa mga bagay-bagay, I'll have the patience and always remember that you can rely on me. I promise to share in your dreams, and support you as you strive to achieve them. I promise to help you when you need it, and step aside when you don't. Above all, I promise to show you everyday how lucky I am to have you in my life."

***

Thank you so muchhh for reading! Sana nagustuhan ninyo ang istorya nina Joey at Cholo. See you sa soon sa SS Series 2, Sa Piling Mo ^^

Dahilan (Silent Sanctuary Series #1)Where stories live. Discover now