Ilang beses akong kumurap-kurap na para bang imahinasyon ko lang siya sa harap ko. Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko at ramdam ko ang panginginig ng katawan ko.

"Pre, galaw galaw." Nabalik lang ako sa katinuan sa biglang pagsalita ni Stell sabay tapik sa akin.

"Ah.. a-ano.. t-teka! Ba't ka nandyan.. n-nandito?!" Natatarantang sambit ko.

Rinig ko ang paghagikhik ng dalawa sa tabi ko. Ano bang nangyayari?! Bakit ako natataranta?!

"Kalma, ha?! Kalma!" Tumatawang sabi ni Josh.

"Ba't di niyo sinabi agad?!" Angil ko sa kanila.

"Bagal mo eh!"

"Labas na!" Bahagya akong tinulak ni Josh kaya wala ako sa sariling napalabas sa kotse ko.

Napalingon pa ako sa kanila na sinadya pang nagplay ng music at sinara ang bintana.

"H-hi?" Sabi ko. Wala akong maisip na salita sa sobrang kaba at panlalamig ko.

Hindi naman ito ang first time na nagkagusto ako pero ngayon lang ako kinabahan at nakaramdam ng ibang pakiramdam na ganito.

"Hi." Nakangiti niyang tugon kaya napaiwas ako ng tingin sa kanya. Nakakahiya! "Tama ba 'yung narinig ko kanina? Crush mo 'ko?"

"A-ano.." napahawak ako sa batok ko at saka tumagilid dahil sa hiya. "Kanina ka pa nandito?"

"Sakto lang sa pagsagot mo.." aniya at saka umayos ng pagkakasandal sa kotse. "So? Is it true?"

"O-oo.." nahugot ko ang hininga ko at saka mabilis na tumalikod sa kanya. Kinatok ko ang bintana at agad namang bumukas iyon.

"T-tubig.." napakunot naman ng noo si Stell saka inabot ang tubig sa akin.

"Ayos ka lang, pre?"

"Madedehydrate ata ako sa hiya.." sabi ko bago tinunga ako mineral water na hawak ko.

Rinig ko rin ang tawa ni Jane sa likod ko. Parang gusto ko nalang din magpalamon sa lupa.

"Balik na tayo sa loob!" Nakangiting sambit ni Josh.

"Gagantihan ko talaga kayong dalawa!" Pasigaw kong sabi sa kanila pero kinawayan lang nila ako patalikod.

"Let's go." Biglang sambit ni Jane.

"Sa loob?"

"No.. Sasamahan mo ko sa bahay." Aniya at saka tumalikod papunta sa kotse niya.

Bahay?

"Let's go!" Naiinis na sabi niya pagkatapos akong makitang hindi ako gumalaw sa pwesto ko.

"Anong gagawin?" Takang tanong ko.

"You'll find out later." Aniya at mabilis na pumasok at pinaandar ang kotse. Agad din naman akong pumasok at hindi pa man ako nakakapagseatbelt ay humarurot na kami paalis ng parking lot.

"D-Dahan-dahan! Ayoko p-pa m-mamatay!" Natatarantang sigaw ko sa sobrang bilis ng takbo niya. Mas mabilis pa 'to noong sinundo namin si Arkin sa RTG.

Pagkababa ko ng sasakyan ay saka ko pa lang nahugot ang hininga ko. Dumiretso siya sa likod ng kotse at saka binuksan iyon at nilabas ang maliit na paper bag.

"Wear it." Binigay niya sa akin ang paper bag at ako naman ay nagtatakang binuksan iyon.

"A-ano 'to?" Nilabas ko ang laman at nakita ko ang kulay itim na box. Nakabalot pa at may ribbon pa sa ibabaw.

"H'wag ka na maraming tanong! Suotin mo na para makapasok na tayo!" Naiinis na sabi niya.

Nanlaki ang mga mata ko nang tumambad sa akin ang isang mamahaling diamond pendant. Kulay puti at kumikinang talaga kahit walang liwanag.

Agad ko iyong sinuot at nagmatch naman siya suot ko. Parang nag camouflage ang kwintas sa shirt ko at para lang akong walang sinuot na kwintas. Wow! Ang galing!

"Tara na." Nauna siyang maglakad sa akin at nanatili lang akong nakasunod sa kanya.

Huminto siya at inilabas ang phone bago nagpatuloy sa paglalakad. Narating namin ang isang malaking kwarto na para bang alagang alaga ito sa sobrang linis at kintab. Bungad nito ay ang mini sala na may malaking TV sa harap, malaking chandeliers at iba pang mga eleganteng gamit.

Padabog na binuksan ni Jane ang sliding door sa gilid.

"May hinahanap ka?" Malamig na sambit ni Jane at agad namang nataranta ang babae.

"Don't you know how to knock?!" Galit na sigaw ng babae.

"Why would I?" Sagot ni Jane. "Anong hinahanap mo?"

"W-wala! Tsaka p-pwede ba lumabas ka na?! This is our room!" Aniya at halos maputol ang ugat sa leeg niya sa kakasigaw.

"As far as I know, this is my room. Sa pagkakaalala ko.. ang kwarto niyo ni Tito ay nasa left wing. Nasa Head ka ngayon." Walang emosyong sabi ni Jane. Naestatwa naman sa kinatatayuan ang babae.

Left wing.. Head.. Anong klaseng bahay ba 'to? Ibon?

"A-aalis na ako." Walang sabi sabi ay mabilis na tumakbo ang babae palabas.

"Tsk. Magrarason na nga lang tanga pa." Aniya at saka pinulot ang mga nagkalat na mga papel sa sahig.

"Sino 'yon?" Mahinang tanong ko.

"Franco's wife." Bumilog ang bibig ko. Siya pala 'yung mataray na nagtanong dati noong una kong punta dito.

"Let's go. Balik na tayo." Sabi niya at sinigurong ni-lock ang pinto. Nakasunod lang ako sa kanya hanggang paglabas namin ng bahay nila. Hindi na ako nagsalita at mukhang mainit ang ulo niya.

Lost In Your World (SB19 SERIES #1)Where stories live. Discover now