"Ikaw rin... masarap kaya 'kong magmahal. 'Di ka na lugi, masarap din akong maging asawa. At lalong mas masarap ako."

"Ano ba, Dracy!?" naiinis na wika ko. "Mind if I tell you too, estudyante pa lang ako, ha! Wala pa sa isip ko ang pag-aasawa!"

"Well, I can be your sugar daddy." his lips turned into cruel smirked.

"Oh my, God!"

I just groaned in annoyance at mahigpit na umiling na lang sa kanya. Napuno na naman ng alingawngaw na halakhak niya sa buong kaislahan.

Unang araw pa lang namin... ganito na kaagad ang ipapakita niya sa'kin. Palala siya ng palala.

Eh, ano pa bang bago? Kahit naman nung hindi pa kami... sakit na talaga siya sa ulo, sobrang pang-asar at kulit na niya. Kaya nga pati puso ko, hindi na kinaya't sumuko na din sa kanya, 'e!

Hay! Ano ba 'to!? Ang corny ko na!

Pero totoo naman...

A bark of laughter escaped from him. Lumapit siya at naramdaman kong muli ang kanyang dibdib sa aking likod. Imbes na magprotesta ay pumikit na lang ako at suminghap dahil nasasalo ko ang init ng katawan niya na lumalanit sa balat ko.

He is really damn hopeless. I wonder if I could get used to him. Or I could tolerate his crudeness...

Umiling na lamang ako at nagpatuloy sa pag-abala sa sarili sa pagtingin ng mga magagandang tanawin.

"Celestina..." he called.

"Hmm?" wala sa sariling tugon ko.

Kung dati ay para akong napapaso kapag napapadikit sa kanya, iba na ngayon. I feel secured and comfortable in his arms. Unti-unti na rin akong nasasanay sa mga ipinararamdam at pinapakita niya. Lalo na sa presensya niya.

"Akin ka lang, hmm...?" bulong niya na ikinatuod ko.

Sinubukan kong pumormal kahit na sa loob-loob ko'y patindi na patindi ang epekto niya sa'kin.

It's like attractive damn suicide.

Even though I am aware that the effect can be rough and cruel, I still continue to take it in. It's like a blessing and at the same time, maybe it's a curse.

Pasimple akong tumikhim at lumunok. "You are so possessive. Siguro ganyan ka rin sa ibang mga babae mo noon..." pinilit ko siyang asarin kahit na sa loob-loob ay parang sasabog ang kung ano na namang dumadaga sa dibdib ko.

He groaned dramatically. Hinayaan niya ang ulo niyang bumagsak sa balikat ko na tila napapagod na sa mga buwelta ko. Mas lalong nanginig ang kalamnan at kaloob-looban ko nang yakapin niya pa ako mula sa likod, at puluputin pa ng mga mauugat at malupit niyang mga braso sa kawawang maliit na baywang 'ko.

Kung titingnan ay para niya akong nahuli ng walang kahirap-hirap at anumang oras ay maaari niya akong mapirat sa laki ng katawan niya. Ngunit kabaligtaran naman ang pinaparamdam niya sa'kin. Marahan... malambot... mapag-ingat na para akong isang manipis na babasagin na iniingatan dahil anumang oras ay maaari akong mabasag.

May pagkakataon na sinasadya niyang higpitan ng tama at niluluwagan. Para bang pinapakiramdaman niya kung gaano ako kalambot dahil ramdam ko kung gaano siya kakalyo't katigas na tao.

Tinulak ko siya saglit para bumalik ang tingin niya. Slowly, he opened his eyes teasingly. Kahit pa anong bigyan siya ng malamig na tingin, hindi ko na magawa.

"T'sansing 'to..."

Nanulis ang labi niya't lalong kumurba ito.

"Walang iba ngayon, Celestina." malayo sa tugon na pang-aakusa ko sa kanya.

Darcy, The Breaker of Chains: (obsessive-compulsive. psychotic-thriller.)Where stories live. Discover now