PHASE 01

64 11 0
                                    


"Yan, sige lang, tawag lang ng uwak. Ano, kaya pa?"

"Damn, Mickey! Nahihilo ako!"

Lalo siyang lumapit sa'kin upang hawakan ako ng maayos. Halos magkanda-ugaga na kaming dalawa dito habang patuloy kong naririnig ang sunud-sunod niyang malulutong na mura para sa'kin.

Hindi ko na yata mabilang ang mga mura at reklamo niya. Kanina niya pa sinasabing iiwan na niya 'ko, pero wala siyang choice kun'di tulungan ako—lagi.

"Ano ka ba naman? Hindi naman ako plunger pero wag mo naman ipasok ang ulo ko sa kubeta!" nanghihinang reklamo ko habang ramdam ang pasimpleng himas niya sa aking likod at ulo dahil sa hilong nararamdaman.

Pinilit kong magmulat ng maayos. At sa tuwing gumagalaw lang ako ng kaunti, nawawala ang balanse ko at pakiramdam ko'y lumalala ang ikot ng paningin ko. Isang shot lang naman nung isang alak na 'di ko kilala ang nainom ko, grabe na kaagad ang naging epekto sa'kin. Ni hindi ko man lang inalam kung anong klaseng alak ang ipinainom nila at parang mga pamankin yata ni Lucifer ang mga kasama namin ni Mickey kanina.

"Ano bang inaarte mo? May pagsuka ka pa. Naku, Celestina, ha. Baka mamaya masukahan mo na naman ang baby ko! Talagang iiwan kita sa kalsada kang gaga ka!" mas pinag-aalala niya pa ang kotse niya ngayon.

As if naman na magagawa niya sa'kin 'yon.

Gusto kong umirap pero hindi ko ginawa, baka lalo na naman magunaw ang mundo 'ko.

Nahihilo ay napabuntonghininga na lamang ako ng malalim.

Hindi ko rin naman siya masisisi dahil nadala na siya sa'kin noon at hindi ko naman din sinasadyang masukahan ko ang kotse niya dahil sa lakas din aircon at pabango niya nung panahong lasing na lasing ako nang maihinatid niya 'ko.

"Kaya nga ngayon, inilalabas ko na. Hawakan mo naman kasi ako ng maayos. Mukha ba 'kong pambarado sa inidoro!? Ayusin mo naman kasi ang paghawak mo! Diring-diri? Kapag ikaw tinutulungan 'ko—"

"Tumahimik ka na lang." putol niya sa'kin.

Napaungol ako sa inis.

Bumuntonghininga siya ng malalim. She's like, she's gonna throw up too.

"Kadiri ka naman, sis. Para kang kumain ng cereal, 'e. Nag-dinner ka ba sa inyo bago tayo lumarga dito?" nandidiring tanong niya, sa nahihilong pakiramdam ay nagawa ko pang mapairap nang mahimigan ang pandidiring buntonghininga niya.

"Ang ganda-ganda mong babae. Bilisan mo ng dugyot ka."

"Teka, patapos na..."

Huminga na lang ako ng malalim at saglit na namahinga sa panghahalukay ng sikmura ko.

"Sabi ko naman kasi sayo na hinay-hinayin mo sa pamumulutan. Kaya lalo kang nalalasing, e." pamustra pa niya. "Dead starving yern?"

Hawak pa rin niya ang buhok ko habang nakaluhod ako sa kubeta sa pangatlong cubicle na pinasukan ko.

Nasa likod ko siya. Nanatiling nakaalalay sa akin. Sabi ko sa kanya na iihi lang ako, pero anong nangyari? Nasuka lang naman ako! Hindi ko naman alam na bigla siyang susunod sa akin, medyo napatagal yata ako. Ang saglit ko na pamamalaam ay mukhang napatagal at nainip na siguro, kaya hindi siya nakatiis na sundan niya na agad ako dito. Hindi ko naman kasi alam kung bakit sa tuwing nakakakita ako ng kubeta, kahit hindi naman ako naiihi, nakakaramdam agad ako.

At kahit hindi naman ako nakakaramdam ng pagsuka, nasusuka naman agad ako.

Mabuti na rin nga na nandito siya at pakiramdam ko'y mamamatay na yata talaga ako kapag walang makakatulong sa akin.

Darcy, The Breaker of Chains: (obsessive-compulsive. psychotic-thriller.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon