PHASE 11

28 7 0
                                    


"How many times do I have to tell you na hindi ka nga pwedeng lumabas!? Alin ba 'don Celestina ang hindi mo maintindihan, ha? Hindi kita pinayagan! Bawal lumabas! Bawal kang lumabas—pero wala! Tumakas ka pa rin! Matigas na talaga ang ulo mo!"

"P-Papa—"

"Inuubos mo ang natitirang pasensya 'ko!" he still shouted as if his voice had become a bomb, causing me to dodge.

Trembling with nervousness, I was swallowed up deeply and forced to speak. So, while he was still driving, I could feel that Papa was really quiet and restrained from shouting at me. And I think there is a limit to all patience and only now has he exploded.

I'm afraid I won't be able to sleep well tonight.

Really, Celestina, 'yan pa ang mas inalala mo sa kabila ng katigasan ng ulo mo?

Palihim na huminga ako at napalunok muli nang malalim. "P-Pa, gusto ko lang naman dumalo sa birthday ni Mickey—" naputol ang pagdadahilan ko nang padarag akong ibinaba ni Papa mula sa loob ng kotse at kinaladkad papasok sa loob ng aming bahay.

Napasinghap ako ng malakas. Agad kong narinig ang tarantang boses at awat ni Mama nang masaksihan niya ang padabog na iginawad sa'kin ni Papa.

"Hindi ba't sinabi kong hindi? Hindi kita pinayagan! Hindi kita pinayagan!" halos manginig ang labi ko, sa kagustuhang mangatwiran ay mas nananaig ang kaba sa puso 'ko.

I know I was wrong. I know it was really a bad idea. I was so stubborn.

Pero tulad nga ng sinabi ko, hindi man nila alam... ito na yung huling araw na magiging pasaway ako dahil gusto ko lamang makadalo sa importanteng araw ng kaibigan ko. Pero sa tingin ko... mukhang mali yata 'tong naging desisyon ko. Ang kinalabasan at inakala kong malulusutan ko ulit ito, ay isang malaking kabiguan pala ang matatamo ko.

Mas lalong naging malala, dahil kahit alam kong magpaliwanag man ako ngayon, inaamin ko, alam kong mali ko pa rin. At sa ang kagustuhang mangatwiran sa kanila, o anumang maging dahilan ko—kahit na totoo—alam ko, hindi pa rin ito magiging sapat. Hindi pa rin nila mauunawaan, papakinggan, o papaniwalaan katulad nung huli dahil... sinungaling na ako sa paningin nila.

Kaya... paano nga naman sila maniniwala pa sa'kin?

Pano nga naman ako pagbibigyan pa?

Kaya hindi ko rin masisisi sila Mama lalo na si Papa dahil sa nagawang kasalanan na inulit ko na naman.

"I-I'm sorry, Pa... H-Huling pagkakataon ko na naman 'yung punta na 'yon dahil birthday ni M-Mickey. At gusto ko rin sanang kahit sa huling pagkakataon na iyon ay—"

"Hindi mo talaga ako naiintindihan, Celestina, 'no? Paano kita papayagan kung pag-iinom ang pinupunta mo? Nag-iisip ka ba, ha?" he yelled at me again. "Mag-iinom sa malalim na gabi?" sarkastiko pa siyang natawa at binigyan ako ng imposibleng tingin. "Gawain ba 'yan ng matinong babae!?" nanlilisik niyang asik sa akin.

"P-Pero Pa—"

"Hindi ba't sinabi ko sa'yong layuan mo na sila, ha!? Ang tigas-tigas ng ulo mo!"

Halos mapatalon ako sa tarantang naramdaman nang lumapit pa siya lalo sa'kin at gigil na gigil.

Mariing kagat-kagat ko ang pang-ibabang labi sa pag-iindang hapding nararamdaman dahil sa diin ng hawak niya sa braso ko. Natatalisod habang nagpapatangay sa kanya papasok sa loob ng aming salas. Tahimik lamang na ininda ko ang pagdaing sa mariing hawak niya sa braso ko, na sa sobra diing iyon ay para bang madudurog ang buto ko sa manipis kong balat.

"Noel! H-Huminahon ka!" pagpapakalma sa kanya ni Mama habang sumusunod sa amin.

But Papa look so blind in rage. Na kahit ang pagsuway sa kanya ni Mama ay hindi niya pinapansin iyon. He was busy paying full attention to me. He was really, really mad at me.

Darcy, The Breaker of Chains: (obsessive-compulsive. psychotic-thriller.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon