Ramdam ko ang paglingon niya kahit hindi ko pa siya nililingunan. Bumuntonghininga ako ng malalim at napairap sa kawalan.

Saglit na bumagsak ang tingin ko sa binabaybay naming mabuhanging daan. Sa bawat yabag ng kabayo ay siyang hampas at wisik ng along tubig ang kumakalabit sa pandinig ko. Tuluyan nang umaraw, ngunit mas maaliwalas na hangin ang nangibabaw.

"Oh Dracy, I know your type. You probably have girls lining up for you."

He chuckled a bit. Hindi ko alam kung sarkatiko ba 'yon o ano.

"Mukha ba talaga 'kong hindi kati-katiwala para maisip mo 'yan sa'kin?"

I would have said more, but I figured he'd just laugh at me, or worst; maasar lang siya sa'kin so I didn't. Sinubukan kong sulyapan siya saglit, ngunit nagparte ang labi ko nang mahuli kong nakatuon pala ang atensyon niya sa'kin.

His face turned grim. Tumaas pa ang kilay niya at tila hinahamon ako. I sucked a deep breath. Mabilis na kumurap ako saglit at tumikhim. Iniwas ko agad ang tingin ko sa kanya.

Everytime our gaze met and he looks serious, parang nadadagdagan ang milyang edad naming dalawa. He looks very intimidating and dangerous that I couldn't even bring myself to say anything. Kahit hindi ako kumportable sa pagiging mapang-asar niya—sanay na ako dahil 'yun na ang pagkakakilala ko sa kanya. Ngunit mas lalo yata akong hindi magiging sanay lalo na kapag mukhang seryoso siya. Ibang Darcy ang nakikita ko, lalung-lalo na ang nararamdaman ko... Malayo sa pagkakakilala ko.

"Paano 'ko ba malalaman na hindi mo nga 'ko pinaglalaruan?"

"Hinahamon mo ba 'ko?" natatawa na niyang tugon sa'kin.

He laughed mockingly. Akala ko ay hindi siya makakasagot dahil maaaring mabisto ko siya at malaman kong niloloko nga 'ko at inaasahang hindi siya makakalusot sa tanong ko. At kung meron man, ano naman kaya ang maaaring palusot niya at mabulaklak na naman na salita ang sasabihin niya?

Alam ko... mali na patuloy pagdudahan ko siya. Pero gusto ko lang makasigurado... dahil hindi rin naman naging madali at basta itong desisyon 'ko na tanggapin siya bilang... boyfriend ko. At payagan ang sarili kahit na kahit alam kong bawal pa... sinugal ko at sinubukan ko pa rin kahit hindi ko naman talaga 'to plano. Dahil sa isang banda, gusto ko. Inaamin ko, gustung-gusto ko... gusto ko rin ito.

At siguro, dito ko natanto na malaki nga tiwala at pagkagusto 'ko sa kanya para 'di pa umabot sa mahabang panahon na salubungin siya ng mundo 'ko at tuluyan rin siyang papasukin 'ko.

"Then let's get married."

Umawang ang labi 'ko. His lips lifted in a cruel smirk.

"W-What?" gulantang kong tugon sa nakakagulantang niyang sinabi.

Ang dami niyang maaaring sabihin pero ito pa talaga!?

"What?" tila'y ginaya niya pa ang reaksyon ko.

Sinamaan ko agad siya ng tingin. Yung mukha niya ay para bang matatawa pa sa'kin.

"Para matanggal na 'yang pagdududa mo." he grinned at me and smirked. Lalong tumaas ang kilay niya na lalong nagpapilyo sa gwapong mukha niya. "What? Willing naman akong magpatali sa'yo. Sabihin mo lang at luluhod agad ako."

"A-Anong luluhod!?" I sucked a deep breath again. Ngunit agad na nakabawi rin. "Ang OA mo, ha! Kasal agad!?" napangiwi ako at pinandilatan siya ng mata, lalo namang lumawak ang pagngisi niya. "Oh, Darcy! Stop your grin! Masyado ka na!"

"Oh, bakit? Dun din naman papunta 'yon, kaya bakit pa natin patatagalin 'to?" painosente niya pang reaksyon.

Alam niya ba ang sinasabi niya? Talagang niloloko na naman ako nito! Tsk!

Darcy, The Breaker of Chains: (obsessive-compulsive. psychotic-thriller.)Where stories live. Discover now