Pagkababa ko, sumalubong naman si Miahri na may dalang pagkain at juice habang inaayos niya ang papel na kinuha namin kanina.

Kinuha ko ang malaking investigation board ko, de tulak naman kaya hindi ko na kailangan mag buhat.

Naalala ko kung paano at saan nila nilagay ang mga picture at papel sa board, ginaya ko lang kung paano ang pagkakalagay.

Karamihan sa pictures ay puro ako, hindi kita ang mukha ko dahil may suot akong maskara.

Mukhang may magaling akong stalker noon, ah?

Nang matapos ako, dumating naman si Rigel habang may tuwalya sa balikat niya.

Sinimulan na namin ang investigation at sinusuri namin ng maagi at pinagsasama din namin ang naiisip namin.

"Halatang matagal na 'yung mga pictures galing sa hideout nila. Did they abandon their hideout and leave these evidences behind?" Turo ni Rigel sa board.

"Maybe yes or maybe not. I believe they had a reason to abandon everything. Sa tingin ko ay hindi na nila pinupuntahan dahil baka wala naman makakakita na may underground hideout sa ilalim ng cathedral. My second thought is that this evidence was useless. Pati ang CIA ay sinukuan ang kaso na hanapin ako."

Naalala ko sila Vincent, pumunta ako sa monitor at nag tapik ako sa keyboard at nilagay ko ang address sa cathedral.

Mabuti na lang may CCTV camera na nakatapat mismo sa cathedral pero sira, halatang hindi na nagamit higit taon at naisipan ko na ayusin ang camera. Nakita ko si Vincent na may kausap na pulis.

Saktong may hawak na phone ang kausap niya kaya sinubukan ko i-scan ang phone niya saka ko hinack para marinig namin ang pinag-uusapan nila.

"Nakita niyo ba kung sino ang kumuha sa mga papeles? Sa hideout nila?"  Narinig kong tanong ni Vincent.

"Hindi, Detective. Masyado silang mabilis kumilos at isa sa kanila ay hinagisan kami nang flash grenade kasabay ang granada."

"Sorry, my bad." Napailing ako habang pinapanood sila.

"Hindi niyo ba nakita mukha nila?"  tanong ni Vincent.

"Hindi. Pero 'yung nanghagis sa amin kanina ay boses babae."

"What did that woman say?"  I zoom the camera in at nakita kong nakakunot ang noo niya, halatang stress na din ang isang 'to.

"Nice to meet you boys, but I need to run. Ayan po ang pagkakasabi niya."

Napahinga ng malalim si Vincent at kinuha niya ang cellphone sa bulsa niya.

"Hello? Detective Espinoza here. Send in another team to the cathedral. More men are needed to investigate what's going on inside the sewer."

Binaba niya ulit ang tawag at hinarap niya ang pulis na kausap niya.

"Give me the flashlight. I want to see it myself."

Inabot naman niya ang flashlight, sumaludo naman ang pulis sa kanya habang naglalakad na si Vincent papunta sa likod ng cathedral.

Inalis ko na ang pag hack ko sa camera pati sa phone doon sa police.

"Anyway, hindi ba't pinapaikot ka na naman niya? He's a monster when it comes to manipulating." Panimula ni Rigel.

Nakikinig lang ako sa mga sinasabi niya habang ako ay may kausap sa phone ko, no other than my crazy husband.

@Alexeon
Anong lulutuin mo mamaya? Baka may gusto kang kainin? Ramen?

@caerus
Ikaw? Ano ba gusto mo? Para maluto ko agad.

Constellation of Love Season 2 (On-going) Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt