What if I became better but for worst? Or I started again but with the wrong path? What if I started to live again but only to hurt those who loves me. Because I think, I can never be the same Hollis. The one who appreciates simple things. I no longer the Hollis who is full of love. I am now the lost one. Iyong... wala ng buhay.

His soft kisses are like triggering my emotions. Sobs left my lips unnoticed. My shoulder is shaking due to a terrible breakdown.

"You can cry all you want. I will let you grieve but please, you should eat," he mumbled once again.

Umiyak ako nang umiyak habang nakasandal sa kaniyang dibdib. Nakayakap na ang mga kamay niya sa akin, binibigyan ako ng suporta. Sa ganoong sitwasyon kami naabutan ng mga De Guia. Batid kong hindi nila gustong gumawa ng ingay sapagkat natatakot silang magalit akong muli. Sa nakalipas na mga araw, nagiging mas sensitibo ako kahit sa maliliit na bagay. At minsan pa nga, wala ng kadahi-dahilan pero nabubugnot ako. Magwawala at pagtapos ay iiyak.

They are trying to understand me when I can't even undertand myself. Nanatili silang mapagpasensya kahit na mismo ako sa sarili ko ay alam na sobra na ang lahat ng nagagawa ko. No matter how much I tried to control my emotions... To set aside my agony and anger... I just can't. Dumadating sa puntong... I am becoming hopeless.

"Nandito na naman kayo?" malamig at galit ang tono nang pagtatanong ko.

Kapwa natigilan si Tita Selena at Crisosmo. Si Tross naman ay nagpatuloy sa paglalapag ng mga prutas at bulaklak na dala ng mga bisita. Lumandas ang maliit na ngiti sa labi ni Tita Selena na hindi ko naman ikinatinag.

"Nakakain ka na ba, anak?" masuyong tanong niya.

Pinagmasdan ko siyang inilapag ang bag sa sofa sa loob ng silid na 'to. Pumasok sa pinto ang tatlo pa niyang anak. They all tried to show a smile to me. I just grimaced.

"Paano ako makakakain kung wala akong gana?" I state the obvious.

Sinulyapan nila ang pagkaing nakatapon na lang sa trashbin. Miski nga ang tray na pinaglalagyan noon ay doon ko inilagay dahil sa inis. Sinubukan ko namang kumain kanina. However, a sudden thought crossed my mind. Nagagawa ko pang kumain kahit namatayan ako ng anak? Anong klase akong ina?!

"If you wanted to eat anything, magsabi ka sa amin. We'll buy it," Crisosmo spoke with sincerity on his voice.

I scoffed. Mayamaya pa, umalpas ang walang buhay na halakhak sa bibig ko. Nasundan nang nasundan iyon hanggang sa hindi ko na na-kontrol ang aking sarili.

"Wala akong gustong kainin," nagtatagis ang bagang kong sambit.

"Ang gusto ko... mawala kayong lahat sa paningin ko!"

Humugot ako nang malalim na hininga. Naglandas ang kamay ni Tross sa kamay ko pero iwinasiwas ko 'yon. Binalingan ko siya, ang mata ay nagbabaga sa galit. I pointed at my visitors.

"Bakit ba palagi mo silang hinahayaang makapasok? Ayoko nga sinabi ng bisita," puno ng panggigigil kong sabi.

Tross sighed and nodded his head.

"Uuwi na sila," pagsang-ayon niya sa akin.

"Pauuwiin ko na," he said with conviction, doing his best to assure me.

Para akong nanalo sa pakiramdam. Bumalik ang tingin ko sa mga nasa harap. Gumuhit ang ngisi sa labi ko. I motioned them to leave.

"But..." Tita Selena tried to butt in. However, her husband stopped her.

Sa mga sumunod na araw, ganoon na naman. Nandito na naman sila. Mga hindi nagsasawa. Dinampot ko ang bulaklak na namulatan ko na lang sa drawer sa tabi ng hospital bed. Marahas ang ginawa kong paghagis doon. Tita Selena shrieked. Yumakap kay Crisosmo.

Del Rico Triplets #1: Bound By DutiesWhere stories live. Discover now